Chapter 39

93 12 2
                                    

"ANG cute naman pala ng kuwento kung paano kayo nagkakilala ni Kuya Levi. Ang buong akala ko talaga doon na kayo sa mansion unang nagkita. Ang hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ko nahalata na nakakagustuhan na pala kayo no'n."

Natawa si Luisa. "Medyo bata ka pa kasi no'n. Hindi ka pa aware sa mga ganoon bagay."

Huminga ng malalim si Tere. "Sabagay, focus kasi ako sa pag-aaral noon."

Lumingon si Luisa sa wala pa rin malay na si Levi.

"Ang ganda ng relasyon namin noon bilang magkaibigan. Sabi nga ni Nanay Elsa, masyado daw kaming inseperable. Magkasama sa lahat ng bagay, sa saya, sa lungkot at lalo na sa kalokohan."

"Kailan mo nalaman sa sarili mo in-love ka na pala kay Kuya Levi?" tanong ulit ni Tere. Muling bumalik sa nakaraan ang isipan ni Luisa at pinagpatuloy ang kuwento.



"MARAMI ka ba nasagot sa exam?" tanong ni Joan sa kanya.

"Oo naman, hindi ko kaya tinigilan hangga't hindi ko nakakabisado lahat ng terminologies," sagot ni Luisa habang nagliligpit ng gamit.

Katatapos lang ng exam nila at oras na ng lunchbreak.

"Buti ka pa, ako ewan ko, parang may lima yata akong mali eh," sagot ng kaibigan na may bahid ng pag-aalala ang boses.

"Huwag kang mag-alala, basta makapasa, kahit hindi perfect ang exam, okay na 'yon," pag-aalo ni Luisa kay Joan.

"Bakit kasi hindi mo gayahin si Luisa, Joan? Dumikit ka rin sa mga Serrano, sumipsip ka para siguradong makapasa ka," sabad ng isang kaklase nila na si Mildred.

Agad nagsalubong ang kilay ni Luisa sa narinig. Matagal nang may pagka-bully ang kaklase niyang ito na si Mildred, ang madalas nitong binu-bully ay ang mga kaklase niyang mahihina o hindi pumapatol dito. Wala siyang maalala na nagkabangga sila. Hindi rin sila magkaibigan, kahit nga magbatian ay hindi nila ginagawa, kaya walang maalala si Luisa na ginawang hindi maganda para magsalita ito sa kanya ng ganoon.

"Ano ulit ang sabi mo?" tanong niya sabay harap sa babae.

"Ang sabi ko, sipsip ka. Nagpapalapad ng papel kay Levi para lang makapasa."

"Para sabihin ko sa'yo, matagal na akong scholar bago ko pa man makilala si Levi at ang daddy niya. Mataas ang grades ko dahil nag-aaral ako ng mabuti."

Tumawa lang si Mildred at ang dalawang alipores nito na mga kaklase din nila.

"Oo nga pala, nabalitaan ko 'yon. Driver ang tatay mo ni Don Ernesto. Kung ganoon, anong papel mo sa bahay nila Levi? Ah alam ko na, katulong."

Lalong nag-init ang tenga ni Luisa.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, katulong. Katulong. Chimay. Alila. Tagalaba. Tagaluto. Utusan. Katulong."

Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili.

"Hindi ako katulong doon," sagot niya. "At kung sakaling ganoon nga, ano naman ang masama? Marangal na trabaho 'yon at hindi dapat ikahiya."

Lumapit ito sa kanya. "So, kung hindi ka katulong. Ano ka doon? Nagpapalapad ng papel kay Levi? Nilalandi mo si Levi?"

"Puwede ba, Mildred. Tumigil ka. Hindi ko ugali ang mga sinasabi mo," sagot niya sabay talikod.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon