Chapter 32

82 10 1
                                    

          NAALIMPUNGATAN si Luisa nang umagang iyon at nagising na nasa isang estrangherong silid na siya. Malamig ang loob ng silid dahil sa malamig na hangin na pumapasok sa loob ng nakabukas na pinto ng terrace. Mula doon ay naririnig ni Luisa ang huni ng mga ibon.

Maingat siyang bumangon saka tumingin sa paligid. Agad siyang nakaramdam ng lungkot nang bumalik sa kanyang alaala ang mala-paraisong lugar sa gubat kung saan naroon ang dampa ni Levi. And the birds chirping reminds her so much of that place. Luisa slowly closed her eyes.

"Levi... hindi na ba talaga kita makikita? I missed you so much, Mahal," pagkausap niya dito sa isipan.

Biglang napadilat si Luisa nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Lydia. Agad ngumiti ang kaibigan nang makitang gising na siya.

"Good morning," magiliw na bati nito.

"Morning."

"Kumusta ang tulog mo?" tanong pa nito nang lumapit at naupo sa gilid ng kama.

"Ang sarap ng tulog ko, ngayon lang ulit ako nakatulog ng mahimbing matapos ang ilang araw."

Inabot nito ang kamay at bahagya iyong pinisil.

"Huwag mo nang masyadong isipin si Marga at Dexter, inaayos na 'yon ni Sir Ian."

"Paanong inaayos?" kunot-noo na tanong niya.

Huminga ng malalim si Lydia. "Mula nang mangyari ang insidente na 'yon sa inyong mag-asawa. Lihim na kumakalap ng ebidensiya si Sir Ian laban sa sariling ina at kapatid nito."

"Kaya n'ya talaga na gawin 'yon?"

"Hindi madali para sa kanya pero ito lang ang nakikitang paraan ni Sir Ian para mahinto na ang mommy at kapatid niya sa mga ginagawa nitong mali."

Hindi na sumagot si Luisa at marahan na lang tumango.

"Halika na, bumaba na tayo para makapag-breakfast ka na," yaya nito sa kanya.

"Sige, susunod na ako."

"May mga damit at ilang gamit ka diyan na kinuha ni Tere para sa'yo. Nariyan din sa bag ang phone mo. Pinalitan ni Sir Ian 'yan ng number para hindi ka matawagan ni Madam o ni Dexter," sabi pa ni Lydia saka tumayo.

Bumaba si Luisa sa kama at yumakap sa kaibigan. Gumanti ito ng yakap ng mas mahigpit pagkatapos ay hinagod ang kanyang likod.

"Thank you, Lydia. Maraming maraming salamat sa tulong mo."

Sinalubong siya ng ngiti nito matapos lumayo sa isa't isa.

"Noong una, trabaho lang para sa akin ang lahat ng ginagawa at pinapakita ko sa'yo. Pero sa huli naging totoo ang lahat ng pakikitungo ko sa'yo, you became the bestfriend I never had. At masaya ako na makita ka ngayon na malaya mula kay Marga."

"Thank you, kung hindi dahil sa inyo ni Ian baka kung ano nang nangyari sa akin."

"Sige na, mag-ayos ka na. Hintayin ka lang namin sa baba."

"Okay."

Nang muling maiwan sa loob ng silid, bago pumunta sa banyo ay lumabas muna siya sa terrace. Tumambad sa kanya ang isang mala-probinsya na kapaligiran. Hindi alam ni Luisa kung saan sila eksakto. Ang huling naaalala ay nasa kotse siya ni Ian, marahil dahil sa magkahalong stress at pagod ay nakatulog siya sa biyahe.

Ang buong paligid na nakikita niya sa harapan sa mga sandaling iyon ay muling nagpa-alala sa kanya ng tagpuan nila ni Levi. Habang lumilipas ang bawat araw ay

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon