Chapter 41

106 12 4
                                    

"OH, tapos ka ng kumain?" tanong sa kanya ng ama matapos tumayo.

"Yes dad," sagot ni Levi.

"Baka naman umalis ka na naman kasama ng mga kaibigan mo, gabi na."

"Hindi po, dito lang ako sa likod, puntahan ko si Luisa," kaswal na sagot niya.

Bumuntong-hininga si Don Ernesto at napailing.

"Tayo nga Levi eh mag-usap ng masinsinan," sabi pa nito kaya napabalik sa upuan ang binata.

"Nahahalata kita, alam ko na higit pa sa kaibigan ang tingin mo kay Luisa."

Hindi siya nakakibo, kahit ang itanggi ang sinabi ng ama ay hindi niya magawa. Nanatili lang siyang tahimik. Nang makabawi ay saka siya tumikhim at nagsalita.

"In case, Dad, will you disapprove of her?"

Napangiti si Don Ernesto. "Mabait na bata si Luisa. Disente at matalino. Isa pa, matapang, bukod tangi sa kanya ka lang sumusunod. Dati naman napakatigas ng ulo mo kaya nakukunsume sa'yo si Elsa."

Marahan siyang natawa at napakamot sa likod ng ulo dahil sa hiya.

"So?" tanong niya ulit.

"Basta huwag mong siyang sasaktan. Nag-iisang anak siya ng matalik na kaibigan ko, para na rin anak ang turing ko kay Luisa. Sa totoo lang, kung mayroon man akong gustong makatuluyan mo, si Luisa na iyon at wala nang iba."

Nabuhayan ng loob si Levi sa sinabi ng ama.

"Really, dad?" masayang bulalas niya.

"Yes."

Nakahinga ng maluwag ang binata at tuluyan gumaan ang kanyang dibdib. Isa na lang ang dapat niyang kausapin na importante sa lahat. Walang iba kung hindi ang tatay ni Luisa.

"Have you told her what you feel?" tanong pa ng ama.

Nangingiti na umiling siya. "Hindi pa po. Hinihintay ko muna na mag-eighteen siya bago ko ako magtapat."

Marahan tumawa ang ama at tinapik siya sa balikat.

"Ingatan mo siya, anak."

"Yes, Dad. Thank you, Dad."

Mahigpit na niyakap ni Levi ang ama na puno ng kagalakan. Matapos iyon ay saka siya lumabas at pinuntahan naman si Luisa. Pagdating doon ay naabutan niya ang dalaga na naglalakad na para bang galing ito sa labas ng mansion.

"Saan ka galing?" tanong niya nang malapit na ito.

"Nagtapon ng basura sa labas. Bakit?"

"Wala lang. Wala akong magawa eh. Si Uncle Luis?"

"Tulog na kanina pa."

"Ah..." usal niya.

"Bakit nga?"

"Wala nga. Ba't ba? Ayaw mo ba akong makita?"

Tumawa si Luisa saka naupo sa isang mahabang upuan doon sa hardin.

"Ikaw ang may sabi niyan hindi ako."

Tumabi si Levi dito ngunit sa halip na magsalita ay natahimik siya. Habang ang kanyang dibdib ay kumakabog ng malakas dahil sa labis na kaba.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon