Chapter 14

99 10 3
                                    

"MAHAL mo na ba?"

Bumuntong-hininga si Luisa.

"Hindi ko alam, Lydia. Sandaling panahon pa lang mula nang magkakilala kami."

"Pero mahal mo na nga?" giit na tanong nito.

"Lydia," maktol niya at huminto sa paglalakad.

Ito naman ang napabuntong-hininga. "Alam mo kasi, girl. Hindi naman nakabase sa haba ng panahon ng pagkakakilala n'yo ang nararamdaman n'yo."

"Iniisip ko tuloy, paano kung tigilan ko na ang pakikipagkita ko sa kanya?"

"Kaya mo?"

Pinagpatuloy niya ang paglalakad at sumunod naman si Lydia sa kanya. Alas-kuwatro na ng hapon, halos isang oras pa lang siya nagigising, matapos ayusin ang silid ay agad siyang naligo at lumabas ng bahay. Wala sa araw na iyon ang mag-ina kaya nakalabas siya ng bahay nang walang maraming tanong at bilin sa kanya.

"Kakayanin, sana."

Marahan natawa ang kaibigan.

"Hay naku, mula nang magkakilala tayo ngayon lang kita nakitang nagkaganyan dahil sa lalaki. Mahal mo nga."

Sunod-sunod siyang umiling. "Ayokong i-declare 'yong nararamdaman ko. Ayokong makasakit ng kapwa ko. May iba nang nagmamay-ari ng puso ni Levi at hindi ako 'yon. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako umabot sa ganito. Masyado akong naging kampante."

Pagpasok nila sa convenience store ay agad silang bumili ng mga snacks at maiinom, pagkatapos ay naupo sa isang bakanteng mesa sa labas.

"Tinanong mo na ba siya kung ano ka sa kanya?"

"Naku, hindi! Ayoko nga!" mabilis na sagot niya.

"Ang bilis sumagot ah, bakit naman? Itanong mo kaya kaysa naman nagugulo mundo mo diyan," natatawang sabi ni Lydia.

"Ayoko, natatakot ako. Baka mapahiya lang ako. Baka mamaya ako lang pala ang ganito na nararamdaman, tapos siya, wala naman palang ibig sabihin ang lahat."

"Ang unfair, ano? Mga lalaking 'yan, gagawa ng mga bagay na puwedeng ma misinterpret ng mga babae! Tapos ang ending mape-friendzone ka lang. Eh tayo rin naman mga babae, ang daling ma-fall, ang daling maniwala! Kaya ang dali rin natin masaktan eh!" litanya nito.

Natawa si Luisa at tuluyan nabawasan ang pag-aalala. Bahagyang natigilan si Lydia at tinitigan siya. Uminom ito sa canned softdrinks na binili nito.

"'Yan! Ganyan! Tumawa ka! Hindi iyon nag-o-overthink ka dyan! Alam mo, girl. Kahit anong pigil mo sa puso mo, kahit hindi ka magpakita sa kanya, o kahit anong iwas ang gawin mo. Kung titibok 'yan para sa kanya, wala kang magagawa. Hindi mo kasalanan mahulog ang loob mo sa kanya dahil binigyan ka niya ng dahilan para maramdaman mo 'yan."

Huminga ng malalim si Luisa at tuluyan tinaboy ang mga alalahanin. Tama ang sinabi ng kaibigan. Walang mangyayari kung mamomroblema siya. Ayaw na rin niyang i-stress ang sarili.

"May suggestion ako, kung okay lang sa'yo," sabi pa nito.

"Sige, ano 'yan?"

"Supress your feelings, hanggang sa linawin n'ya sa'yo kung ano ba talaga ang lagay nila ng babaeng hinihintay niya. One, to be able yourself from hurting so much, Two, to be able to not hurt the other girl."

Marahan siyang tumango. "Thank you. Tama ka. Dahil ayokong matapos agad ang isang magandang bagay na nagparamdam sa akin na masaya at may dahilan akong mabuhay."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon