Chapter 22

112 11 1
                                    

"PINAGALITAN ka kanina ng Nanay Elsa mo?"

Natawa si Luisa at marahan tumango.

"Hindi naman galit na galit, sinermunan lang tapos tinanong ako kung saan ako nagpunta."

"And?"

"Sinabi ko nag-ikot lang kami sa bayan ni Lydia."

"Sa tingin mo naniwala siya?"

She sighed and shrugged her shoulders. "Ewan ko pero naniwala man siya o hindi, I don't care. Basta masaya ako kanina."

Napangiti si Luisa nang marinig niya itong tumawa ng marahan. Napatingin siya sa kamay ng kunin iyon ni Levi at laruin ng mga daliri nito. Alas-dos ng madaling araw kasabay ng pagbuhos ng ulan ay nagulat si Luisa at dumating ang nobyo, isang bagay na hindi niya inaasahan dahil nagsabi na ito na hindi makakapunta. He missed her. He wanted to see her. Iyon ang naging sagot ni Levi, kaya sa halip na umuwi at magpahinga sa bahay ay doon ito dumiretso sa kanya.

Alas-tres pasado na ng madaling araw. Tapos na siya sa kanyang trabaho. Nang tumayo mula sa harap ng computer ay agad siyang lumapit sa nobyo na nakaupo ay kama niya. Luisa sat in between his legs and leaned on her broad chest.

"Levi..."

"Hmm?"

"Puwede ba akong magtanong?"

"Sige, ano 'yon?"

Bahagya siyang lumingon at sinalubong ng tingin ang mga mata nito.

"Itong ganitong set up natin, hanggang kailan tayo ganito?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Ayaw mo na?"

Huminga ng malalim si Luisa. "Hindi naman. Naisip ko lang bigla kung hanggang kailan tayo ganito na magkikita ng palihim? Hanggang kailan tayo makukuntento sa ganito? We are old enough for this kind of teenage romantic, against all odds like set-ups. Alam ko na napag-usapan na natin ang tungkol dito at naiintindihan ko naman ang side mo. Pero gusto talaga kitang ipakilala sa kaibigan ko, kay Nanay Elsa at Tere. Gusto kitang ipagmalaki. Gusto ko na makapag-date man lang tayo. Manood ng sine. Kumain sa labas. Pumunta sa mga amusement parks."

Marahan sinuklay ng daliri nito ang kanyang buhok at huminga ng malalim.

"I am sorry. I know how much you want us to be like other normal couples. Pero ikaw na rin ang may sabi na problema mo ang Tita mo. Bukod doon may kailangan pa akong i-settle sa sarili ko. Luisa, I need you to be more patient for us."

Malungkot na sumandal ito sa kanyang dibdib at mabigat na humugot ng malalim na hininga.

"This is frustrating. Bakit ba kailangan pa maging ganito ang sitwasyon natin? Bakit ba hindi na lang tayo nagkakilala sa normal na paraan?"

"Eh di hindi magiging ganito kaespesyal ang nararamdaman natin para sa isa't isa."

Napangiti si Luisa sa naging sagot nito.

"You think so?"

"Uh huh," sagot ni Levi sabay tango. "Hindi ko alam kung kailan at paano, pero isang araw magagawa rin natin ang mga gusto mo. Just be very patient."

"Natatakot lang ako."

"Saan?"

"Na baka mawala ka na lang bigla. Inagaw lang kita sa totoong girlfriend mo. Paano kung karmahin ako at mawala ka. Ito na yata 'yong kasabihan na takot sa sariling multo."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon