"WALA ka pang masyadong kinukwento sa akin tungkol sa'yo," sabi ni Luisa habang sabay silang kumakain.
"You're not asking," pabirong sagot ni Levi.
Bahagyang natawa ang dalaga. "Ganoon ba 'yon? Kailangan muna magtanong?"
"Naman, baka mamaya kasi magkuwento ako tungkol sa akin tapos sabihan mo 'ko, tinatanong ko ba?"
"Grabe, ang layo naman ng narating ng isip mo!"
Natawa rin si Levi. Habang nakatingin sa binata at pinagmamasdan itong tumawa, may kakaibang saya siyang naaramdaman. The sound of his laugh it's like music to her ears. The way his eyes are almost closed because of laughing so hard. His face lightens up as he smiles. Until her heart skipped when Levi suddenly looks at her. She cleared her throat and smiled before looking away.
"Sige na nga, magtatanong na ako."
"What's your real name?"
"Levi Serrano."
Bahagyang napakunot-noo si Luisa.
"Serrano," she repeated and whispered.
Bakit tila pamilyar ang apelyido na 'yon? Wala naman siyang maalala na may kaibigan o kakilala na ganoon ang apelyido.
"Ilang taon ka na?"
"Thirty."
"Hmm... you're three years older than me. Should I call you Kuya?"
Humagalpak na naman ito ng tawa at napapailing.
"Hoy, anong nakakatawa doon?" maang niyang tanong.
"Wala... wala... I just find it funny. May naalala lang ako."
Pabiro siyang sumimangot at inirapan ito, saka umarte na kunwari ay nagtatampo siya.
"Kainis, tinatawanan ako? Huwag na nga, ayoko na!"
"Hey, joke lang!"
Nagulat na lang si Luisa nang bigla itong lumapit at mula sa likod ay niyakap siya nito sa leeg.
"Nagbibiro lang ako, masyado ka talagang matampuhin," paglalambing nito.
Natigilan siya sa ginawa nito. Nang bahagyang makabawi ay saka siya tumingala. Nang magtama ang kanilang tingin, tila doon lang natauhan si Levi at napagtanto ang ginawa. Para itong napaso at agad lumayo.
"I... I'm... I'm sorry. I... ah... ang akala ko ka—"
"Okay lang, ano ka ba?" sa halip ay sagot niya.
Nilakipan niya ng ngiti ang kanyang sinabi para hindi makahalata si Levi na parang sasabog na ang dibdib niya sa lakas at bilis ng kabog niyon. Agad bumalik sa puwesto si Levi na namumula ang mukha at hindi makatingin sa kanya ng deretso.
"Ginagawa mo ba 'yon sa kanya?" mayamaya ay tanong ni Luisa.
Natigilan ito at umangat ang tingin sa kanya.
"It's okay. You can answer, it's not that we are in a relationship or something. Nagku-question and answer lang naman tayo," nakangiting sabi niya.
Tumikhim ito na para bang kinondisyon ang sarili, pagkatapos ay saka tumango ng marahan.
"Yeah, nilalambing ko siya kapag alam ko na nagtatampo siya."
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
FantasyThere is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag. Isang panagin...