Chapter 64

73 7 3
                                    

"HANGGANG kailan ang renovations nitong bahay?" tanong ni Ian.

Tumingala si Levi at ginala ang paningin sa paligid. Halos fifty percent na ng bahay ang natatapos. Dahil tuloy-tuloy ang gawa at hindi naman nagkululang sa tauhan maging sa materyales, naging mas mabilis ang pagre-renovate.

"I think we will be able to finish earlier than the target date. Magaling kasi mga tauhan ng kaibigan kong arkitekto at engineer na may hawak nito. Pero kung isasama pati ang interior, maybe more or less two months."

"Nakikita ko na hands on kayong dalawa ni Luisa."

"Oo. Buti na lang madali siyang matuto, kapag nasa opisina ako, siya lang nag-oversee dito. She can handle it."

Napangiti si Ian at umiling. "You really got a gem," sabi nito.

Lumingon si Levi sa asawa na masayang nakikipagkuwentuhan kay Lydia at Tere. His heart beats so fast and fell in love with her again as he stared at her beautiful face. Pakiramdam ni Levi ay mas lalo niya itong minahal matapos nitong mabuntis. Mas naging attentive at maalaga siya dito.

"I know. Kaya nga hindi ko na pinakawalan at binantayan ko hanggang sa kabilang buhay."

Marahan tumawa si Ian nang makuha ang kanyang ibig sabihin.

"Do you really believe that?" tanong pa nito.

Huminga siya ng malalim at tumango. "Walang dahilan si Luisa para gumawa ng ganoon kuwento. I know her. Wala ka pa dito sa mansion ay magkasama na kami. Alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at hindi siya magaling doon. Isa pa, naalala ko lahat ng nangyari pero sa pamamagitan ng panaginip."

Si Ian naman ang napabuntong-hininga. "That's why I decided to give up, dahil nakita ko na walang hanggan ang pagmamahal n'yo sa isa't isa."

Kumunot ang noo ni Levi matapos marinig ang sinabi nito.

"Give up? What do you mean?"

Humarap si Ian pagkatapos ay tumungo.

"I'm sorry, Kuya, pero may kasalanan din ako sa'yo."

"Hindi ko maintindihan."

Huminga ng malalim si Ian na para bang pinupuno nito ng lakas loob ang dibdib.

"Once in my life, I fell in love with Luisa," pag-amin nito.

Bahagya siyang nagulat sa pag-amin nito. Agad kinapa ni Levi ang damdamin kung magagalit ba siya, pero walang kahit anong negatibo siyang nararamdaman para sa taong naging kapatid na ang kanyang turing.

"When mom asked me to dispose your body. I was tempted to do it and after that I thought I will have the chance to make her mine. Nang bumalik ang alaala ni Luisa at nakita niyang buhay ka, sinabi ko sa kanya na kapag hindi ka naka-survive, kung puwede na sa akin na lang siya."

Sumeryoso ang mukha ni Levi. Nakaramdam siya ng kaunting selos. Isipin pa lang niya na may ibang lalaking nagmamahal kay Luisa, para na siyang pinapatay sa selos.

"Kung ganoon bakit hindi mo ginawa? You had your chance."

Ian chuckled and nodded a bit. "Noong una kong sinabi 'to kay Luisa, halos pareho kayo ng naging sagot sa akin. And to answer your question, I don't want to be like my mom. I don't want to betray the two people who made me feel that I belong in this house. Who treated me so much better than my mother and brother."

Doon huminga ng malalim si Levi at ngumiti pagkatapos at niyapos si Ian at tinapik ito sa likod.

"Don't apologize. Normal lang na magmahal ka, pero pasensya na dahil nauna ako at wala akong balak pakawalan siya."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon