SA paglipas ng mga araw, unti-unting bumalik ang dating lakas ni Levi. Sa loob lamang ng maikling panahon ay unti-unti na rin bumabalik ang dati niyang pangangatawan. His wife, Luisa, always made sure that he eats the freshest and healthiest food. Bukod pa doon ang iniinom niyang mga gamot at vitamins na tumutulong sa kanyang mabilis na pag-recover. Kapag walang therapy session ay nagbababad siya doon sa gym dalawang tig-tatlong oras kada araw. Sa umaga naman ay gigising siya ng maaga para mag-jogging sa tabing dagat.
Mula nang magkamalay, hanggang sa mga sandaling ito na gumaling na si Levi ng tuluyan. Luisa stayed beside him and supported him. God has been very gracious to him. Marahil alam ng Panginoon na si Luisa ang kailangan niya sa buhay kaya pinaglayo man sila ng kasakiman ni Marga sa pera, sa huli ay bumabalik pa rin sila sa isa't isa.
Bukod doon ay kailangan niyang paghandaan ang muli nilang paghaharap ni Marga at ng anak nito. Nais niyang maging malakas at nasa kondisyon kapag dumating ang araw ng kanyang paniningil. That woman has been overstaying in their life and he needs to place her to where she belongs. Sa tuwing naalala niya ang mga ginawa ni Marga sa kanyang pamilya. Mula sa pagkamatay ng daddy niya at ama ni Luisa. Hanggang sa pagtangka nito sa kanyang buhay, at higit sa lahat ay ang mga dinanas ng asawa niya na panlilinlang at pagpapahirap sa kamay nito. Ang galit sa puso ang marahil tumutulong sa kanya para mas bumilis ang pagbalik ng lakas niya.
Marahas na bumuntong hininga si Levi nang matapos sa pagtakbo sa treadmill. It has been past three hours since he started exercising. Mula doon sa gym ay lumabas siya at unang hinanap ng kanyang paningin ay ang magandang mukha ng asawa.
"Lydia, nasaan si Luisa?" tanong niya sa babae nang ito ang unang makita matapos dumungaw sa baba mula doon sa hallway sa second floor.
"Nasa kuwarto n'yo yata eh."
"Sige, salamat."
Agad siyang pumunta doon at naabutan ang asawa na himbing na nagsi-siesta. Hindi muna ito nilapitan ni Levi at sa halip ay dumiretso sa banyo at naligo. Ilang minuto ang lumipas nang matapos ay agad siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili bago maingat na sumampa sa kama.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Levi na habang comatose ay pansamantalang humiwalay ang kanyang kaluluwa para bantayan si Luisa. Pinakita ni Lydia sa kanya ang video na kuha daw ni Tere noong araw na may amnesia pa rin ang kanyang asawa at pinakilala siya nito kay Nanay Elsa bilang boyfriend nito. She's talking, laughing and smiling on the video alone like someone is really there. Sa tuwing naiisip ang mga pinagdaanan ni Luisa, hindi maiwasan ni Levi na makaramdam ng guilt. Lahat ng nangyaring paghihirap ng kanyang asawa, lahat iyon ay dahil sa kanya.
Huminga siya ng malalim. Then, he smiled as he stared at her beautiful face. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong pinagbago. She still sleeps soundlessly like an angel. Kahit tulog ay napakaganda pa rin nito. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ganoon na lang niya ito kamahal. Inangat ni Levi ang kamay at maingat at marahan na hinaplos ito sa buhok. Sa tuwing naaalala niya ang kuwento ni Ian ang mga pinagdaanan nito sa kamay ni Marga ay lalong nagngingitngit ang kanyang kalooban sa galit. Kinulong nito si Luisa sa sarili nitong pamamahay. Pinaniwala sa kasinungalingan at sapilitan kinulong sa mental hospital. At hindi niya ito mapapatawad sa mga ginawa nito sa kanyang asawa.
When she moved a little bit, Levi grabbed her butt and shoved her closer to him. Pinaunan niya ito sa isang braso at kinulong sa kanyang mga bisig. Gumanti naman ng yakap sa kanya si Luisa at dinantay pa ang isang binti sa hita niya. Pinasok niya ang kamay sa loob ng suot nitong t-shirt at hinaplos ang makinis nitong likod.
"Tapos ka na mag-gym?" she asked a little later in her raspy bedroom voice.
"Yup, nakaligo na rin ako," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...