Chapter 27

94 9 3
                                    

"HOW much do you trust me?" tanong ni Levi sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Luisa na halos bente kuwatro oras na silang magkasama. Out in the open. Kasama ang mga taong importante sa kanyang buhay. Hindi nagtatago. Hindi na kailangan pa magsinungaling. Sa sobrang saya ni Luisa, hindi niya namalayan ang pagdaan ng mga oras.

It's already past midnight. They are now lying on her bed. They are not yet sleepy but she just wants them to cuddle. Tumingala siya sa nobyo at ngumiti.

"More than my life."

Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. Pagkatapos ay hinila siya palapit nito at niyakap ng mahigpit.

"Mahal kita, Luisa. Mahal na mahal kita. Lagi mo sanang tatandaan 'yan."

Nakangiti siya habang nakapikit matapos marinig ang mga katagang iyon. Umaapaw ang saya sa kanyang puso. Nararamdaman niya ang pagmamahal na iyon at hindi kailan man pagsisisihan ni Luisa na sinunod ang kanyang damdamin.

"Mahal din kita. Sobra. Sobra sobra," sagot niya sabay yapos sa beywang nito.

They just stayed in bed. Embracing each other while his fingers are gently stroking her hair.

"Ngayon alam na nila Nanay Elsa ang tungkol sa atin? Ano nang gagawin natin?"

"Ano ba ang gusto mong gawin?"

Muling dumilat si Luisa at tumingala para salubungin ang mata ng nobyo.

"Hindi ko alam kung tama na sa akin manggaling ito, but I want us to live together now. Or maybe get married?"

Marahan itong tumawa. "Are you proposing to me now?" biro pa nito.

Natawa din siya sa sinabi nito.

"Yeah, you can say that," pabiro din sagot niya.

He chuckled again and pulled her back in his arms. Muling pinikit ni Luisa ang mga mata kasabay ng pagyakap sa kanya ng mahigpit. Kasunod niyon ay narinig na lang niya ang nobyo na huminga ng malalim.

"Get some sleep. Take a lot of rest."

"Alam mo naman hindi ako natutulog ng ganitong oras, baka bangungutin na naman ako."

"Maniwala ka sa akin, hindi na mangyayari 'yon dahil kasama mo ako."

"Okay, sabi mo eh," natatawang sagot niya.

When Levi started stroking her hair again with his fingers. He started humming a song. Kahit nakapikit ay bahagya siyang napakunot noo habang patuloy na naririnig ang kanta na iyon. It sounds really familiar to her. Parang narinig na niya iyon kung saan pero hindi maalala ni Luisa kung saan at kailan.

"'Yang kanta na 'yan, ano nga ulit ang title n'yan?"

"Wala siyang title, dahil inimbento ko lang 'tong kanta na 'to, back when I was in highschool."

"Wow, talaga?" bulalas niya at napadilat na naman ng wala sa oras at tingin sa nobyo.

Isang marahan tango lang ang sinagot nito at ngumiti.

"Eh bakit parang pamilyar sa akin?"

Natigilan si Levi. Hindi ito sumagot. Sa halip ay tinitigan lang siya nito na puno ng emosyon. Lalong nagtaka si Luisa nang mapansin na nangingilid ang luha sa mga mata nito. Mayamaya ay ngumiti ito.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon