Chapter 11

87 9 0
                                    

"NAGISING ako kaninang madaling araw dahil nagpunta ako sa CR tapos parang narinig kita na may kausap?"

Bahagyang natigilan si Luisa sa sinabi ni Tere. Pero hindi niya pinahalata na nagulat siya at agad na ngumiti. Nang lumingon kay Nanay Elsa ay nakatingin ito sa kanya.

"May ibang tao kang pinasok dito?" kunot ang noo na tanong nito.

"Wala po, kliyente ko 'yon. Negosyante na pinoy na nasa US, natuwa siya na Pinoy ang VA niya, napasarap kuwentuhan namin kaya ayon kung anu-ano napag-usapan bukod sa trabaho," pagsisinungaling niya.

"Ang akala ko day off mo kahapon?" nagtataka na tanong ni Tere.

"Dapat nga, eh buti nagbukas ako ng email. Nakiusap siya medyo urgent kasi 'yong pinagawa niya, kaya ginawa ko na. Aba sayang din 'yon bayad sa akin. Eh ayoko naman matulog agad pagkatapos ko gawin 'yong pinagawa niya kaya nakipag-kuwentuhan na rin ako," pagsisinungaling niya.

"Ah, ang akala ko may pinapasok ka na iba eh."

"'Nay, sino naman ang papapasukin ko dito ng madaling araw? Una, bukod kay Lydia, wala akong ibang kaibigan dito."

Napansin ni Luisa na pilit ang ngiti nito nang lumingon siya sa ginang. Tumango lang ito at hindi na nagsalita.

"Huwag po kayong mag-alala, wala naman akong gagawin na ikapapahamak n'yo kay Tita."

"Salamat."

Nag-inat si Tere. "Nakakatamad pumasok sa trabaho, antok pa ako," daing nito.

"Naku ikaw nga Teresa tigilan mo 'yan, nakakahawa ka!" saway agad ng ina nito.

Natawa si Tere at umiling. "Seryoso 'yan? Init agad ng ulo!"

Natawa din si Luisa.

"Nga pala, napag-usapan na rin natin ang trabaho, kumusta na ang trabaho mo? Hindi ka ba nahihirapan? Lalo at sa gabi ka gising?"

"Ayos naman po, wala naman po na trabahong madali eh. Lahat nagsisimula sa mahirap pero mas nagagamay ko na ang pasikot-sikot. Kapag may hindi ako alam sa mga pinapagawa sa akin ng mga kliyente, sinasabi ko sa kanila ng maayos. Tapos tinutulungan naman nila ako, pagkatapos ire-research ko. Mas maayos nga po ang tulog ko sa umaga. Bumabawi naman po ako sa pagkain."

"Mabuti naman kung ganoon, mahirap naman na kumikita ka nga pero magkakasakit ka naman."

"Huwag kayong mag-alala, 'Nay. May inorder na akong mga vitamins online," sagot ni Luisa. Nilakipan niya ng ngiti ang kanyang sagot para mabawasan ang pag-aalala nito.

"Teka, maiba tayo. Mayroon ka bang gustong ipabili? Mamamalengke ako, baka may gusto kang iluto o kaya naman ay groceries?"

"Ay sige po, may ilan lang po akong ipapabili nilista ko na. Iyong iba kasi inorder ko na online," sagot niya.

"Kunin mo at nang makapunta na sa bayan."

Nagmadali si Luisa na pumasok sa kuwarto. Natigilan siya nang mapatingin sa kama. Hanggang ngayon ay kay saya pa rin ng kanyang nararamdaman. Binantayan siya ni Levi kaninang madaling araw hanggang sa tuluyan siyang makatulog.

Minsan nga nalilito na siya sa mga kilos at kung paano siya pagtuunan ng atensiyon ni Levi. Luisa knows very well that his heart belongs to someone else. But the way he takes care of her and the way he treated her, she cannot help but hope. Umaasa na sana, isang araw, dumating ito doon na ang dahilan nito ay siya at hindi ang iba.

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon