Chapter 35

92 10 2
                                    

          HALOS hindi inaalis ni Luisa ang tingin sa asawa. Hindi rin niya halos binibitiwan ang mga kamay nito. Nakakaramdam siya ng takot na baka kapag nalingat at mawala na naman ito at hindi na makita ulit si Levi.

Huminga siya ng malalim at ngumiti pagkatapos ay hinaplos ito sa noo. Nilapit niya ang mukha at magaan na ginawaran ng halik sa labi. Matapos iyon ay hiniga niya ang ulo sa dibdib nito at yumakap.

"I'm so happy, Mahal. Ang buong akala ko talaga ay hindi na kita makikita. Akala ko hindi na ulit kita mahahawakan ng ganito," malambing na sabi niya pagkatapos ay muling tumingin sa wala pa rin malay na asawa. "Puwede ka nang gumising, nandito na ako. Tapos na ang paghihintay mo. Excited na ako magsimula tayo ng buhay na magkasama. I miss you so much, mahal. Please wake up now."

Ilang sandali pa ay kumuha siya ng towel na binasa at pinunasan ang mukha ni Levi. Gayundin ang mga braso at binti kasama na ang ibang parte ng katawan nito. Sinuklayan pa niya iyon at inahit ang mga tumutubong bigote sa mukha. Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa nang biglang dumating si Tere. Bagay na siyang ikinagulat niya ng husto.

"Tere?" hindi makapaniwalang wika ni Luisa.

Maging si Tere ay nagulat na naroon siya. Ngunit saglit lang iyon at lumambot ang ekpresiyon ng mukha nito. Sa halip na lumapit ay nanatili lang itong nakatayo sa likod ng pinto.

"Ate..." sabi nito.

Ate. Biglang bumalik sa alaala ni Luisa na noon pa man nasa mansion sila ay Ate na talaga ang tawag nito sa kanya. Gaya ng pagtrato ni Levi kay Ian na parang isang tunay na kapatid, ganoon din nito trinato si Tere. Kahit kailan ay hindi trinato ni Levi ang mag-ina na kasambahay, sa halip ay tinignan nito ang dalawa na para bang parte ng pamilya.

Huminga siya ng malalim at ngumiti. Ngayon ay unti-unti nang nagiging malinaw kay Luisa ang lahat. Noong magkamalay siya matapos ang aksidente, sinabi na ni Tere na isa itong caregiver at may inaalagaan na isang pribadong pasyente. At kung babalikan niya ang mga sandaling iyon, sa gabi palagi ang duty nito habang si Nanay Elsa naman ay umaalis din sa gabi at pumupunta sa kapatid nito. Kaya nga palagi siyang mag-isa doon sa bahay tuwing gabi. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Malinaw na rin kay Luisa na ang sinasabi pala ni Tere na binabantayan nito ay si Levi.

"Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka lumapit dito?" hindi napapalis ang ngiti na kanyang tanong.

Bumulalas ng iyak si Tere at patakbong lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. 

"Patawarin mo ako, ate! Sorry kung hindi ko sinabi ang tungkol kay Kuya Levi. Sorry kung nilihim ko 'to sa'yo. Wala akong magawa eh, kailangan ko maglihim dahil baka malaman nila Madam na buhay pa si Kuya Levi."

Pumukit siya at tuluyan naluha habang hinahagod ang likod nito.

"It's okay. You don't have to apologise. Naiintindihan ko," sagot niya.

Matapos iyon ay naupo sila sa sofa na di kalayuan mula sa hospital bed ni Levi.

"Bakit hindi alam ni Nanay Elsa na buhay pa si Levi?"

Marahan umiling si Tere. "Nakiusap sa akin si Sir Ian na huwag ko daw ipagsabi ang lahat para masiguro na ligtas si Kuya. Si Nanay naman kasi masyadong madaldal. Hindi mapigilan ang bibig na magkuwento kay Madam Marga kaya pumayag na rin ako na huwag sabihin sa kanya na buhay si Kuya. Baka madulas pa ang bibig eh. Kaya ang alam niya ibang tao ang inaalagaan ko."

Bahagyang natawa si Luisa sa sinabi nito tungkol sa ina dahil totoo ang mga iyon.

"Mabuti hindi ka nabubuking?" tanong pa niya.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon