Chapter 24

97 8 0
                                    

          "I AM really sorry, Helena. I promise it won't happen again," buong puso na paghingi ng paumanhin ni Luisa sa regular client niya. Marahan lang itong tumawa at umiling.

"Hey, it's okay! Don't worry about it. People can make mistakes, every day is not a good day for us."

Bumuntong-hininga si Luisa. Kung puwede lang magpalamon sa silya na inuupuan sa mga sandaling iyon ay ginawa na niya. Everything has been so hard and tough for her these past few days. It has been more than two weeks since Levi came and visit her. Iyon ang unang beses na hindi ito nagparamdam sa kanya ng mahabang panahon. Sa umaga, hindi siya makatulog sa paghihintay, nagbabaka-sakali na biglang dumating si Levi. Sa madaling araw naman, matapos ang trabaho ay nagpupunta siya sa bahay nito at doon naghihintay hanggang magliwanag. Ngunit kahit anong paghihintay ni Luisa, walang Levi na dumating. Nabalot ng takot ang dalaga. Maraming pumasok sa isip niya noong una. Paano kung may nangyari nang masama kay Levi? Paano kung bumalik na ang babaeng hinihintay nito at nagkaayos ang dalawa? Paano kung naisip ni Levi na hindi siya mahal nito?

"Thank you so much. You are such an angel."

Muli ay marahan itong tumawa.

"Is there any problem? You can tell me."

Malungkot na ngumiti si Luisa. Pilit na pinipigilan ang sarili na umiyak. Ilang araw na rin na kinakalaban niya ang sariling isip. Pinipigilan na pumasok ang kung ano-anong hindi magagandang bagay na lalong magpapalala ng kanyang nararamdaman.

"Nah, it's okay. I'll be fine. But I will make it up to you next time."

"Don't mind it too much. It's just a minor error, and I already know you. You always do an excellent job, and I already noticed these past few days that you are not okay. And it's okay to be not okay."

"Thank you so much, Helena. It's just that, things are really tough these past few days."

"Why don't you take a rest I'm pretty sure everything will be all right."

Napangiti si Luisa. Isang ngiti na galing sa puso matapos marinig ang simpleng payo nito. Tama ito. Magiging maayos din ang lahat. Kilala niya si Levi, babalik ito. Babalikan siya nito at alam niyang may magandang dahilan ito.

Nang matapos nilang mag-usap ng kanyang kliyente. Nag-out na rin siya sa trabaho. Maaga pa kung tutuusin ngunit mas pinili na lang niya na huminto sa halip na pilitin ang sarili at sa huli ay hind imaging maganda ang kalabasan ng gagawin. Magre-reflect lang ng hindi maganda iyon sa kanyang credentials, sa huli ay baka wala nang kumuha sa kanya.

Matapos i-shutdown ang computer, binagsak ni Luisa ang katawan sa kama at tumitig sa kisame. Doon ay nakikita niya sa isipan ang imahe ni Levi. Punong-puno na siya ng pag-aalala sa nobyo. She badly wants to see him. Gusto niyang malaman kung ano na ang lagay nito. Gusto rin niya sisihin ang sarili kung bakit palaging nawawala sa isip na kunin ang cellphone number nito. Bigla ay natigilan siya nang may mapagtanto. Ngayon lang niya naisip na mula nang magkakilala sila, hindi pa niya nakikita ito kahit isang beses na naglabas ng cellphone. Sa panahon ngayon kung saan masyado nang advance ang technology, bihira na ang walang cellphone.

Pinilig niya ang ulo at tinaboy iyon sa kanyang isipan. Hindi ngayon ang panahon para isipin ang tungkol sa cellphone. Mayroon man o wala, mas mahalaga na malaman niya ang kalagayan nito. Nagdadalawang isip na siyang pumunta sa gubat dahil baka hindi rin ito dumating. Minabuti ni Luisa na ipikit na lang ang mga mata. Mahirap man, pilit niyang ni-relax ang sarili at huwag mag-isip ng kung ano ano.

"Levi is okay. Baka marami lang iyon inaasikaso sa negosyo niya. He will be fine. Trust him, Luisa. Trust him," paulit-ulit na sambit niya sa sarili.

