"KELAN pa kayo umalis doon sa dating bahay n'yo?" tanong ng kaklase ni Luisa na si Joan.
"Matagal na, siguro mag-aanim na buwan na."
"Kaya pala pinuntahan kita noong isang gabi sabi ng kapitbahay n'yo wala na daw kayo doon. Hindi mo man lang sinabi," tila nagtatampo na sabi pa nito.
Ngumisi siya at malambing na niyakap ang matalik na kaibigan.
"Sorry na, akala ko kasi nasabi ko sa'yo."
"Eh saan na kayo nakatira ngayon?"
Naupo sila sa isang sementado at mahabang upuan na nasa ilalim ng malaking puno doon sa school ground.
"Sa bahay nila Don Ernesto Serrano," kaswal na sagot niya.
Namilog ang mata ni Joan. "Don Ernesto Serrano na may-ari nitong school?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo," mabilis na sagot niya na hindi nakatingin dahil abala siya sa paglagay ng straw sa chocolate drink na hawak.
"Teka, eh paano ka napunta doon?"
"Yes," mahinang bulalas niya nang sa wakas ay mailusot sa maliit na butas ng maliit na karton ng chocolate drink ang straw.
"Ano ulit tanong mo?" tanong din niya sa kaibigan at tumingin na dito.
"Ang sabi ko, paano ka napunta doon kila Don Ernesto?"
"Ah! Magkababata kasi si Don Ernesto at ang tatay ko, tapos kuwento nila Uncle Ernesto sa amin, malaki daw utang ng loob niya sa magulang ng tatay ko. Kaya ngayon siya naman ang tumutulong kay tatay. Kaya ngayon, si tatay ang driver n'ya. Eh wala naman akong kasama sa bahay kaya noong mag-stay in si tatay, sinama niya ako."
"Ang balita ko mansion daw ang bahay nila Don Ernesto, ang swerte mo naman sa mansion ka na rin nakatira," naiinggit na sabi ni Joan.
"Nyi, eh nakikitira lang naman kami doon. Namamasukan. Buti sana kung amin 'yon."
"Kahit na. Ay teka lang, eh di palagi kayong nagkikita ni Levi, 'yong nag-iisang anak ni Don Ernesto?"
"Oo," kaswal ulit na sagot niya habang sinisimot ang iniinom na chocolate drink.
"Wait lang, bakit kilala mo si Levi?" nagtataka na tanong niya.
Namilog ulit ang mga mata nito at tila hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.
"Hello, si Levi Serrano 'yon. Noong dito pa siya nag-aaral, sikat na sikat dito sa school dahil daddy nga niya ang may-ari tapos super pogi pa, mahilig sa sports, kaya maraming babae dito sa school ang nagkakagusto. Sayang nga eh, dahil graduate na siya. Nabawasan na ng magandang view dito sa school. Pero kahit wala na siya dito, marami pa rin ang nakakakilala sa kanya."
"Ah," usal niya saka tumango-tango.
"Pero teka, close ba kayo? Sabi kasi ng iba may pagka-suplado daw 'yon saka masungit."
Ngumisi si Luisa nang mamataan na parating si Levi. Alam niyang hindi siya napansin nito. Eksaktong pagdaan nito sa tapat nila ay saka siya nagsalita.
"Iyon? Hindi kami close ng Levi na 'yon, ang pangit no'n tapos masungit! Amoy kilikili pa!" malakas ang boses na sagot niya.
Huminto sa paglalakad si Levi at lumingon sa kanya. Napasinghap si Joan sa gulat nang makita ang binata. Biglang napasigaw si Luisa dahil mabilis itong nakalapit sa kanya sabay headlock sa kanya.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...