"IT is great to see you again, Luisa. How are you?" magiliw na bungad sa kanya ng kliyente.
"Oh, I am doing well."
"Did you take a lot of rest?"
"Oh, yes! I am finally refreshed and ready to work again," nakangiting sagot niya.
Tumango-tango ito. "Yeah, I can see that in your face. You looked happier and more glowing."
"Thank you."
"So, shall we start?"
"Sure."
Luisa could not be happier. Dahil sa pagtaas ng lebel ng relasyon nilang dalawa ni Levi. Mas naging inspirado siyang magtrabaho. Kaninang madaling araw, umuwi siya ng magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil babalik na siya sa dating routine at hindi na magagawa na maglagi doon sa bahay ng nobyo. Masaya dahil babalik naman sila sa dati nilang set-up, kung saan at paano sila nagkakilala.
Hindi lang ang kliyenteng kausap ngayon ang nakapansin ng kakaibang aura niya kung hindi maging si Tere at Nanay Elsa. Natatandaan pa niya ang sinabi ng mga ito sa kanya kanina nang magising at lumabas ng kuwarto.
"Uy, mukhang napasarap ang tulog mo ah. Mag-aalas singko na, dati rati alas-dos pa lang gising ka na," nakangiting puna sa kanya ni Nanay Elsa.
"Tama po kayo, napasarap ang tulog ko. Hindi rin po kasi masyadong mainit kaya medyo malamig sa kuwarto."
Ngunit ang katotohanan ay napagod siya ng husto. Last night, she did nothing but play all night with Levi. Nagbabad sila sa ilog, pagkatapos kapag nagutom ay gagawa ito ng pagkain nila at doon kakain sa harap ng bahay nito habang nakatanaw
sa magandang tanawin ng lugar na iyon sa gabi. Then, they make love all night. Paulit-ulit na sinuko ni Luisa ang katawan sa nobyo. Paulit-ulit nilang pinahayag at pinaramdam ang pagmamahal nila sa isa't isa.
"Kumusta ka naman dito?" tanong pa ng may edad na babae.
"Ayos naman po."
"Hindi ka ba lumabas ng bahay?"
Napangisi siya. "'Nay, siyempre lumabas ako lalo at wala akong bantay," sagot niya sabay ngisi.
Sa halip na magalit ay napabuntong-hininga ito at napailing.
"Hindi ka galit?" tila nang-aasar na tanong pa niya.
Natawa si Tere at nag-high five sila nito.
"Magagalit pa ba ako, eh wala rin naman akong magagawa."
Agad lumapit si Luisa at malambing na niyakap ito mula sa likod.
"Thank you, 'Nay Elsa! Ang bait mo talaga!"
"Baka naman ikaw eh pumunta na naman sa kabilang bayan. Sige ka, pagagalitan ka na naman ng Tita mo."
"Hindi po, pangako."
"Mabuti naman. Sige na at maupo ka na at kumain."
Pag-upo sa harap ng mesa ay napakunot-noo siya nang mapansin na titig na titig sa kanya si Tere.
"Bakit?"
"Wala, para lang kasi iba ang aura mo ngayon. Parang ang saya-saya mo tapos blooming ka," puna nito.
Napangiti lang siya at agad naisip si Levi.
"Ikaw ba naman ang nakapagpahinga ng maayos ng ilang araw. Nakatulog ako
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...