"OH, INGAT sa paghakbang," paalala sa kanya ni Levi.
Kahit na hingal na hingal ay pilit inipon ni Luisa ang lakas para makahakbang. Pasado alas-dos ng hapon nang magyaya itong maglakad-lakad doon sa gubat. Ayon dito ay may lugar pa doon sa kagubatan na nais nitong makita niya. Sa pag-aakala na malapit lang iyon ay walang pag-aalinlangan na sumama si Luisa. Habang papalayo sila at makaramdam ng pagod ay saka siya nagsimulang magreklamo.
"Please, ayoko na, magpahinga na tayo!" daing ulit niya.
"Nandito na tayo," sagot ni Levi.
Sa wakas, matapos ang mahigit isang oras na paglalakad ay narating na rin nila ang sinasabi nito.
"Huuu!" malakas niyang bumuntong-hininga.
"Are you okay?" natatawang tanong nito.
Pabirong pinukol ni Luisa ng masamang tingin si Levi.
"Mukha ba akong okay? Ang haggard na ng itsura ka," sabi niya.
Tumawa ito pagkatapos at maingat na hinawakan siya sa magkabilang pisngi at pinatakan ng magaan na halik sa labi.
"Pangako, magiging sulit lahat ng pagod mo kapag nakita mo ang sinasabi ko."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Look in front of you."
Napasinghap ng malakas si Luisa at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nasa harapan. In front of her is an ocean of clouds. Hindi makapaniwala na nakikita niya ang napakagandang tanawin na iyon. Madalas ay sa internet niya lang makita iyon, but now, she is looking at them with her bare eyes.
"Ang ganda," maluha-luhang reaksiyon niya sabay lingon kay Levi.
"I told you, it's worth it."
"Nasa tuktok ba tayo ng bundok?" gulat na tanong niya nang maalala.
"Yes."
Muling binalik ni Luisa ang paningin sa magandang tanawin.
"Maghintay pa tayo ng konti, mayamaya mas maganda na dito."
"Sige."
"Maupo muna tayo."
Sinunod niya ang sinabi nito. Naupo sila sa damuhan, sa ilalim ng isang matayog na puno. Sumandal si Levi sa katawan ng puno habang si Luisa naman ay naupo sa harapan at sumandal sa malapad na dibdib nito. She smiled when Levi started humming a song. Then, run his fingers on her arms and played with her fingers. Bahagyang napakunot-noo si Luisa nang may mapagtanto, dahilan para mapalingon siya sa binata.
"Sounds familiar."
Huminto sa pagha-hum ng kanta si Levi at sinalubong ang kanyang tingin.
"Ang alin?"
"'Yang kinakanta mo, pamilyar."
"Talaga? I just made it up. But I started humming this five years ago."
Natigilan si Luisa at malalim na nag-isip.
"That is weird. It really sounded very familiar. Parang narinig ko na siya, hindi ko lang maalala kung saan."
Nawala doon ang kanyang atensiyon nang tuluyan siyang yakapin nito. Pagkatapos ay kinintalan ng halik sa sentido at dinikit ang labi sa kanyang tenga.
"Are you happy?" bulong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...