Chapter 66

76 4 0
                                    

"HELLO, Kuya Levi."

"Oh Ian, what's up?" bungad niya pagsagot ng tawag nito.

Kasalukuyan siyang nasa opisina sa mga sandaling iyon. Matapos niyang masiguro na nasa maayos nang kalagayan si Luisa ay saka siya bumalik sa trabaho.

"Kumusta na si Luisa?" tanong pa nito.

"She's a lot better now. Nasa penthouse lang siya ngayon, nagpapahinga."

"Kuya, tungkol kay Mommy."

Napahinto sa pagtatype si Levi at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.

"Bakit? Nagsalita na siya?"

Narinig niyang bumuntong-hininga si Ian sa kabilang linya.

"Not totally, but she's demanding to talk to you."

Nakaramdam siya ng disgust. The last thing he wants is to face the woman who almost kills them.

"Tungkol saan daw?"

"Ewan ko. Tinatanong ko nga kung may kinalaman ba siya sa dalawang insidenteng nangyari sa mansion pero mariin siya talaga sa pagtanggi. Basta ang sabi ni Mommy gusto ka daw niyang makausap."

Sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang napabuntong-hininga. Alam ni Levi na kailangan niya itong harapin pero kung may iba siyang pagpipilian, he will never want to see Marga's face again. Pero kapag hindi niya ito hinarap, hindi naman matatahimik ang kanyang asawa. Wala nang binabanggit si Luisa tungkol sa nangyaring aksidente pero alam ni Levi na iniisip pa rin nito iyon.

"Sige, subukan ko dumaan mamaya doon," sagot niya.

Matapos nilang mag-usap ay muling tinuon ni Levi ang atensiyon sa ginagawa. Mayamaya ay muling nag-ring ang kanyang cellphone. Napakunot noo siya nang makitang anonymous ang numerong tumatawag sa kanya. Dahil hindi naman talaga siya mahilig sumagot ng tawag mula sa number na hindi naka-save sa phonebook ng phone. Hindi niya iyon sinagot at muling pinagpatuloy ang trabaho. Sumubok pa ng dalawang beses na tumawag ng numero na iyon at hindi pa rin tinanggap ni Levi ang tawag na iyon. Hanggang isang text message ang sunod niyang natanggap.

Wala nang nagawa si Levi kung hindi ang tignan ang mensahe. Napaunat siya ng upon ang makita ang message.

"Levi, si Mang Temyong ito. Alam ko na naalala mo ako."

Parang ipu-ipong bumalik sa kanyang isipan ang nagpakilalang Mang Temyong. Bumilis ang kabog ng dibdib niya kasabay ng pagrehistro ng mukha ng isang matandang lalaki.

"Tama. Naalala ko siya. Si Mang Temyong," sabi pa ni Levi sa isipan.

Matapos magising mula sa mahabang panahon na comatose. Isa sa naalala na nakita ni Levi sa panaginip ay ang isang matandang lalaki. Kapag hindi siya nakabantay kay Luisa ay palagi siyang naroon sa bahay ng matandang lalaki na iyon naglalagi. Isang tao na may angkin abilidad na hindi lang makakita ng mga kaluluwa kung hindi nakakausap at nagsisilbing gabay at tagapayo ng mga ito.

Bigla ay iniwan ni Levi ang ginagawa at tumayo saka tinawagan si Mang Temyong. Labis ang kaba niya nang sa wakas ay sagutin nito ang kanyang tawag.

"Hello," sabi pa niya.

"Narito ako sa baba ng opisina mo. May kailangan akong sabihin sa'yo, iho."

Dali niyang dinampot ang intercom at tinawagan ang kanyang sekretarya.

"Jing, kailangan mong bumaba sa lobby. May matandang lalaki doon na naghihintay sa akin. Sunduin mo at dalhin mo siya dito. Ngayon na!"

"Yes Sir."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon