Chapter 9

113 10 0
                                    

"LUISA, kumusta ka na?" tanong sa kanya ni Ian matapos sagutin ang tawag nito nang hapon na iyon.

"I'm okay."

"May nagtangka pa ulit pumasok sa bahay mo?"

Napangiti siya. "Wala na. Safe na ako dito saka nahuli na 'yong magnanakaw at rapist kaya huwag ka nang mag-alala."

Bahagya siyang napakunot-noo nang marinig itong bumuntong-hininga ng malalim. Kahit magka-usap lang sa telepono ay ramdam ni Luisa ang bigat ng kalooban ng kinakapatid.

"Ian, okay ka lang ba?" hindi nakatiis niyang tanong.

"Yeah, yeah. I'm good."

"May gusto ko bang sabihin?"

Sa halip na sumagot ay isang malalim na hininga ulit ang narinig niya mula dito pagkatapos ay tumikhim.

"Hindi ka ba nahihirapan diyan?"

Napakunot-noo na naman siya sa tanong nito.

"H-Hindi naman, bakit?"

"Wala naman, naiisip ko lang. Mom has been controlling you since after the accident. Gusto ko lang malaman mo na okay lang kahit anong gusto mong gawin. Go wherever you want, it's your right. You don't have to follow everything she says, and if you want to get out of there and escape. Handa akong tulungan ka at ilayo diyan."

Bahagyang napaisip si Luisa sa mga sinabi ni Ian. Mayamaya ay ngumiti siya na para bang nasa harap niya ito.

"Thank you for the concern, Ian. But right now, I'm good. Na-appreciate ko

ang ginagawa ni Tita Marga para sa akin. Though I must admit, minsan nakakasakal. Pero sa ngayon, ayos lang ako kaya huwag mo akong masyadong alalahanin."

Hindi na kumibo pa si Ian sa kabilang linya, sa halip ay sunod-sunod na buntong-hininga ang narinig mula dito.

"Sige, kung iyan ang gusto mo. But if things get really tough, don't hesitate to call me. Huwag mong kakalimutan na kakampi mo ako."

"Salamat, tatandaan ko 'yan."

Matapos mag-usap ay napakunot-noo na lang siya at napatingin sa screen ng kanyang phone. Iyon ang unang pagkakataon na tumawag ito at ganoon ang tema ng usapan nila. Madalas ay nakikipagkuwentuhan ito ng kung anu-ano o kaya naman ay naglalabas ng reklamo at sama ng loob tungkol sa ina at kapatid. It was the first he called, sounded anxious about her.

"Sino 'yon?" tanong sa kanya ni Tere.

Doon napalingon si Luisa at naalala na naroon nga pala ito sa kusina.

"Si Ian, nangamusta lang," sagot niya sabay lingon sa oras.

"Mag-aalas otso na ng gabi ah, wala ka bang pasok?" tanong pa niya kay Tere.

Ngumiti ito. "Wala. Kaya masasamahan kita dito."

Agad naalala ni Luisa si Levi. Paano kung dumating ito doon at makita ito ni Tere? Tiyak na makakarating kay Nanay Elsa na may palagi siyang kinakausap na ibang tao.

"H-Ha? Ah, ano naman ang gagawin mo rito?" maang na tanong niya.

Saglit itong nag-isip saka ngumiti sa kanya.

"'Di ba sabi mo day off mo? Makikipag-kuwentuhan?"

Alanganin siyang ngumiti at agad nag-isip ng dahilan para umalis ito. Lihim siyang huminga ng malalim at humarap kay Tere.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon