Chapter 26

121 8 4
                                    

          NAALIMPUNGATAN si Luisa nang umagang iyon na may humahalik sa kanyang labi. Nang dumilat, agad siyang napangiti nang bumungad ang guwapong mukha ni Levi. Lumobo ang puso at mas lalo siyang nain-love sa nobyo nang salubungin din siya nito ng magandang ngiti. She held his face and kiss him on the lips.

"Good morning," malambing nitong bati.

"Morning," sagot niya. "Kanina ka pa gising?"

"Medyo."

"Dapat ginising mo ako para nakapagluto na agad ako ng breakfast."

"Okay lang, mas gusto na panoorin ka habang natutulog."

Luisa took a deep sigh and smiled at him once again.

"Ang sarap gumising dito sa kuwarto na 'to na ikaw agad ang makikita. Parang kumpleto na agad ang araw ko. Pero namimiss ko 'yong bahay mo sa gubat. I miss the sound of the birds and the peaceful environment. Namimiss ko na rin 'yong tunog ng waterfalls."

Hindi ito sumagot ngunit ngumiti ito at patuloy lang na nakinig sa kanya.

"Puwede ba tayong bumalik doon?" tanong pa ni Luisa.

"Oo naman."

"Bigla ko lang naisip, ngayon lang ako natulog na hindi binangungot. Siguro dahil kasama kita."

"Ibig sabihin, dapat pala lagi na tayong matulog ng magkatabi?"

"Oh, I love the idea," natatawang sagot niya.

"Kiss me again," malambing na sabi ni Levi.

She smiled while biting her lip before kissing him again. This is the way Luisa wants to start her morning everyday. To wake up beside Levi and be the first one she see as soon as she open her eyes. Kapwa sila napahinto sa paghalik sa isa't isa nang marinig na may tumunog mula sa labas ng kuwarto kasunod ng boses ni Nanay Elsa habang kausap ang anak na si Tere.

"Nasa labas na sila," bulong ni Levi.

Huminga siya ng malalim. "Halika, labas tayo. Ipapakilala kita sa kanila."

Nanlaki ang mga mata ng binata. "Ano?"

Ngumiti siya at hinaplos ito sa pisngi.

"Huwag kang mag-alala, mabait sila lalo na si Tere. Makikiusap na lang ako na huwag sabihin kay Tita Marga. Bigla kong naisip na ayoko nang magtago. Gusto ko na pumunta ka dito at umalis ako ng bahay para puntahan ka nang malaya. Hindi iyon patago. Wala tayong ginagawang masama para magkita palagi ng palihim."

"Pero Luisa, hindi mo naiintindihan... hindi nila a—"

"Hey," putol niya sa sinasabi nito.

"Trust me, okay?"

Hindi agad kumibo si Levi. Sa halip ay bumangon ito at huminga ng malalim. Naupo rin sa ibabaw ng kama si Luisa at sinalubong ang mga tingin nito. Mayamaya ay ngumiti ito at biglang binuka ang mga braso. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin at agad na lumapit para yumakap dito.

"Always remember that I love you, okay? I love you so much."

"I know, and I love you too, so much."

"Okay, let's do whatever you want."

Tumingala si Luisa sa nobyo at ngumiti.

"Thank you."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon