Chapter 67

101 8 2
                                    

"MAHAL, iyong tungkol pala sa honeymoon natin? Tuloy pa ba 'yon?" tanong ni Luisa dito.

"Oo naman, bakit mo naitanong?"

"Eh wala lang, kasi nga buntis na ako."

Marahan itong natawa at inalis ang tingin sa monitor ng laptop at lumipat sa kanya.

"Puwede pa naman tayo mag-honeymoon kahit buntis ka na," sagot nito.

"Wala lang. Excited na rin kasi akong mag-bakasyon tayo."

"Gusto mo bang paagahin natin?"

Lumapit si Luisa dito at niyakap ito sa leeg mula sa likod. "Puwede ba? Naisip ko kasi hangga't maliit pa tiyan ko. Kapag kasi lumaki na si baby, baka mahirapan na ako maglakad."

Tumingala si Levi at sinalubong siya ng ngiti.

"Sige, kung iyan ang gusto mo," sagot nito.

"Thank you, mahal," malambing na sabi niya saka kinintalan ito ng halik sa labi.

"Nga pala, bakit bigla mo naisip na dito sa bahay mag-trabaho?" pag-iiba niya sa usapan.

Iyon na ang ikatlong araw ni Levi na hindi umaalis ng bahay. Sa halip ay doon ito nagtatrabaho, bagay na pinagtataka niya.

"Ayaw mo no'n? Palagi tayong magkasama. Isa pa, mabuti na 'yong may bantay ka, para kapag may kailangan ka hindi ka kilos ng kilos."

"Ang OA naman, hindi mo naman ako kailangan bantayan araw araw."

"Mabuti na 'yong sigurado tayo. Anyway, it's already six, dinner na. You want to eat outside?" tanong pa nito.

Lumapad ang ngiti niya. "Talaga? Lalabas tayo?" excited na tanong niya.

"Oo. Saan mo gustong kumain?"

Saglit siyang nag-isip hanggang sa maalala na ilang araw na siyang nagke-crace sa iba't ibang klase ng dimsum.

"Chinese food! Gusto ko 'yong mga dimsum," sagot nito.

"Oh tara."

Parang bata na halos mapatalon siya sa tuwa. Sinantabi ni Levi ang ginagawa at saka tumayo at sabay silang nagbihis. Hindi na masyadong nag-ayos si Luisa, isang simpleng pantalon at v-neck na plain blouse at sneakers lang ang kanyang suot. Gayundin si Levi na maong na pantalon, t-shirt at rubber shoes lang din ang suot. Ilang sandali lang ang tinagal nang matapos silang magbihis at agad lumabas ng bahay.

Habang nagmamaneho ay biglang nag-ring ang cellphone ni Levi. Dahil nga nasa manibela ang asawa, siya na ang pinasagot nito.

"Hello pare," bungad ng foreman na namamahala sa renovation ng mansion.

"Oh, bakit? May problema ba?" tanong ni Levi.

"Iyon palang isang kuwarto sa maid's quarters, naka-lock eh. Sinubukan namin sirain pero ayaw ng mayordoma n'yo, nagagalit sa mga tauhan ko. Eh kailangan na namin magawa iyon bukas. Baka may duplicate key kayo," sabi pa nito.

Agad hinalughog ni Luisa ang bag. Naalala niya na siya ang may hawak ng mga duplicate key sa bahay habang under renovation iyon. Kinuha niya iyon at pinakita sa asawa.

"Oo, meron."

"Pahiram nga."

"Teka, nasaan ka ba?"

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon