Chapter 48

73 6 0
                                    

"YOUR hands are getting warm, mahal," pagkausap niya dito.

Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at hinalikan ang palad nito.

"I can't wait to see you open those eyes, Levi. But don't rush. Wake up when you feel like it. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako. All your life all you did was looked for me and wait. Now, it's my turn. Handa akong maghintay kahit gaano katagal, basta magigising ka. Basta mangako ka na babalik ka sa akin."

Ngumiti siya dito saka nilapit ang mukha at hinalikan ito sa labi. Napangiti si Luisa nang bumalik sa kanyang alaala ang unang beses na may mangyari sa kanila. Kinuha niya ang kamay ni Levi ay nilapat ang palad nito sa kanyang pisngi. Muling tinitigan ang maamo nitong mukha na hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin malay.

"Naalala mo pa ba? Iyong unang beses na may mangyari sa atin? I hate myself for forgetting that moment, because that was the best and one of the most wonderful moments that happened to me. And I can't wait to kiss you and feel your arms around me again," sabi pa niya, kasabay niyon ay ang muling pagbalik niya sa nakaraan. Noong gabi na unang beses niyang sinuko ang sarili kay Levi, makalipas ang anim na taon hindi pagkikita.


"ANONG gagawin natin?" tanong ni Luisa habang nakadapa sa kama at nakabalot ng kumot ang ibabang bahagi ng kanyang hubad na katawan.

"Bukas na bukas din, hahanap tayo ng wedding coordinator. Gusto ko na maayos ang kasal natin, as soon as possible," sagot ni Levi habang nakaupo sa kama at nasandal sa headboard.

"Okay lang naman sa akin kahit civil lang."

"No. I want the best for you. We can have a simple yet elegant and solemn wedding. Hindi kailangan magarbo ang kasal at gagawin natin iyon doon sa mansion."

Biglang natigilan si Luisa at tumingala sa nobyo. Nagkaroon siya ng pagdadalawang isip at hindi alam kung papayag ba siya sa suhestiyon nito.

"I don't know. Hindi ako komportable doon sa mansion. Ang ibig kong sabihin, hangga't naroon si Marga, ayoko sanang bumalik doon."

"Huwag kang mag-alala, may naisip na ako. Hindi ko muna sasabihin sa kanya na nagkita na tayo. Malalaman na lang niya sa araw ng kasal natin. Magugulat na lang siya at kapag kinasal na tayo, puwede ko na silang paalisin sa bahay."

"Sa tingin mo uubra 'yon?"

"We will make it possible, don't worry."

Huminga siya ng malalim. "Mahal na mahal ko ang bahay na 'yon. Marami tayong masasayang alaala doon, mula noong pagkabata natin hanggang sa maging tayo. Gaya mo, gusto ko rin doon tayo magpakasal. Doon sa secret garden ng mommy mo. Si Marga lang talaga ang pampasira."

"Kaya nga huwag ka nang masyadong mag-isip eh. Pero may isa pa akong hihilingin sa'yo."

"Ano 'yon?" kunot-noo niyang tanong.

Humiga si Levi at tumagilid para magpantay ang kanilang mga mata. Pagkatapos ay hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"Move here with me. Bukas na bukas din kunin mo na 'yong mga damit sa

tinitirahan mo. I want us to live together from now on."

Napangiti si Luisa nang biglang may maalala.

"Natatandaan mo pa ba? Ganito ang plano natin noon mawala si Uncle at Tatay. Sabi mo aalis tayo sa mansion at magkasama tayong titira sa isang bahay. Na-delayed ng six years ang plano na 'yon."

"Kaya nga sinuggest ko agad dahil naalala ko 'yon. But, what do you think? Payag ka?"

"Oo naman, kahit saan, basta kasama kita," sagot niya at sumiksik sa katawan nito at yumakap sa beywang ng nobyo.

Mahigpit na gumanti ng yakap si Levi at kinintalan pa siya ng halik sa ulo.

"May pasok ka ba bukas sa trabaho mo?" tanong pa nito.

"Wala. Nagkataon na day off ko."

"Good. Masasamahan kita bukas sa pagkuha ng gamit mo."

"Nakakahiya naman na sumama ka pa. Maliit na apartment lang 'yong tinutuluyan ko."

"Eh ano naman?"

"Ako na lang, magtataxi na lang ako pagkatapos."

"Ayoko. Ayokong mawala ka sa paningin ko, natatakot ako na baka hindi ka na bumalik."

Natawa si Luisa at tumingala sa nobyo.

"Ang OA."

"Eh basta, sasama ako!"

"Bahala ka."

Matapos iyon ay bigla silang natahimik. Naroon lang sila sa kama. Nakahiga at magkayakap. Wala silang ibang naririnig kung hindi ang paghinga nilang dalawa.

Mayamaya ay marahan siyang natawa nang bahagyang makiliti dahil sa marahan paghaplos ng kamay nito sa kanyang likod.

"You surprised me, by the way," sabi ni Levi.

"Saan?"

Inangat nito ang kanyang mukha. "I didn't imagine that you are this sexy."

"Grabe, so anong ini-imagine mo pala sa akin noon? Hindi ako seksi?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," natatawang sagot nito. "What I mean is, what I have in my mind was the twenty years old Luisa. That young woman who left. Nawala sa isip ko na sa anim na taon lumipas, you've grown into a beautiful and gorgeous woman. Hot and irresistible. And this, it's bigger. I love it," paliwanag nito sabay hawak sa dibdib niya.

"Kaya ba ang tagal mo akong tinitigan kanina?" tanong pa niya.

"Yes. You are beautiful and I am one lucky bastard that you're mine."

Natawa na naman siya sa sinagot nito. Pagkatapos ay bigla itong kumilos ang kinubabawan na naman siya.

"I'm ready for another round, mahal."

Yumapos siya sa leeg nito. "Mahal? Iyon ba ang gusto mong tawagan natin?"

"Oo. The word explains it all."

"Sabagay, tama ka diyan. Ngayon ko lang din naisip na wala pala tayong endearment noon."

"Shhh," saway nito sa kanya at mariin hinalikan sa labi. "Let's stop talking, marami pa tayong gagawin."

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Luisa nang paliguan siya ng halik sa leeg nito.           




*****************************************************



Para mabasa ang mainit na bebe time ni Levi at Luisa. You may proceed to my Goodnovel & Dreame account. Just search for my name Juris Angela or the title, Midnight Rain. Don't forget to follow/subscribe as well. Thank you so much. 😁😊💜💜💜

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon