Chapter 30

112 12 4
                                    

HABANG kumakain ay may nakabantay sa kanya na isang nurse na lalaki. Hindi masarap at walang lasa ang pagkain pero nagtiis si Luisa at pilit kumain. Tama si Ian at Tere, kailangan niyang mag-ipon ng lakas. Kaya naman kinalma na muna ni Luisa ang sarili, kahit na ang totoo ay kanina pa niya gustong kumaripas ng takbo palabas ng pinto na nasa kanyang harapan lang.

"Bilisan mong kumain," maangas na sabi sa kanya ng nurse.

Pinukol niya ito ng masamang tingin ngunit pinigil ang sarili at hindi muna nagsalita. Nang matapos kumain ay saka siya tumayo, nang dumaan sa gilid nito. Luisa suddenly grabbed his nape and whispered.

"Huwag mo akong subukan i-bully dito. Hindi ako gaya ng ibang pasyente mo na wala sa sarili at hindi kikibo kahit sigawan n'yo. Magkano ang binayad sa inyo ni Marga ha? Para i-confine n'yo ang isang tao dito na walang proper assessment," sabi niya sabay salubong ng tingin dito.

"Hindi ka ba natatakot na mawalan ng lisensya?"

Nakita niya na namutla ang lalaki at sinamantala iyon ni Luisa.

"Kapag nakalabas ako dito, ikaw ang una kong hahabulin at sisiguraduhin ko na mawawalan ka ng lisensya."

Lalo itong natakot sa narinig mula sa kanya.

"Pupunta muna ako sa CR," sabi niya.

Agad itong tumayo at sinundan siya. "Oh, 'wag mong sabihin sasama ka pa sa akin sa loob?"

Tumikhim ito at umiwas ng tingin.

"Uy pare, nandyan ka pala!" tawag ng isa pang nurse na lalaki sa nurse na kasama niya.

Agad itong lumingon. "Bakit?"

Sinamantala iyon ni Luisa at mabilis na dinampot ang ballpen na nasa ibabaw

ng mesa na kanyang nadaanan. Ang totoo, habang kumakain ay kanina pa niya iyon tinititigan. Kaya nang matapos ay nagdahilan siya na pupunta sa CR, pasalamat na lang si Luisa sa nurse na biglang dumating at para bang nakatulong pa ito sa kanyang plano.

Pagdating niya sa CR ay agad na nilagay ni Luisa sa garter ng suot niyang shorts sa loob ng putting hospital gown na suot ang ballpen. Pagkatapos ay tinupi ang garter ng kanyang shorts. Hindi alam ni Luisa kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Kailangan ay may hawak siyang kahit ano para magawang ipagtanggol ang sarili.

Paglabas sa CR ay naabutan na nag-aabang sa kanya ang nurse.

"Tapos ka na?"

Marahan siyang tumango.

"Doon na tayo sa labas, trenta minutos ka lang pwede sa labas ah?" paalala nito.

Hindi sumagot si Luisa at marahan lang na tumango. Sa garden siya dinala ng nurse. Kahit na hindi gusto ang kinalalagyan sa mga sandaling iyon, hindi niya magawang itanggi na masarap sa pakiramdam na nakalabas siya. Ang masilayan ang asul na kalangitan. Ang maramdaman ang init ng sikat ng araw at ang malamig na simoy ng hangin. Nang pumikit si Luisa para sana tuluyan kalmahin ang sarili, agad siyang napakunot noo nang may isang eksena na pumasok sa isipan. Doon nakita niya si Levi.

"Sigurado ka ba?" tanong ni Levi sa kausap nitong lalaki.

Mula sa kuwarto ay lumabas si Luisa nang marinig na may kausap ang asawa.

"Sige, ako nang bahala. Salamat."

"Mahal, sino 'yon?" tanong ni Luisa nang tuluyan lumabas mula sa CR.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon