SA UNANG pagkakataon naramdaman ni Luisa na hindi siya nag-iisa sa buhay. Matapos papasukin si Levi sa bahay, saglit pa silang nag-kuwentuhan nang matapos ang kanyang breaktime ay bumalik na rin siya sa trabaho.
Habang abala sa ginagawa sa harap ng computer. Mula sa kuwarto ay naririnig niya na tila kumikilos sa kusina si Levi. Makalipas lang ng sandali, kumatok ito sa nakabukas na pinto ng kanyang silid. Hindi agad nakapagsalita si Luisa nang makitang may bitbit itong pinggan na may laman na sandwich.
"I hope you didn't mind, nakialam ako sa kusina mo. Naisip ko kasi baka magutom ka habang nagtatrabaho."
Napangiti si Luisa. "Thank you," she mouthed.
Nang gumanti ng ngiti sa kanya pabalik si Levi, may kung anong mainit na damdamin ang humaplos sa puso niya. Mula ng sandaling iyon ay naukopa na ng binata ang kanyang isipan. Pilit na tinuon ni Luisa ang atensyon sa pagtatrabaho, pero sa tuwina ay napupunta dito ang kanyang tingin. Nariyan dadalhan siya ng juice, tubig o kaya ay kape.
Pasado alas-kuwatro ng madaling araw nang matapos ang trabaho ni Luisa. Umalis kasi ang kanyang kliyente at maaga din siya nitong pinagpahinga. Nang matapos i-shutdown ang computer ay lumabas na siya ng silid. Doon naabutan niya na nagbabasa ng libro si Levi. Tiyak na galing ang librong hawak nito mula sa bookshelf display doon sa sala.
"Tapos na work mo?" tanong nito.
Nakangiti siyang tumango ng marahan.
"How is it?"
Nagkibit-balikat siya. "Ayos naman, medyo magaan trabaho ko ngayon."
"Good."
"Salamat sa meryenda kanina, ang sarap ng sandwich."
Napangiti si Levi.
"You're welcome. Maliit na bagay kumpara sa pagpapatuloy mo sa akin dito."
"Wala 'yon, kesa naman palagi kang naliligo doon sa ulan."
Huminga ito ng malalim. "I'm okay waiting in the rain."
Hindi agad sumagot si Luisa. Iniisip kung dapat ba niyang sabihin ang laman ng kanyang isipan sa mga sandaling iyon.
"Can I ask you something?" mayamaya ay lakas-loob na tanong niya.
"Sure, ano 'yon?"
"Curious lang, hanggang kailan ka maghihintay sa kanya?"
Natigilan si Levi. Kahit hindi magsalita ay kita niya sa reaksyon sa mukha nito na bahagya itong nabigla sa kanyang tanong.
"Sorry, hindi dapat a—"
"Hanggang sa bumalik siya sa akin," biglang sagot ni Levi.
And when he said that, he was looking straight into her eyes as if those words are for her. Tumikhim si Luisa.
"Eh paano kung hindi na siya bumalik? At gaano ka nakakasiguro na babalik pa nga siya?"
"I just know. Alam ko na babalikan niya ako. May tiwala ako sa kanya na babalik pa rin siya, alam ko, deep in her heart, alam n'ya na naghihintay ako sa pagbalik niya. Dahil nangako siya sa akin."
Napangiti si Luisa sa kilig.
"Grabe, sana lahat ng lalaki gaya mo. Hindi gaya ng iba diyan, hindi marunong maghintay, kapag napalayo nagkakaroon agad ng kapalit."
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...