Hindi pa lumilipas ang ilang sandali, muling napadilat si Luisa nang biglang bumukas ang bintana dahil sa malakas na hangin. Pumasok ang hangin sa loob ng kanyang silid kaya nilipad ang mga papel at nagtumbahan ang mga display sa ibabaw ng cabinet. Napatingin siya sa isang pinto ng cabinet na iyon nang nabuksan iyon. Napabuntong-hininga na lang siya at napilitan bumangon. Isasara na lang niya ang bintana nang matigilan matapos mapatingin sa labas. Muli niyang naalala ang lungkot nang mapatingin sa dating tinatayuan ni Levi noong hindi pa sila magkakilala.

Sa mga sandaling iyon ay hindi na napigilan ni Luisa ang sarili at tuluyan napaiyak. Sinarado niya ang bintana at saka nilabas ang lahat ng tinatagong magkahalong lungkot at pag-aalala para sa nobyo.

"Ang daya mo naman eh, hindi mo naman sinabi na matagal kang mawawala. Nasaan ka na ba? Babalikan mo pa ba ako? I miss you so much, Levi. Please bumalik ka na," pagkausap niya sa nobyo sa kanyang isipan.

Muling napatingala si Luisa nang muling mabuksan ang bintana ng malakas ng hangin. Napapikit siya nang maramdaman na tila niyakap siya ng hangin. Ang kanyang takot ay bahagyang napawi. Nang tuluyan mahimasmasan ay saka niya muling sinarado ang bintana. Sa pagitan ng paghikbi at patuloy na pagluha, inayos ni Luisa ang mga papel at display na kinalat ng hangin. Isasarado na lang niya ang pinto ng cabinet nang matigilan siya at bahagyang napakunot noo matapos makuha ang kanyang atensyon ng isang tila papel na nakaipit sa mga libro na naroon.

Curiosity hits her. Hinila ni Luisa iyon at tumambad sa kanya ang isang lumang larawan. Muli siyang napakunot-noo. Sa pagkakataon na iyon ay halos magbuhol ang mga kilay niya nang makita kung sino ang naroon sa larawan. Walang iba kung hindi siya kasama ang dalawang matandang lalaki at si Nanay Elsa at Tere.

"Sino 'tong mga 'to?" nagtataka na tanong niya.

Hinalughog ni Luisa ang kanyang isipan pero kahit anong isip ay wala siyang matandaan na kinuhanan ang larawan na iyon. Hanggang sa mapako ang kanyang mga mata sa matandang lalaki na nasa kaliwa niya. Nakaakbay ito sa kanya at higit sa lahat ay kamukhang-kamukha niya ito.

"Sino 'to? Ba—"

Hindi naituloy ni Luisa ang sasabihin nang biglang sumakit ng husto ang

kanyang ulo. Nabitiwan niya ang larawan at halos masabunutan ang sarili.

"Ah!" malakas na sigaw niya.

Halos iuntog ni Luisa ang ulo sa sahig dahil sa sobrang sakit niyon. Hanggang sa isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga eksenang tila hinugot mula sa kanyang nakaraan na mahigit isang taon nang sarado.

"Luisa, anak! May magandang balita ako sa'yo! May bago na akong trabaho!"

"Talaga po 'Tay! Saan po?" namimilog ang mga mata na tanong ni Luisa sa ama.

"Kay Don Ernesto, iyong mayaman ko na kumpare!"

"Malaki po ang suweldo?"

"Ay, oo! Ito pa ang magandang balita, anak. Pinapalipat tayo doon sa mansiyon nila, doon na daw tayo tumira para hindi na tayo mangupahan at pag-aaralin ka daw hanggang Kolehiyo!" excited na balita ng ama.

Napatalon at tumili ng malakas si Luisa sa magandang balita na hinatid ng ama. Masayang-masaya na yumakap siya sa ama.

Umagos ng husto ang mga luha ni Luisa matapos tuluyan bumalik sa kanyang

isipan ang nakaraan. Muli niyang kinuha ang larawan at tinitigan ang ama.

"'Tay... 'Tay... naalala na kita."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon