Chapter 42

116 9 5
                                    

          NATAWA si Luisa nang halos mamilipit sa kilig si Tere matapos ikuwento kung paano sila nain-love ni Levi sa isa't isa.

"Alam mo, teh, naalala ko nga 'yon. Ang dami namin tuwang-tuwa noong maging kayo ni Kuya Levi. Pati nga si Mang Luis at Don Ernesto, gustong-gusto kayo ang magkatuluyan," sabi pa ni Tere matapos nilang sabay alalahanin ang nakaraan.

Huminga ng malalim si Luisa at muling binalik ang tingin sa wala pa rin malay na si Levi na nakaratay sa hospital bed.

"Ngayon naalala ko na ang lahat tungkol sa nakaraan ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong kalimutan lahat ng magagandang alaala namin ni Levi. Nagagalit ako sa sarili ko na nakalimutan ko ang lalaking minahal ko mula pagkabata ko."

Malungkot na ngumiti si Tere, naroon ang pakikisimpatya sa kanya.

"Ate, hindi mo naman ginusto 'yon eh. Kung may taong dapat ginawa para mapabilis ang pagbalik ng alaala mo, ako 'yon. May kasalanan din ako, ate. Hinayaan at pinanood lang kita habang pinapaniwala ka ni Madam sa mga kasinungalingan n'ya. Kaya sorry ate, wala kaming ginawa noon ni Nanay."

"Huwag mo nang isipin 'yon, naiintindihan ko naman. Wala naman kayong choice kung hindi ang sumunod."

"Pero grabe no? Masaya naman noong tayo tayo lang sa mansion, bigla na lang nagbago ang lahat nang dumating na sila Madam."

"Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung ano ang nakita ni Uncle Ernesto kay Marga at pinakasalan n'ya ang ganoon klase ng babae."

"Kaya nga eh, una pa lang halata nang pera lang ang habol niya kay Don Ernesto."

Ngayon maliwanag na ang kanyang isipan, malinaw na rin naalala ni Luisa ang mga nagbago mula nang dumating sa mansion si Marga at ang dalawa nitong anak na lalaki.



NAG-AALANGAN man ay nilakasan ni Luisa ang loob para lapitan ang nobyo. Isang taon mula nang maging pormal ang relasyon nilang dalawa ni Levi. Nagulat na lang silang lahat doon sa mansion nang umuwi si Don Ernesto kasama si Marga at ang dalawa nitong anak na lalaki na si Ian at Dexter. Ayon sa Don ay asawa na nito ang babae at doon na rin titira sa mansion. Kahit si Levi na anak ay nagulat sa biglang pagdating doon ng mga ito. Dahilan para magtalo ang mag-ama.

"Huy," untag niya paglapit.

Hindi sumagot si Levi at sa halip ay tumingin lang sa kanya. Iyon ang unang beses na makita niyang galit na galit ang nobyo. Nakilala niya ito na mapang-asar, makulit at palaging masayahin. Nang hindi pa rin kumibo si Levi ay naupo na siya sa tabi nito.

"Sige, kung hindi ka pa handa na makipag-usap, aalis na muna ako."

Akma siyang tatayo nang biglang humawak si Levi sa kanyang braso saka hinila siya pabalik sa upuan. Hinawakan nito ang kamay niya saka bumuntong-hininga.

"Sorry, magulo lang ang isip ko," sagot nito sabay lingon sa kanya.

Ngumiti siya dito saka binunggo niya ng balikat ang balikat nito.

"Alam ko na galit ka at hindi mo nagustuhan ang ginawa ng daddy mo, pero sikapin mo na huwag patagalin ang galit mo kasi daddy mo pa rin siya."

"Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako sinabihan na nagpakasal siya. Hindi ko naman siya pipigilan kung talagang doon siya sasaya, pero huwag naman 'yong ganito na mangggulat siya."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon