Chapter 62

73 7 0
                                    

"HEY, how are you feeling?" malambing na tanong ni Levi sa kanya.

Bahagyang dumilat si Luisa habang nakahiga pa rin sa kama. "Nahihilo pa rin ako. Saka ang bigat ng katawan ko," sagot niya.

Sinalat ni Levi ang noo niya. "Wala ka naman lagnat. Gusto mo magpa-check up na tayo?"

Marahan siyang umiling. "Ayokong lumabas. Hindi ko talaga kayang tumayo," tanggi niya.

"Okay, mahiga ka lang muna diyan. I'll just have to make a call," sabi pa ni Levi.

Agad bumaba ng kama ang kanyang asawa at dinampot ang phone sa ibabaw ng bedside table.

"Hello, Ian. Ikaw na muna ang bahala diyan sa opisina, baka hindi ako makapasok ngayon. Masama ang pakiramdam ni Luisa eh, hindi ko maiwan mag-isa. Oo, sige, salamat. Keep me posted, okay? Thanks."

Sinundan ni Luisa ng tingin si Levi nang ibaba nito agad ang phone at bumalik sa tabi niya. Doon niya pilit na bumangon para umunan sa hita nito. Sumandal si Levi sa headboard ng kama habang marahan hinaplos ang kanyang noo.

"Sorry," malambing na sabi niya.

"Para saan?" kunot-noo na tanong nito.

"Hindi ka nakapasok dahil sa akin."

Ngumiti si Levi pagkatapos ay tumungo ito para halikan siya ng mabilis sa labi.

"Bakit ka nagso-sorry? Puwede ko bawiin ano man oras ang trabahong naiwan ko, but I cannot make up to the time I can miss with you. Siyempre mas priority pa rin kita, lalo ganito na masama ang pakiramdam mo."

Napangiti si Luisa at niyakap ang braso nito. "Thank you," malambing ulit na sagot niya.

"Ang mabuti pa, sabihin mo na lang kung anong gusto mong kainin, para iluluto ko sa'yo?"

Saglit siyang nag-isip, hanggang mayamaya ay napangiti si Luisa nang may maalala. Ang sandwich na madalas ginagawa ni Levi para sa kanya noong palagi dumadalaw ito sa Santa Catalina habang may amnesiya siya at isang espiritu lang ito. Ngayon ay biglang luminaw ulit ang kanyang memorya. Naalala na niya na ang sandwich na iyon ay palaging ginagawa ni Levi para sa kanya noong nagsimula silang magsama doon sa penthouse, makalipas ang anim na taon hindi nila pagkikita.

"Mahal, alam mo pa ba 'yong sandwich na palagi mong ginagawa sa akin noon? Iyong favorite ko?" tanong niya.

"Ah, 'yong may tuna at Japanese mayo?" hula nito.

"Oo, 'yon!"

"Iyon ba ang gusto mo kainin?"

"Oo, saka soup, kahit egg soup," sagot niya.

"Okay, hintayin mo ako dito at igagawa kita."

Bago ito tumayo ay pinigilan ni Luisa ito sa kamay.

"Sandali lang, wala ka bang naalala sa sandwich na 'yon?" tanong pa niya.

Kumunot ang noo ito at nag-isip. "Ah, ang naalala ko lang. Sinimulan kong gawin 'yon mula nang magsama tayo dito. It's my all-around sandwich. Pangpa-relax kapag pagod ka sa trabaho. Pang-peace offering kapag galit ka sa akin. Pang-lambing kapag may request ako sa'yo."

"Hindi mo na naalala? Noong may amnesia pa ako at dumadalaw ka sa akin. Ginagawa mo ako no'n."

Lalong nagsalubong ang kilay nito.

"Talaga?"

Mabilis siyang tumango. "That's weird. May ibang detalye at events akong naalala, pero iyong tungkol sa sandwich hindi ko maalala."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon