"GUSTO kong tumayo at maglakad," sabi ni Levi.
"Kaya mo na ba?" nag-aalalang tanong ni Luisa.
"Kaya ko," determinadong sagot nito.
Dahil sa isang taon pagkaka-coma ay hindi naiwasan na nanginig ang mga binti ni Levi nang subukan nitong ibaba ang mga paa sa kama. Inalalayan ito ni Luisa. Kahit nahihirapan dahil sa nanlalambot at nanginginig na mga tuhod ay nilabanan iyon ni Levi at pilit na naglakad mula sa kama hanggang doon sa sofa kung saan naroon ang bintana. Ilang hakbang lamang iyon pero parang napakalayo na ng kanilang nilakad. Humihingal at nahahapo na naupo si Levi sa sofa.
"Okay ka lang?" tanong pa niya.
"Yes, I'm okay. I have to be. Paano kita mapoprotektahan laban sa mag-ina na 'yon kung hindi ko magagawa ang simpleng paglalakad," nangingilid ang luha sa mga mata na sagot nito. Natigilan si Luisa matapos marinig ang sinabi ng asawa.
"Levi..."
Doon bigla itong naging emosyonal at bumuhos ang luha nito. Matapos i-kuwento ni Ian ang mga nangyari sa kanya matapos mawalan ng malay ni Levi ay napansin na ni Luisa ang pananahimik nito. Sinabi ni Ian lahat kay Levi. Mula nang ma-comatose siya at magising nang walang naalala. Hanggang sa kung paano siya nabuhay nang makalabas sa ospital.
"I'm sorry. I'm so sorry I wasn't there. Wala akong nagawa noong kailangan mo ako. Ako na nangako kay Uncle Luis na poprotektahan ka. Patawarin mo ako kung naging mahina ako."
Hindi napigilan ni Luisa ang maluha rin. Nilakipan niya ng ngiti ang lungkot na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Dahil gaya ni Levi, ganoon din ang kanyang nararamdaman.
"Why are you sorry? It's not even your fault. Pero may kasalanan din ako sa'yo,
dahil nabura ka sa alaala ko. Patawarin mo ako kung nakalimutan kita ng isang taon. Patawarin mo ako dahil nahuli ako ng dating."
"It's not your fault either," sagot nito.
"Pero hindi totoo na wala kang ginawa para protektahan ako. Noong mga panahon na wala pa akong maalala, you were there. I saw you," emosyonal na wika ni Luisa.
"Hindi ko maintindihan, paano nangyari 'yon?"
Huminga ng malalim si Luisa. Hinanda ang sarili sa mga susunod niyang sasabihin. Hinanda niya ang sarili kung sakaling hindi maniwala si Levi.
"Hindi ko alam kung maniniwala ka, pero, nahanap mo ako. Dumating ka doon sa Santa Catalina kung saan ako tinago ni Marga. I saw your spirit, watching over me. Sa tuwing bumubuhos ang ulan sa hatinggabi, dumarating ka. Nasa labas ka ng bahay, sa gitna ng ulan palagi ka lang nakatayo doon at binabantayan ako. Hindi ko alam kung paano nangyari pero nakita kita. Nakausap kita. Pinatuloy kita sa bahay. At kahit hindi kita maalala ng mga sandaling iyon. I fell in love with you for the second time. My mind may have forgotten, but my heart remembers."
Hindi makapaniwala si Levi sa kanyang mga kinuwento. Tila napaisip ito ng malalim.
"Totoo ba 'yang sinasabi mo? Hindi ba 'yon isang panaginip lang?" mangha na tanong nito.
"Alam ko na mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo."
"Noong wala akong malay, nanaginip ako. Nakita kita. Doon sa bahay sa Santa Catalina. Gabi at malakas ang ulan. Nakatayo ako sa harap ng bahay habang ikaw ay nakasilip ka sa bintana at nakatingin lang sa akin," sabi ni Levi.
Biglang naalala ni Luisa ang sinabi ni Mang Temyong noon na kapag nagising si Levi ay magmimistulang panaginip para dito ang mga sandaling pinagsamahan nila noong kaluluwa pa lang ito. Samantala, pilit naman inaalala ni Levi ang mga nakita nito sa panaginip noong comatose pa ito.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...