Chapter 70

264 13 4
                                    

DAHAN-DAHAN binaba ni Luisa sa kama ang anak habang himbing itong natutulog. Hindi mawala ang ngiti sa labi na tinitigan ang maganda at maamong mukha ng anak, si Marié Therese Luisella Ramirez Serrano.

Matapos iyon ay maingat siyang naupo sa paanan ng kama at pinasadahan ng tingin ang buong paligid ng pamilyar na silid na iyon. Naroon sila ngayon sa bahay nila sa Santa Catalina. Ang naging tahanan ni Luisa noong may amnesia pa siya. Napakarami niyang alaala sa lugar na iyon. Maganda at masasakit na alaala. Parang kahapon lang, pilit niyang pinapausad ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang virtual assistant. Noon ay para siyang nakalutang sa kadiliman. Nagigising tuwing umaga, nabubuhay ngunit walang maalala.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang buksan ng hangin ang bintana doon sa silid. Tumayo siya para isara iyon, pero natigilan si Luisa nang makita kung sino ang nasa labas. Walang iba kung hindi si Levi. Nakatayo ito sa tapat at pinagmamasdan ang bahay. Sa puwesto kung saan una niya itong nakita bilang isang kaluluwa. Gabi. Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Nang mapatingin ito sa kanya ay sinalubong ni Luisa ng ngiti ang asawa. Mayamaya ay saka ito pumasok sa loob. Pagdating sa kuwarto ay dahan-dahan itong tumabi sa anak at hinalikan ito sa pisngi.

"She looks a lot like you," sabi pa niya.

"Of course, malakas ang dugo ng Serrano," pagmamayabang na sagot nito.

Napailing at natawa na lang si Luisa. Totoo naman din ang sinabi nito. Dahil girl version ni Levi ang anak nila.

"Bakit ka nakatayo doon sa labas?" tanong pa niya.

Bumangon si Levi at naupo.

"When I was in comatose, I had this dream. Doon mismo sa kinatatayuan ko kanina. Nakita ko ang sarili ko na nakatayo doon pero gabi at malakas ang ulan. I was looking at this house and waiting for hours. And then, I saw you. You peek from the window. Eksakto gaya ng ginawa mo kanina."

Marahan natawa si Luisa.

"Did that really happen?" tanong pa nito.

"Oo. Iyon ang una natin pagkikita dito noong may amnesia pa ako."

Hinawakan siya nito sa kamay pagkatapos ay lumabas sila ng silid.

"I saw myself in this house. Nagluluto doon sa kusina. Kumakain tayo ng sabay dito sa mesa. Magkatabi tayong nakaupo, minsan nagbabasa tayo o kaya ay nanonood ng TV. Inside that room, madalas kitang pinapanood magtrabaho. And that's where we made love."

Napalingon si Luisa sa pinto papunta sa likod-bahay.

"Naalala mo pa 'yong isa pang hide out natin dito, 'di ba?" tanong pa niya.

"Of course."

"Gusto mo puntahan natin sandali?"

"Let's go."

"Doris, May!" tawag ni Levi sa dalawa.

"Sir, bakit po?" sagot ng una at agad umakyat doon.

"Kayo muna ang magbantay kay Therese, tulog siya nasa kuwarto. May pupuntahan lang kami sandali," bilin ni Luisa.

"Sige kami na muna ang bahala," sagot naman ni May.

Mula doon sa bahay ay lumabas sila mula sa likod. Hindi nagsalita si Luisa at hinayaan na mauna sa paglalakad si Levi. Tinitignan kung maalala pa nito ang daan doon sa gubat. Nang tumingala sa mga puno, napangiti si Luisa nang makitang naroon pa rin ang mga ribbon na tinali noon ni Levi para hindi siya maligaw papunta sa kanilang paraiso.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon