THREE days. It is only just three days has passed by, but it feels like forever for Luisa. The rain stopped. The sky was dark but clear, enough to see the trillions of stars and the moon to spread its light. Sa loob ng panahon na iyon ay hindi nila nagawang magkita ni Levi. Dahil sa matinding pananakit ng ulo ay binantayan siya ni Nanay Elsa sa gabi at si Tere naman sa araw. Hindi naman niya mapilit ang sarili na umalis dahil nahihilo pa rin siya. Dahil sa nangyari ay nagpaalam siya sa mga kliyente na magpapahinga muna ng isang linggo. Hanggang lumipas ang mga araw ay tuluyan nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Kaya naman bumalik na rin sa trabaho ang mag-ina.
"Sigurado ka ba na kaya mo na?" tanong ni Tere. Iyon na yata ang panglimang beses na tinanong siya nito.
Natawa si Luisa at napailing.
"Oo nga. Ang kulit."
Sinukbit nito ang bag sa balikat saka humarap sa kanya.
"Naniniguro lang, ayokong may mangyari na naman masama sa'yo."
"Ah, how sweet!" pabirong sagot ni Luisa.
"O siya aalis na nga ako," natatawa na rin paalam ni Tere.
"Sige, ingat."
Pagbukas nito ng pinto, sa halip na tuluyan bumaba ay muli itong lumingon sa kanya at ngumiti.
"Mangako ka sa akin huwag ka masyadong mag-iisip ng kahit ano, okay?"
"Promise," mabilis na sagot ni Luisa.
Huminga ng malalim si Tere. "Alam ko na bored ka na dito, kung gusto mong lumabas, go ahead. Huwag kang mag-alala, hindi ako magsusumbong kay Nanay o kay Madam."
Namilog ang mga mata niya sa gulat dahil sa narinig.
"Talaga?"
"Basta! Basta siguraduhin mo na kaya mo na, kapag hindi mo pa kayang lumabas, huwag mo pilitin, okay?"
Nabuhay ang dugo ni Luisa. Ang unang pumasok sa kanyang isipan matapos payagan ni Tere na lumabas ay si Levi.
"Okay!" excited na sagot niya.
Ngumiti ito sa kanya ang kaibigan. Nakita niya ang lungkot at iba pang emosyon sa mga mata nito na hindi niya magawang pangalanan.
"Luisa, gusto ko lang na malaman mo na hindi ka nag-iisa. Kakampi mo ako. Kung gusto mong umalis, tumakas o kahit anong gusto mong gawin na pinagbabawal ni Nanay at Madam. Sabihin mo sa akin, tutulungan kita."
Nangilid ang luha ni Luisa. Iyon ang unang pagkakataon na nagpahayag ng nararamdaman niya si Tere. Nakilala niya ito na sobrang mabait at masunurin, kahit labag sa loob ay hindi nito nito kinokontra ang ina at sumusunod na lamang. Nilapitan ni Luisa ang kaibigan at yumakap ng mahigpit dito.
"Thank you."
Hinagod nito ang likod at narinig itong marahan tumawa.
"Take your time to go out. Wala si Nanay, sa isang araw pa ang balik. Wala ka rin pasok ng ilang araw pa. Huwag kang mag-alala akong bahala kay Nanay."
Kulang na lang ay mapatalon sa tuwa si Luisa. Para siyang bata na pinayagan ng nanay niya na lumabas at lumaboy.
"Thank you! Thank you!"
"Sige na, mauna na ako. Huwag ka rin magpapagabi masyado ng uwi ha?"
"Oo, promise!"
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...