MATAPOS maghain ng kumpletong salaysay ni Levi at Luisa. Nagsilbing witness naman nila si Ian laban sa sariling ina. Ang mga ebidensiyang nakolekta nila ay tuluyan nang nagamit para mas mapabigat pa ang kaso laban kay Marga.
Mula doon sa mansion matapos damputin ng mga pulis si Marga ay sumunod silang mag-asawa sa presinto. Matapos ipakita sa babae ang mga ebidensya laban dito, tuluyan na itong nasukol at napilitan umamin sa mga kasalanan. Mula sa ginawa nitong pagpatay sa kanilang mga ama, sa pagtangka nito sa buhay nilang mag-asawa, hanggang sa pagtangka nitong nakawin ang pinamana sa kanila ni Don Ernesto. Inabot din sila ng madaling araw sa presinto bago tuluyan umuwi.
"Kumusta na si Dexter?" tanong ni Luisa kay Ian.
Malungkot itong ngumiti at nangilid ang luha sa mga mata na umiling.
"He didn't make it."
"Was it you? Who shot him?"
Mabigat na bumuntong-hininga ito at tumango.
"Hindi ako. Ang mga pulis. Siguro ito na rin ang talaga ang katapusan niya. Nanlaban siya sa mga pulis."
"Eh si Marga? Alam na niya?" tanong pa ni Levi.
Marahan tumango si Ian. Bakas sa mukha ang paghihirap ng kalooban. Hindi alam ni Luisa ang dapat maramdaman para dito. Maaari nitong sinunod ang ina at sakyan ang krimen ginawa nito, pero mas pinili nitong lumihis ng landas ang kalabanin ito para sa kanila, alang-alang sa katotohanan. Ngunit alam din ni Luisa na hindi madali na kalabanin ang sariling pamilya, lalo na't ang mamatay ang kapatid sa sariling mga kamay.
"She lost it. Naghisterikal siya sa presinto. Pero sa unang pagkakataon, hindi ako nakarinig ng pagsisisi mula sa kanya o panunumbat. She just cried her heart out. Pagkatapos natulala na lang siya at hindi na makausap."
Nabalot ni simpatya si Luisa para kay Ian. Niyakap niya ito at saka inalo. Mayamaya lang at narinig niya ang mahinang paghikbi nito.
"I'm sorry. I'm sorry that everything had to end this way," sabi pa niya pagkatapos ay lumayo mula dito.
"Wala naman ibang paraan eh. Kung hindi 'yon ginawa ng mga pulis baka hindi lang ikaw ang nasaktan, marami pa. Pero siguro inadya ng Panginoon na mabuhay ako kahit na alam Niya na hindi ako mamahalin ng sarili kong ina at kapatid. Nandito ako para pigilan sila sa kalokohan nila."
"Ano nang plano mo ngayon?" tanong ni Levi.
"Hindi ko pa alam."
"Ian, bumalik ka dito sa mansion. Alam na alam mo na bukas ang bahay na 'to para sa'yo."
Malungkot itong ngumiti. "Salamat. I will be just around. You know how to reach me, pero hindi na siguro ako babalik dito. Dadalawin ko na lang kayo. Gusto ko magsimula ng buhay ko. Gaya n'yo gusto ko rin nang matahimik at matapos ang lahat ng ito. Mangyayari lang 'yong kung makukulong sila at lalayo ako."
Marahan tumango si Luisa.
"Pero alam mo na palagi kang welcome dito, Ian. You are the brother I prayed for all my life. Hindi man iisang dugo ang nananalaytay sa atin, it doesn't mean we're not family. Kung ayaw mong bumalik dito sa mansion, bakit hindi ka na lang magtrabaho sa akin sa kompanya. Kailangan ko ng katulad mo na mapagkakatiwalaan," sabi ni Levi.
Tuluyan naluha si Ian sa narinig mula dito. Agad itong lumapit kay Levi at nagyakap ang dalawa.
"I know this is hard for you, but you will get through this. Nandito lang kami ni Luisa para sa'yo, kaya huwag na huwag mong iisipin na nag-iisa ka."
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...