"ATE, mauna na ako," paalam sa kanya ni Tere.
"Sige, mag-iingat ka pauwi ha?"
"Oo te, salamat."
Hinatid pa niya ito sa pinto at bago umalis ay muling nagbilin si Luisa.
"Siguraduhin mo na hindi magdududa si Marga sa'yo."
Ngumiti ito. "Huwag kang mag-aalala hindi mangyayari 'yon. Hindi ako pinapansin no'n si Marga, wala siyang dahilan para maghinala sa akin."
"Sige, pero ingat ka pa rin, buti na 'yong sigurado tayo."
"Okay, ate."
"Sige, bukas ulit ha?"
Nang tuluyan makaalis si Tere ay sinarado na niya ang pinto. Kasunod niyon ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Ian.
"Kumusta diyan?" tanong nito nang sagutin niya.
"Ayos naman, bumabalik na ang kulay ni Levi. Hindi na siya namumutla," sagot niya.
"That's great."
"Gusto mo bang umuwi muna dito para makapahinga ka ng maayos? Palitan ka muna ni Lydia."
"Okay lang ako dito. Ayokong umalis sa tabi ni Levi, baka kasi magising siya, gusto ko na ako ang una niyang makita."
Huminga ng malalim si Ian sa kabilang linya.
"Sige, pero kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa mga tao ko na nagbabantay diyan sa labas ng ospital. Huwag kang lalabas, hindi natin sigurado baka may makakilala sa'yo at mahanap ka nila mama."
"Sige. Thanks, Ian."
Bumalik ang tingin ni Luisa sa asawa na walang malay pa rin nakahimlay sa hospital bed. Sa muling pag-alala nilang dalawa ni Tere, nagpatuloy ang kanyang pagbabalik sa nakaraan, sa araw kung saan tuluyan nagbago ang takbo ng buhay nilang dalawa ni Levi.
Kagagaling lang nilang dalawa ni Levi sa pamamasyal. Matapos manood kanina at nagyaya itong lumabas sila. Naglakad-lakad sila sa mall pagkatapos ay kumain bago tuluyan umuwi. Nagkatinginan silang dalawa ni Levi nang makitang may mga police patrol car sa tapat mismo ng gate ng mansion.
"Anong meron?" nagtataka na tanong niya kay Levi.
"Ewan ko."
Agad pinarada ni Levi ang kotse sa gilid at sabay silang bumaba. Halos sabay-sabay naglingunan ang mga pulis sa kanila. Lalong nagtaka ang dalawa nang makitang nag-iiyakan ang mga kasambahay.
"Anong nangyayari dito? Doris?" tanong pa ni Levi.
Sa hindi malaman kadahilanan, nakaramdam ng kaba at takot si Luisa nang makitang umiiyak ang mga kasambahay na halos hindi makapagsalita.
"Doris," tawag ulit ni Levi dito.
"Sir, good evening, kayo ba ang anak ni Don Ernesto Serrano?" tanong ng pulis.
"Opo. Bakit po?"
"Ah Sir, huwag po kayong mabibigla..."
"Bakit? Anong nangyari sa daddy ko?"
"Pasensya na po pero naaksidente ang daddy n'yo, sa kasamaang palad ay hindi siya nakaligtas. Magkasama po sila ng driver n'ya na binawian ng buhay. Dead on arrival sila sa hospital."
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...