HINDI alam ni Luisa ang eksaktong oras, pero sa kanyang tantiya, base sa katahimikan ng paligid ay tila madaling araw na. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. She is exhausted physically, emotionally, and yes, mentally. Iyon dapat ang panahon na makakatulog siya ng mahimbing dahil sa pagod, pero kahit ang kanyang mata ay ayaw makipagtulungan.
Panaka-naka ay nagugulat siya sa iba't ibang ingay mula sa ibang mentally disabled na pasyente, mga ingay na nagbibigay sa kanya ng takot. Nariyan may biglang sisigaw, o kaya naman ay biglang may magwawala. Minsan ay bigla siyang maririnig na nakakakilabot ang tawa, o kaya ay may biglang magsasalita.
Nang hindi nakatiis ay bigla siyang dumilat saka tumitig sa kisame. Levi is the main reason why her sanity is still intact. Kung hindi, sa klase ng lugar na kinaroroonan sa mga sandaling iyon, idagdag pa ang mga nangyari sa kanya nitong nakalipas na tatlong araw, baka isa rin siya ngayon sa mga wala na sariling katinuan. Ilang sandali pa ay tuluyan nang tumahimik ang paligid. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Muling pinikit ni Luisa ang mga mata, magbabaka-sakali na makatulog siya kahit paano. Ngunit kung kailan unti-unting nahuhuli ang antok, muli na naman siyang nakarinig ng ingay sa labas. Sa pagkakataon na iyon, hindi mula sa pasyente kung hindi galing sa tatlong boses na nag-uusap hindi kalayuan mula sa silid na kinaroroonan.
Bumangon si Luisa at dahan-dahan lumapit sa pinto at naupo sa ibaba niyon saka lihim na pinakinggan ang pinag-uusapan ng mga tinig.
"Basta ihanda n'yo ang tranquilizer, para kapag pumiglas at nagwala siya tusukin n'yo agad."
Nagsalubong ang kilay ni Luisa nang makilala ang boses ng babae. Walang iba kung hindi ang kanyang Tita Marga.
"Tandaan mo Dexter, kailangan mapapirmahan muna sa kanya ang papeles. Pagkatapos saka mo idispatsa," utos pa nito sa anak.
Lihim niyang naikuyom ng mariin ang palad. Muling umahon ang pamilyar na galit sa kanyang puso. Ngunit hindi pa rin niya matandaan ang papeles na tinutukoy nito. Bumalik na ang alaala niya ngunit hindi pa isangdaan porsiyento. Pero sa unti-unting pagbalik ng kanyang aalala, gagawin na ni Luisa ang dapat sana'y matagal nang ginawa. Ang bigyan ng katarungan ang ginawa ng mag-inang Marga at Dexter kay Levi at sa kanilang mga ama.
"Eh ma'am, baka puwedeng sa iba n'yo na lang ipagawa. Baka kasi sumabit ako diyan eh, matanggalan pa ako ng lisensya," sagot ng isang boses ng lalaki.
"Ano?! Ngayon ka pa aatras?! Bayad ka na kaya hindi na puwedeng magbago isip mo?! Mamili ka, aatras ka o bukas uuwi ka sa inyo ng hindi humihinga?!"
"Bilisan n'yo, ilabas n'yo na 'yan. At itong tatandaan n'yo 'wag na 'wag kayong magsasalita tungkol dito. Kayang kaya ko kayong balikan," pagbabanta ulit nito.
Wala nang narinig na sagot si Luisa mula sa kausap ni Dexter. Agad siyang bumalik sa higaan, mula sa ilalim ng mattress ay kinuha niya ang ballpen na pinuslit noong tanghali. Mabuti na lang nang magpalit siya ng damit kanina, ang binigay sa kanya ng nurse na pamalit ay iyong may bulsa, kaya sinilid na lang niya doon ang ballpen.
Mula nang bumalik ang kanyang alaala. Alam na agad ni Luisa na hindi siya magtatagal doon. Ngayon maliwanag na ang lahat. Nang malaman ng mga ito na nakikita niya si Levi, dinala siya ng mag-ina doon sa mental hospital para ipalabas na isa siyang baliw. At dahil nabanggit na niya si Levi, tiyak na nagplano ang mga ito kung paano siya mawawala. Ang hindi lang sigurado si Luisa ay kung bakit siya binuhay at inalagaan pa ng mga ito matapos ang aksidente, gayong nasa kanila na ang lahat ng pagkakataon para patayin siya lalo na't may amnesia siya noong mga panahon na iyon.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...