"KUMUSTA na ang lagay ng mansion?" tanong ni Levi kay Ian.
"Ayos naman, Kuya. Salamat sa mga kasama natin sa bahay at napapangalagaan iyon ng maayos."
"Eh sila Marga at Dexter, nasaan na sila ngayon?"
Bumuntong-hininga si Ian at marahan umiling. "Hindi pa rin sila nahahanap ng mga tauhan ko, Kuya. May mga pulis akong kakilala na tumutulong sa akin. Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sila. Pero ang huling balita namin ay namataan sila sa bandang Calasiao, Pangasinan. Nang balikan namin kinabukasan, nakaalis na agad sila."
Huminga ng malalim si Levi at binalikan ang gabi kung saan kinompronta niya si Marga. "Noong gabi na iyon, nakuha ko ang mga ebidensiya na binigay sa akin ng mga imbestigador na inupahan ko. Nakumpirma ko ang hinala ko noon pa na hindi aksidente ang pagkamatay ni dad at Uncle Luis. They made it look like an accident, pero ang totoo, may sadyang nagputol ng break ng kotse. We even found the original police report. Binigay mismo iyon ng dating pulis na may hawak sa kaso. Nang mabasa ko ang police report, hindi ako nakapagpigil at kinompronta ko si Marga. And then, this happened."
"Kung ganoon, puwede na pala tayong magsampa ng kaso?" tanong ni Ian.
"Ang problema, naiwan lahat ng papeles na iyon sa mansion. Doon sa kuwarto namin ni Luisa, hindi ko na alam kung anong nangyari doon."
"Kapag na-discharge ka na, babalik ako agad sa mansion, ako mismo ang maghahanap. Wala naman sila Mommy doon dahil nagtatago sila kaya mas makakakilos ako ng maayos."
Sa halip na sumagot ay lumingon si Levi sa katabi. "Sigurado ka ba talaga dito sa ginagawa mo? Pamilya mo ang kinakalaban mo, kapag nahuli sila, alam mo ang mangyayari."
Naramdaman niya ang bigat nang huminga ito ng malalim. "Handa na ako sa lahat ng puwedeng mangyari. Ayokong maging gaya nila. Gusto ko na umayos ang buhay ko. Alam ko naman na hindi ako mahal ni mommy at para sa kanya si Dexter lang ang anak niya. Minsan nga naisip ko na nagpapasalamat ako na ganito ako lumaki dahil hindi ako naging sunud-sunuran sa kanya. Pero sa kabilang banda, masakit sa kalooban ko na kailangan ko silang labanan para lang mahinto ang kalokohan nila. Saka ginagawa ko 'to para din naman sa kanila, para makapagbagong buhay na sila."
Mayamaya ay si Levi naman ang bumuntong-hininga. "Nakakatawa na lang. Nagtatago sila. Tapos nagtatago din tayo."
"Oo nga," natatawa din na sagot ni Ian. "Pero kailangan natin gawin 'to dahil tiyak na may mga tauhan si mommy na pinapakilos niya para mahanap si Luisa. Kaya lang naman sila nagtatago dahil takot rin sila, ngayon wala na sa poder nila si Luisa, takot sila na anytime puwede siyang lumabas at magsalita sa mga pulis."
"Kapag nahanap mo ang ebidensiyang nakuha ng private investigator ko, maaari na tayong magsampa ng kaso laban sa kanila, mas lalakas ang laban natin," sabi pa ni Levi.
"Si Luisa lang ang tanging nakakita ng mga pangyayari ng gabing iyon. Iyon din ang dahilan kaya nang magising siya sa coma ay napilitan si mommy na ipaalaga siya kay Nanay Elsa. Ngayon nagbalik na rin ang alaala niya, mas lalong liliit ang mundo nila mommy."
Napalingon si Levi kay Ian nang umakbay pa ito sa kanya at ngumiti pagkatapos ay tinapik pa siya sa balikat. "Kaya huwag ka na muna masyadong mag-isip, Kuya. Ako na ang bahala sa lahat. Ang importante ngayon ay magpalakas ka."
"Salamat. Kahit kailan maaasahan ka talaga. Nga pala, sila Marga at Dexter lang ba ang may alam na patay na ako?"
"Kasama ang iba pang kasambahay sa mansion."
"Eh ang kompanya? Ang alam din ba nila ay patay na ako?"
