"MAHAL, huwag mo kakalimutan 'yong appointment natin sa doctor bukas ng alas-nuwebe ng umaga ha?" paalala ni Luisa sa asawa habang nasa banyo siya at ginagawa ang kanyang skin care routine.
"Yes. Nakaalarm na ako ng eight," sagot nito. Tapos na itong mag-shower at nauna na sa kanya sa kama.
"After ng doctor's appointment natin, kailangan natin dumiretso sa penthouse para makita kung ano pa sa gamit natin ang nandoon."
"Okay."
"Plano ko rin nga pala palitan na 'yong ibang furnitures dito pati 'yong ibang appliances. Karamihan dito puro mga bili ni Marga, ayokong makakita dito ng kahit anong puwedeng magpaalala sa kanya."
"Sure mahal, ikaw ang bahala."
Matapos iyon ay lumabas na siya mula sa banyo at naabutan si Levi na may binabasa. Nang maupo sa bandang paanan ng side nito ng kama, doon pa lang ito nag-angat ng tingin.
"Nagbabasa ka na naman, hindi ba sumasakit ulo mo?" tanong niya.
"Hindi naman. Nag-aalala ka na naman ba?"
"Hindi mo naman maiaalis sa akin 'yon."
Hinawakan siya nito sa kamay at hinila palapit. Umurong at hinayaan ang asawa na haplusin ang kanyang mukha.
"Kailangan pa ba talaga natin pumunta sa doctor bukas? Sabi naman doon sa ospital na pinanggalingan ko sa probinsiya na okay na ako."
Bumungtong-hininga si Luisa. "Pagbigyan mo na ako. Gusto ko lang makasigurado na safe ka na talaga. In case man na may makita ang mga doctor, at least maaagapan," paglalambing niya.
Nangingiti na umiling. "Sige na. Ikaw na masusunod at para na rin sa ikatatahimik mo."
"Thank you," sabi niya pagkatapos ay mabilis itong hinalikan sa labi.
Matapos iyon ay in-off na niya ang main light. Habang si Levi naman ay tinigilan na ang pagbabasa. Tumagilid ito ng higa, paharap sa kanya, nang tumabi na siya dito.
"Bakit mo nga pala naisipan dito matulog sa dating kuwarto mo? Bakit hindi doon sa talagang kuwarto natin?"
"Wala lang. Namiss ko lang matulog dito. It reminds me of my childhood. Noong maayos at tahimik pa ang lahat."
"Kaya nga. Ang weird lang ng feeling. Ang tahimik ng paligid, dati rati palaging maingay dito dahil sa mga kung anu-anong paparty ni Marga o kaya bunganga niya ang maingay," sagot niya.
"Huwag na natin siya pag-usapan, nakakulong na 'yon. Sa dami at bigat ng mga kaso n'ya, hindi na makakalabas 'yon."
"Oo nga. Para mawala na rin bad vibes dito sa bahay," sang-ayon ni Luisa.
"Pero maiba tayo, wala ka bang naalala dito?" tuluyan nitong pag-iiba sa usapan.
Kumunot ang noo ni Luisa at pilit na hinalughog ang kanyang isipan.
"H-Hindi ako sure, bakit?" naguguluhan na tanong niya.
"This is where we first make out, remember?" paalala nito sa kanya.
Natawa si Luisa nang maalala ang tinutukoy nito. "Oo nga pala!"
"Grabe, nakalimutan mo 'yong isa sa pinaka-memorable moments natin."
"Sorry na, nawala lang sa isip ko. Hindi ko kasi expected na bubuksan mo ang topic na 'yon. Oh, eh bakit mo naman biglang naalala 'yon?" natatawang sagot ni Luisa.
Bumaba ang tingin ni Luisa nang biglang humawak sa beywang niya ang isang kamay ng asawa pagkatapos ay naglaro ang daliri sa kanyang tiyan at kunwari'y dahan-dahan na naglakad paakyat. Natawa si Luisa nang marating ng daliri nito ang dibdib niya.
"Wala lang, noong araw na rin 'yon kasi unang beses ko nahawakan 'to," sabi pa nito sabay pilyong ngumisi habang patuloy na naglalaro ang daliri nito sa kanyang dibdib.
"Oo, naalala ko 'yon. Sobrang kaba ko noong time na 'yon," sagot niya.
"Alam mo bang pigil na pigil akong may mangyari sa atin no'n? Bente anyos ka pa lang kasi no'n, natatakot din ako na baka mabuntis kita ng wala sa oras kung sakaling pumayag ka na may mangyari sa atin," sabi pa nito.
Mayamaya ay biglang bumakas ang munting lungkot sa mga mata nito.
"Pero kung alam ko lang na palalayasin ka ni Marga at magkakalayo tayo ng matagal, eh di sana nga tinuloy ko na lang. Hinayaan ko na may mangyari sa atin para kung nabuntis ka, baka hindi tayo nagkalayo ng anim na taon."
Umangat ang kamay niya at hinaplos ito sa pisngi. "Naniniwala naman ako na may dahilan ang lahat eh. Tignan mo nga, kahit ganoon ang nangyari nagkita pa rin tayo."
Hinapit siya palapit ni Levi. Pagkatapos ay tuluyan nang pinasok ng kamay nito ang suot niyang pantulog at hinawakan siya sa dibdib.
"Okay, enough of the talk," sabi pa ni Levi at siniil siya ng halik sa labi.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...