NAALIMPUNGATAN si Luisa nang mga sandaling iyon matapos maramdaman ang magaan na halik sa kanyang labi. Nang unti-unting dumilat ay bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng asawa na bakas ang pag-aalala.
"Mahal," malambing na tawag nito.
Nang dumilat ay muli siyang siniil nito ng halik. "Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo?" tanong nito.
"Iyong baby natin, kumusta na siya?" sa halip ay tanong din agad ni Luisa.
"Huwag ka nang mag-alala. Ligtas siya. The baby is in perfectly fine. Ligtas na kayong dalawa. Ikaw? Anong pakiramdam mo ngayon?"
Nakahinga ng maluwag si Luisa sa narinig. Labis ang takot niya kanina matapos mahulog sa hagdan. Ang buong akala niya ay mapapahamak na sila ng tuluyan.
"Medyo nahihilo lang at masakit ang katawan pero okay naman ako," sagot niya.
Nang ginala ang paningin sa buong silid. Doon lang niya napagtanto bukod sa kanila wala na silang kasama pa doon.
"Nasaan sila?"
"Nandito sila Lydia at Ian kanina, kasama ko silang nagdala sa'yo dito sa ospital. Pumunta din si Nanay Elsa at Tere, pero nauna na silang umuwi."
Muli siyang huminga ng maluwag at pumikit. Napadilat lang ulit siya nang maramdaman na hinalikan siya sa kamay ng asawa.
"Ano ba ang nangyari kanina? Paano ka nahulog? Tinawag mo pa ako kanina pagkakita mo sa bag mo. Nadulas ka ba habang bumababa?" tanong pa nito.
Pilit binalikan ni Luisa ang nangyari. Naalala niya na umakyat siya sa second-floor para hanapin ang bag matapos na hindi iyon matagpuan sa sala. Nakita ni Luisa ang bag doon sa master's bedroom, bagay na kanyang labis na pinagtaka dahil tandang-tanda niya na iniwan ang bag sa isa sa upuan doon sa dining table. At nang pababa na siya ng hagdan, doon na may nangyaring kakaiba.
"Hindi ako nadulas. Pero pababa na ako sa hagdan nang marinig ko na parang may naglalakad sa likod palapit sa akin. Bago pa ako makalingon at makita kung sino 'yon, naramdaman ko nang may tumulak sa akin," kuwento niya.
Nagsalubong ang kilay ni Levi. Biglang bumakas ang magkahalong galit at pagtataka sa mukha nito.
"May tumulak sa'yo? Sigurado ka?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Nang pilit siyang bumangon ay inalalayan pa siya ni Levi. Pagkatapos ay sinalubong niya ang tingin nito.
"Oo, sigurado ako. Naramdaman ko may humawak sa likod ko pagkatapos tinulak niya ako. Hindi ako maaaring magkamali."
"Pero sino? Wala naman tao sa second floor kanina. Linggo ngayon at walang trabahador. Lahat kami nasa dining at kusina."
"Hindi ko alam, Levi. Pero sigurado akong may tumulak sa akin at hindi ako nahihibang."
Bumuntong-hininga ito at napaisip ng malalim. "Mahal, hindi kaya may inupahan si Marga para pagtangkaan ako? Puwede niyang gawin 'yon, 'di ba? May inutusan siya dito sa labas para gumanti sa atin dahil pinakulong natin siya."
Marahan napailing si Levi. "Hindi ako sigurado diyan dahil hindi na halos makausap si Marga. Nakakulong siya pero halos tulala na at wala na siya sa sarili, ni hindi makausap ng matino."
"Hindi ako naniniwala na wala siya sa sarili, puwedeng umaarte lang 'yon. Nagpapanggap. Pero wala akong ibang maisip na magtatangka sa buhay ko kung hindi siya. Naalala mo 'yon muntikan akong mabagsakan ng kahoy? Naniniwala ako na hindi iyon aksidente. Nakita ko mismo na may tao sa attic at siya ang nagbato ng kahoy!" giit niya.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...