"Huwag kang mag-alala, Kuya. Naagapan namin ang kompanya. Dalawang araw matapos mangyari ang insidente, pumunta sa kompanya si mommy, claiming your position and announced to everybody that you are already dead. Pero ang hindi niya alam, a day before, together with me and attorney, nagkaroon na ng close door meeting ang mga board members. Nasabi ko na doon pa lang na buhay ka pa pero wala kang malay. Tinulungan ako ni Attorney ipaliwanag sa kanila ang nangyayaring gulo sa pamilya na kagagawan ni mommy kaya naplano na namin ang gagawin. Kaya nang araw na dumating siya sa kompanya, alam na ng board members ang gagawin. Hindi sila pumayag na si mommy o Dexter ang mag-takeover sa posisyon mo. Instead, they unanimously voted for the COO to sit as the OIC of Serrano Groups."
Literal na gumaan ang dibdib ni Levi matapos marinig ang lahat ng iyon. Nang maalala ang kompanya ay labis siya agad nag-aalala. Agad siyang natakot na baka nakuha na iyon ni Marga.
"Ian, I owe you a lot," natutuwang sabi ni Levi.
"Wala 'yon, Kuya," nakangiting sagot ni Ian.
"As soon as I was discharged from this hospital. Call the Attorney, I want to talk to him," utos niya dito.
"Sige, Kuya. Ako ang bahala."
PAGBABA ng sasakyan ay sinalubong sila ng malamig na simoy ng hanging dagat. Napangiti si Luisa nang makita ang kulay asul na tubig na tila crystal na kumikislap dahil sa pagtama ng sikat ng araw.
"This is beautiful," sabi ni Levi nang bumaba ito mula sa kotse.
Agad inalalayan ni Luisa ang asawa. Umakbay sa kanya ito bago sila sabay na naglakad.
"Feel at home, Kuya," sabi pa ni Ian.
Malapit sa tabing dagat nakatayo ang beach house ni Ian. It was a modern style house made with concrete, steel, glass with a touch of wood. Maging ang interior ay moderno ang pagkakadisenyo. Mayroon iyon tatlong kuwarto kasama na ang master's bedroom. Formal kitchen, dining area, living area, private gym, an entertainment room, at ang maid's quarters. Bukod sa bahay na iyon ay wala nang iba pang natatanaw ang mga mata ni Luisa na nakatira doon. Sa sobrang pribado ng lugar na iyon, kinailangan pa nilang dumaan sa gitna ng kakahuyan. This place is literally a hidden gem.
"Ang ganda ng property na 'to, Ian. How did you even find something like this?" manghang tanong ni Luisa habang naglilibot sa kabuuan ng bahay.
"Connections," natatawang sagot nito.
"Nice, hindi ko alam na magaling ka palang maghanap ng mga ganitong properties."
"Well, I have a great mentor," proud na sagot nito sabay lingon kay Levi. "Right, Kuya?"
Napalingon si Luisa sa asawa. "Talaga?"
Nagngitian ang dalawa pagkatapos ay nag-high five. "Noong anim na taon wala ka, binigyan ako ni Kuya ng trabaho sa kompanya. He taught me so much about business. Sa kanya ko rin natutunan kung paano magkaroon ng connections and search for properties like this for investments. Dahil sa kanya kaya nakaipon ako ng sarili kong pera," paliwanag ni Ian.
"Wow, that's great," natutuwang komento ni Luisa.
"I can live here forever," sabi pa ni Levi.
"Kuya, kapag natapos na lahat ng gulo na 'to. If you want, I will sell you this property."
"Uy, gusto ko 'yan. Sige, pag-usapan natin 'yan," bigla ay sumigla ang boses na sagot ni Levi.
"Naku, basta talaga business."
"Anyway, ang mabuti pa, magpahinga na kayong dalawa. Mamaya kung gusto n'yo maglakad-lakad sa labas, malaya kayo dito. May mga tao akong nakabantay sa paligid kaya tiyak na walang ibang tao dito kung hindi tayo lang. Para rin makasigurado tayo, dito na lang sa bahay gagawin ang therapy ni Kuya," sabi pa ni Ian.
"Salamat, Ian. Sobra na 'tong mga ginagawa mo sa amin," nakangiting sagot ni Luisa.
"Kayo lang ang tinuturing kong pamilya, and family helps each other, right?"
"Right," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...