"KUMUSTA ka naman?" tanong sa kanya ni Lydia.
Isang ngiting umabot sa mga mata ang sinagot ni Luisa sa kaibigan.
"Never been this happy."
Huminga ng malalim ito at sumandal sa kitchen counter. "Alam mo mula nang magkakilala tayo, dalawang beses ko nang nakita na ganyan ka kasaya. At iyong dalawang beses na iyon ay parehong tungkol kay Levi."
"Dahil siya lang naman ang nakakapagpasaya sa akin. We've been together most of our lives, at masasabi ko na sa kanya na umiikot ang mundo ko."
"At masaya ako na makita kang ganyan. Halata rin naman na mahal na mahal ka niya."
Hindi pa rin nawawala ang ngiti na tumango siya. "Noon pa man, palagi nang sinisiguro ni Levi na naipaparamdam niya sa akin 'yon."
"Basta kung may kailangan kayo, sabihin n'yo lang, kumatok lang kayo sa kuwarto ko," sabi nito.
"Teka, ikaw ba wala kang boyfriend?" biglang pag-uusisa ni Luisa.
"Huh? Wala ah, eh di sana sinabi ko na sa'yo."
Napalingon si Luisa nang biglang dumaan sa Ian at ngumiti sa kanila. Paglagpas nito ay bigla niyang siniko sa braso si Lydia saka tinuro ang binata.
"Eh kay Ian, ayaw mo?"
"Huy! Ano ba 'yang sinasabi mo diyan?! Hindi!"
Natawa si Luisa sa naging reaksiyon nito. "Bakit naman? Pogi naman si Ian, mabait at masipag pa. Nasa kanya na lahat na qualities, ano pa hahanapin mo?"
"Boss ko 'yan, ano ka ba?!"
"So? Hindi ba puwedeng magkagustuhan ang boss at subordinate niya? Ang dami kayang kuwentong ganoon... nain-love 'yong tauhan sa bo—"
"Luisa, tumahimik ka!" awat sa kanya ni Lydia at sabay takip sa bibig niya.
Natawa na naman siya ng malakas dahil namumula na ang mukha nito at nagsisimula na rin ma-conscious.
"Tignan mo mukha mo, pulang-pula ka," patuloy na pang-aasar niya rito.
"Ikaw kasi eh!" paninisi nito sa kanya habang natatawa.
"Hoy, alam ko masaya ka, pero please humanap ka ng ibang maaasar mo!" sabi pa ulit ni Lydia.
"Mahal?"
Pareho silang napatingala sa second-floor ng bahay kung saan naroon ang silid na tinutuluyan nila.
"Oh, tawag ka na ng asawa mo, bilis! Lumayas ka dito nang matahimik ako!" pagtataboy nito sa kanya.
"Sige na nga."
Nang umakyat siya sa second floor ay nakasalubong naman niya si Ian na nanggaling sa kuwarto nito.
"Ian, ang ganda ni Lydia ngayon, no?" sabi pa niya na sadyang nilakasan ang boses para marinig ng kaibigan.
Dumungaw sa baba si Ian at tinignan si Lydia na nakatingala sa kanila. "Pansin ko nga rin nitong mga nakaraan araw," sagot ni Ian.
"Ewan ko sa inyong dalawa!" asar na sagot ng babae.
Dahil doon ay napahagalpak ng tawa si Luisa.
"Why? What did I do?" nagtatakang tanong ni Ian.
"Wala, sige na," sagot niya.
Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok na sa kanilang silid. Pagdating doon ay naabutan ni Luisa na nakatayo sa pinto ng terrace si Levi. Nakasandal ito sa hamba ng pinto at nakatanaw sa dagat.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...