LUISA'S body is shaking as she took steps closer to that closed white door. Nang tuluyan manlambot ang kanyang tuhod at muntikan matumba, inalalayan siya ni Ian at Lydia sa paglalakad habang walang patid sa pag-agos ang luha mula sa kanyang mga mata. Just few days ago, they were all screaming to her face saying Levi is already dead. Ngayon, sasabihin naman ng mga ito na buhay ang kanyang asawa.
She's so nervous and scared at the same time. Paano kung pinaglalaruan lang ng mga ito ang kanyang damdamin? Paano kung hindi naman totoo ang sinabi ng mga ito? Paano kung umasa na naman siya at sa huli ay mabigo? Maraming tanong ang bumabagabag sa kanyang puso't isipan, ngunit sa mga sandaling iyon, sa gitna ng lahat ng nangyayari. Isa lang ang sigurado ni Luisa, gusto niyang muling masilayan si Levi.
Nang pihitin ni Ian ang doorknob ng pinto na nasa kanyang harapan. She purposely closed her eyes, afraid that when she opened it, Levi wasn't there.
"Luisa, we're here," sabi pa ni Ian.
Nang imulat niya ang mga mata. Tumambad sa kanyang harapan si Levi, nakahiga sa hospital bed, walang malay, at may mga nakakabit na kung anu-ano sa katawan. That's when Luisa broke down and fell on her knees. Tuluyan siyang napahagulgol habang hindi inaalis ang tingin sa asawa. Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita sa mga sandaling iyon. Nang tulungan siyang tumayo ay mabilis na tumakbo si Luisa palapit kay Levi. Mahigpit niyang hinawakan ang katawan nito. Kinuha ang mga kamay at hinalikan iyon, pagkatapos ay mariin itong hinalikan sa labi.
"Levi..." paulit-ulit na sambit niya.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito.
"Mahal, gumising ka na please. Nandito na ako. Natupad ko na 'yong pangako ko sa'yo na babalik ako. Tapos na ang paghihintay mo, oras na para gumising," pagkausap niya dito.
"I love you. I love you so much," paulit-ulit niyang pahayag.
Hilam pa rin sa luha nang lumingon siya kay Ian. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung ano ang nangyari at bakit wala itong malay. Tila nakuha naman ng binata ang ibig niyang sabihin.
"Ian, Lydia, nakikita n'yo ba siya?" emosyonal na tanong niya.
"Oo, Luisa. Nakikita namin siya," naiiyak din na sagot ni Lydia.
"Huwag kang mag-alala, malayo na sa kapahamakan si Kuya. It has been days since the doctors took him out of the ICU. Mula nang mangyari ang insidente na 'yon nasa ICU na si Kuya. Malakas ang pagkakapalo sa ulo niya at naging sanhi iyon ng mga pagkaka-comatose niya. Sa totoo lang, sinabi ng mga doctor noon na wala nang pag-asa si Kuya na magising, na kaya siya nabubuhay ay dahil na lang sa mga makina na nakakabit sa katawan niya. But I made a promise to him that I will ensure your safety and I will bring you back to him. Hindi rin ako nawalan ng pag-asa na magigising siya. Until a miracle happened, two weeks ago," salaysay ni Ian.
Napakunot-noo siya.
"What miracle?" tanong pa ni Luisa habang pinapahid ang luha sa kanyang pisngi.
"Two weeks ago, bigla na lang nagising si Kuya Levi habang nasa ICU siya. Literal na nagising siya at bumangon sa kama. Gulat na gulat ang mga nurses at nagkagulo ang mga doctor. Para daw itong patay na muling nabuhay. But that moment only lasted for few minutes. Pagkatapos niyon ay nawalan na ulit siya ng malay. But that day, the doctors declared that he's out of danger. Humihinga na ulit siya sa sarili niya at hindi na sa tulong ng makina kaya nilabas na siya sa ICU. Pero mula noon ay hindi pa ulit siya nagigising hanggang ngayon."
"He's waiting for you, Luisa. Hinihintay niya ang pagbabalik mo. And I'm amazed at the kind of love you have for each other, very much extraordinary. This is really a miracle," sabi pa ni Lydia at ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...