Chapter 25

131 10 2
                                    

          MATAPOS ang nangyaring insidente noong isang araw. Hindi na natahimik pa si Luisa. Pansamantala ay napunta doon ang kanyang isipan. Sa halip na sabihin sa Nanay-nanayan ang pagbalik ng isang bahagi ng alaala. Minabuti niya na manahimik na muna at pag-isipan ang lahat. Hoping she will remember another even a tiny bit of memory from her past. Tungkol naman kay Levi, dismayado at lungkot pa rin ang kanyang nararamdaman. As days passes by, Luisa started to feel that the chance to see Levi again is getting slimmer. Para bang pilit silang pinaglalayo ng tadhana.

Dali sa samu't saring problema ang kanyang naiisip. Hindi naiwasan ni Luisa na sakita ng ulo. Nang araw na iyon ay sinadya niyang hindi muna magtrabaho. Alas-dose na ng hatinggabi. Nakahiga siya sa kama at nakapikit, ngunit ang diwa naman niya ay gising na gising habang pilit na kinakalma ang sarili.

Hanggang sa mapadilat si Luisa nang biglang kumulog ng malakas. Bigla siyang napabalikwas ng bangon matapos biglang pumasok sa kanyang isipan si Levi. Kasunod niyon ay agad naalala ang palagi nitong sinasabi.

"When the rain pours, I will come to you."

Nabuhayan ng loob si Luisa nang marinig ang pagbuhos ng malakas na ulan. Agad siyang bumaba ng kama at lumapit sa bintana. Pagbukas niyon at pagsilip sa labas. Mabilis na nabasa ng luha ang kanyang mga mata nang sa wakas ay makita ang pamilyar na lalaki na nakatayo sa tapat ng bahay nila. Walang pagdadalawang isip na tumakbo pababa ng bahay si Luisa. Hindi alintana ang ulan, walang pakialam na tuluyan siyang lumabas at nagpakabasa.

Seventeen days. It is just seventeen days that they did not see each other, but for her, it seems like a lifetime. Ang inakala ni Luisa na hindi na mangyayari pa, ngayon ay narito na sa kanyang harapan.

"Levi..." she whispered.

"Hi, Luisa," nakangiting bati nito.

Doon sa eksaktong lugar at oras gaya nang una silang nagkakilala. Muli ay

nasilayan ni Luisa ang mukha ng lalaking inakala niyang hindi na makikita pa. Hindi na pinigilan pa ang sarili at halos lumundag palapit kay Levi. Home. That is what it feels like when, finally, she felt him locked inside his arms. Nang tumingin sila sa isa't isa, agad naglapat ang kanilang mga labi.

"Doon tayo sa loob, baka may makakita pa sa atin dito," sabi pa ni Levi.

Magkahawak ang kamay na umakyat sila pabalik ng bahay. Nang maisara ang pinto ay muling naglapat ng matagal ang kanilang mga labi. Hanggang sa kapwa nila ginalaw ang mga labi at nagsalo sa mas mainit na halik.

"You scared me, I thought you're not coming back," paanas na sa sabi ni Luisa sa pagitan ng mga halik.

Huminto si Levi at sinalubong ang kanyang mga mata. Pagkatapos ay marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi.

"I'm sorry for worrying you. Hindi ko inaasahan na magtatagal ang problema na kailangan ko na ayusin."

"You should've called me. Wala ka bang phone?" sagot niya.

"Sa ngayon wala akong phone."

Hinawakan ni Luisa ang magkabila nitong pisngi.

"Next time, please, don't scared me like that again. Ang buong akala ko bumalik ka na sa kanya."

Marahan itong tumawa. "Wala akong ibang babalikan kung hindi ikaw."

Pinagdikit nila ang noo at ngumiti sa isa't isa.

"You missed me?" malambing na tanong ni Levi.

"Very much," sagot ni Luisa.

"I missed you too."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon