"LUISA, bakit ganito kaputik ang sapatos mo?"
Mabilis siyang napalingon sa kanyang Tita Marga. Malamig na pawis ang lumabas sa kanyang noo kasabay ng malakas na dagundong ng dibdib dahil sa magkahalong kaba at takot.
"Shit," bulalas niya sa isipan.
Pasado alas-singko y medya na ng umaga siya nakabalik sa bahay. Madalas bago mag-alas-sais o eksaktong alas-sais ng umaga nakakauwi si Nanay Elsa at sa tuwing dumarating ito, siya agad ang pinupuntahan nito. Dahil sa pagmamadali, iniwan na lang niya ang rubber shoes doon sa likod at nagmamadaling hinubad ang suot at nagpalit ng pambahay.
Parang nananadya pa ang pagkakataon na dumating sa araw na iyon ang kanyang Tita Marga at ang bunsong anak nito na si Dexter at ito pa mismo ang nakakita ng sapatos niya.
"Po?" kabadong tanong niya.
"Lumabas ka ba ng bahay kanina?" nagtataka na tanong nito.
"O-opo... lumabas ako saglit."
"Saan ka pumunta?"
"Uh... diyan lang po sa may likod naglakad-lakad. Hindi po kasi ako agad inantok pagkatapos ng trabaho ko naisip ko maglakad diyan. Naisip ko lang kasi na hindi ako masyadong napupunta diyan," pagsisinungaling niya.
"Umulan ba kagabi, Elsa?"
"Hindi ko lang po alam, Madam."
"H-Hindi po umulan kagabi, napunta kasi ako banda doon sa gubat dito lang sa bungad. Eh maputik po doon," sabad ni Luisa.
"Ah, ganoon ba."
"Naku iha, hindi ba't bilin sa atin ng mga taga-munisipyo na huwag pumunta diyan sa gubat at masyadong liblib, baka mapaano ka," sabi pa ni Nanay Elsa.
"Siya nga naman, mabuti nga at magaling ka na, baka mapahamak ka pa."
Hindi kumibo si Luisa. Sa halip ay huminga siya ng malalim at inipon ang lakas ng loob sa dibdib pagkatapos ay humarap sa mga ito.
"Tita Marga, I've been thinking of moving out," sabi niya.
Wala sa plano niya ang sabihin iyon. Wala pa rin naman sa plano niya na umalis talaga. Bigla lang naisip ng dalaga na sabihin iyon para tignan ang magiging reaksiyon ng kanyang Tita Marga. Mula nang gumaling siya sa aksidente at pinaghigpitan siya nito. Kahit kailan ay hindi nagprotesta si Luisa at sa halip ay tahimik na sumunod. Iyon ay wala naman siyang dahilan noon para umalis. Ngunit ngayon dumating si Levi sa kanyang buhay. All she wants right now is leave this place and escape the people that stopping her to see the world.
"What?!" gulat na sagot nito.
Maging si Tere at Nanay Elsa ay nagulat sa sinabi niya. Si Dexter naman ay bahagyang pumalatak at napailing, tila hindi nagulat sa narinig.
"Aalis ka?" tanong ulit ni Nanay Elsa.
"Luisa, alam mo na hindi ako papayag."
Huminga siya ng malalim. "Tita Marga, I am not asking for your permission. I am telling you that I will move out," buo ang loob na sabi niya.
Hindi nakakibo ang dalawang babae. Bagkus ay nagkatinginan ang mga ito.
"At saan mo balak pumunta?" sabad ni Dexter.
"Kahit saan, gusto ko lang umalis dito."
"Pero bakit mo naman kailangan umalis? Hindi ka ba masaya dito?"
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...