HINDI maipaliwanag ni Luisa ang saya nang magising siya. Pasado alas-tres na ng hapon pero parang kasisikat lang ng araw ang kanyang pakiramdam. Halos mag-aalas siyete na rin siya ng umaga natulog matapos umalis ni Levi, hindi pa agad siya nakatulog dahil nasa isip pa rin niya ang binata.
She felt so much alive. Sa unang pagkakataon mula nang tumira siya sa bahay na iyon, naramdaman ni Luisa ang gaan sa kanyang kalooban. There are moments that she wants to just tell her story to someone, share her opinions, or even to laugh with somebody. Hindi niya nagagawa iyon sa nakalipas na isang taon mahigit, pero kanina, naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa. That finally, there's someone ready to be there and listen to her. A companion. A new found friend.
Bago bumangon ay nag-inat pa muna siya pagkatapos ay inayos ang kama at pinusod ang kanyang buhok. Paglabas ng silid ay naabutan niya ang kanyang Nanay Elsa sa kusina at nakaupo sa harap ng mesa at may sinusulat. Agad itong lumingon sa kanya at ngumiti.
"Maayos ba tulog mo, anak?"
"Opo. Sobrang himbing ng tulog ko."
Dumiretso si Luisa sa ref at agad uminom ng tubig sa kanyang tumbler pagkatapos ay nagtimpla ng kape. Mabuti na lang at hindi ganoon kainit ang panahon, salamat sa magdamag na pagbuhos ng ulan.
"Oo nga pala, hindi na kita pinagluto ng pagkain dahil mukhang nagluto ka na kanina."
Agad lumapad ang ngiti ni Luisa sa sinabi ng matanda.
"Nagulat ako, hindi ka naman marunong masyado magluto. Paano ka nagluto ng ganito kasarap na menudo?"
Marahan siyang natawa. Totoo ang sinasabi nito, walang alam sa pagluluto si Luisa. It was Levi who in fact taught her how to cook. Dahil maaga siyang natapos sa trabaho at mayroon naman siyang mga ingredients sa bahay, nagprisinta ang
binata na ipagluto siya bago ito umalis. Dahil paborito niya ang menudo, agad pumayag si Luisa at habang nagluluto ay tinuturuan din siya nito. They even eat together after cooking.
"Masarap po ba?" tanong pa niya.
"Ay, oo! Masarap! Parang luto ni—"
Bahagyang napakunot ang noo ni Luisa nang biglang huminto sa pagsasalita si Nanay Elsa at tila napaisip ng malalim.
"Ang ibig kong sabihin, parang luto ng propesyunal."
"Ah," usal niya.
"Maupo ka na at ipaghahain kita," sabi pa ni Nanay Elsa.
"Saan mo natutunan magluto ng Menudo? Wala naman akong maalala na tinuruan kitang magluto n'yan?"
Ngumiti siya. "Nabored po kasi ako kaninang umaga, maaga natapos 'yong trabaho ko kaya nag-search po ako sa internet kung paano magluto n'yan. Kaya ayan, nagluto ako. Para makabawas din sa gawain n'yo dito," pagsisinungaling niya.
"Naku eh, ang sarap!"
"Talaga po?" excited na tanong niya.
"Oo, kaya hayan, kumain ka na. Ako naman eh, mauuna na at hinintay lang talaga kitang magising. Babalik na ako doon sa kapatid ko."
"Sige po. Ingat po kayo."
Nang makaalis na si Nanay Elsa ay agad napalis ang kanyang ngiti. Sinadyang hindi sabihin ni Luisa ang tungkol kay Levi, iyon ay dahil mahigpit na pinagbawal ng kanyang Tita Marga na huwag siyang hayaan makipag-usap kung kani-kanino. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit palagi siyang kinukulong doon sa bahay. Ayon sa kanyang tiyahin, iyon daw ang makakabuti para sa katiyakan ng kanyang kaligtasan.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...