Chapter 40

91 6 2
                                    

MABILIS na dumaan ang panahon. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang manirahan si Luisa at ama sa mansion ng mga Serrano. Sa lumipas din na mga taon na iyon ay mas naging malapit si Luisa at Levi sa isa't isa. Maliban sa mga nakatira sa mansion na ang tingin sa kanila ay parang magkapatid o magpinsan na sobrang close at madalas nag-aaway. Sa mga kaibigan, maging sa ibang tao, madalas ay napagkakamalan sila na may relasyon.

"Ano? Wala pa ba 'yong sundo mo?" tanong sa kanya ni Joan.

Uwian na nila sa mga oras na iyon at nangako si Levi sa kanya na susunduin siya nito.

"Wala pa nga eh."

"Himala, na-late yata siya. Dati rati laging maaga 'yon ah," sabi pa nito.

"Eh baka maraming ginawa sa University," sagot niya.

"Alam mo, hindi ka pa kasi umamin eh, may relasyon na kayo ni Levi, no?" pag-uusisa nito.

Natawa si Luisa. "Saan galing 'yon? Parang 'yong oras ng pagdating niya ang pinag-uusapan natin ah."

"Ano ba kasi talaga? Kayo na?" sa halip ay tanong nito.

Napabuntong-hininga si Luisa. "Alam mo ikaw, puwede kang sumama sa CKA," sabi niya.

Kumunot ang noo nito. "CKA? Ano 'yon?"

"Chismosang Kapitbahay Association."

"Gaga!" malakas ang tawa na bulalas nito sabay batok sa kanya.

Sa halip na mainis ay natawa rin si Luisa. "Hindi nga, 'yong aura mo ngayon, papasa talagang chismosa," patuloy pa niya sa pang-aasar.

"Tsk, huwag mo ibahin ang usapan. Sagutin mo na kasi tanong ko!" pangungulit nito.

"Hindi, okay?! Hindi ko boyfriend si Levi!" giit niya.

"Hmm... kung hindi kayo, eh anong tawag mo sa relasyon n'yo? Hindi naman kayo magkapatid. Definitely, base sa nakikita namin kung paano n'yo ituring at tignan ang isa't isa, mas higit pa sa kaibigan."

Hindi nakasagot si Luisa. Ayaw lang niyang aminin pero totoo lahat ng sinabi ni Joan. Kahit siya ay hindi alam ang kung anong mayroon sila. Kung dati hindi pa niya nahahalata dahil bata pa siya, ngayon ay magdidisi-otso na siya. Mas nagmatured na ang kanyang isipan tungkol sa usapin ng pag-ibig. Her heart is more sensitive and aware. Alam ni Luisa na may higit sa pakikitungo nilang dalawa ni Levi sa isa't isa na higit pa sa pagiging magkaibigan. At naghihintay lang din siya ng tamang oras para masabi ang tunay na nararamdaman.

"Ewan, basta ang alam ko para kaming aso't pusa no'n," pabirong sagot niya.

"Hay naku, kahit kailan ka talaga hindi makausap ng matino. Mauna na nga ako sa'yo."

Natatawa na kumaway siya sa kaibigan. "Bye, ingat."

Naghintay si Luisa sa ilalim ng waiting shed katabi lang ng gate ng school nila. Dumaan ang mga kapwa niya estudyante hanggang sa isa-isang makasakay ang mga ito. Makalipas pa ang mahigit thirty minutes ay siya na lang ang naiwan doon. Unti-unti nang nakakaramdam ng pag-aalala si Luisa. Kailan man ay hindi na-late sa oras si Levi. Kailan man ay hindi siya nito pinaghintay ng matagal.

"Ano na kayang nangyari doon? Baka mamaya nakalimutan na akong sunduin no'n," nag-aalala na tanong niya sa isipan.

Mayamaya pa ay dumaan ang isa niyang kaklaseng lalaki. Malapit lang ang bahay nito doon sa school nila.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon