PAGSISISI NI VINCENT

386 36 6
                                    

PAGSISISI NI VINCENT

➿➿➿➿➿➿➿

"Namatay ang husband ng half-brother kong si Alexis. Paniguradong nagluluksa ngayon ang kapatid ko."

Malungkot ang tinig na saad ni Krystal. Pero alam ko at kitang-kita ng mga mata ko sa kung paano nagniningning ang mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko ay parang pinaglalaroan ako ng tadhana ng dahil sa masamang nagawa ko. Iniwan ko si Alexis para sa kapatid nito at ngayon naman ay sisingsisi ako sa pagkawala nito.

Yes. Pagsisisi ang nadarama ko sa tuwing naaalala ko ang matatamis na ala-alang pinagsaluhan namin ng gher na minsan rin ay naging pag-aari ko. Bakit ko ba nagawang saktan at iwan noon si Alexis? Hindi ko matandaan. Bakit ko nga ba pinakawalan ang isang magandang nilalang at ipinagpalit ko ito sa isang babaeng maitim ang budhi? Hindi ko rin malaman ang kasagotan. Alam ko ay basta nalang ito nangyari.

Tama ulit. Maitim ang budhi ni Krystal at ngayon ay hindi na niya ito itinatago sa harapan ko. Nang dahil sa pangyayari noon sa hospital at sa pagpapanggap nitong buntis ay naging matibay ang pagnanais ko at ng pamilya ko putulin ang kasal na nag-uugnay sa aming dalawa. Nagawa ring masira ng kasinungalingan na iyon ang pagsasamahan ng dalawang pamilya. Sa ngayon ay pakiramdam ko para bang pinagtatawanan ako ng mga taong nakakakilala at nakababatid sa sitwasyon ko. Sinasabi rin ng ilan na iniwanan ko ang isang ginto para ipagpalit sa isang tanso. At marahil ay totoo nga ang lahat ng ito.

"Shut up Krystal." Sabi ko sa walang ganang paraan rason na ikinairita nito.

"Vincent. Alam kong galit ka sa akin ng dahil sa pagsisinungaling ko. Pero mahal lang talaga kita kaya nagawa ko 'yon. Ikaw naman kasi e, nagsasama na nga tayo panay Alexis parin ang nasa isip mo. Siyempre maiinis ako. Kung nagawa mo na siyang iwanan sa araw ng kasal ninyo. Bakit hindi mo tuluyang tanggalin sa utak mo ang gher brother ko? Akala mo ba ay hindi ko napapansin 'yon? Ramdam na ramdam ko 'yon Vincent." May paglalabi niyang sabi dahilan na ikinailing ko at nagpakawala ng buntong-hininga.

Hiwalay na kami ni Krystal pero hanggang ngayon parin ay hindi parin ako nito pinakakawalan. She is very clingy. Krystal always clings with me whenever she got the chance na siyang kinaiinis ko. Hiwalay na kami at niloko ns niya ako for pete's sake! Hindi man lang ba niya naisip ito?

Pero paano nga ba ako napamahal sa isang babaeng tulad niya in the first place? Sa ngayon ay hindi ko maunawaan ang katotohanang ito.

Muling sinisiyasat ko ang aking memorya sa kung saan nagsimula ang kawalan ko ng interes sa relationship namin noon ni Alexis.

Maybe dahil kay Momma? Sa pagkairita nito sa pagiging anak sa labas ng pakakasalan ko? Or kay Allen na pinsan ko na hindi itinatago ang inis kay Alexis ng dahil sa kasarian nito? O, maybe dahil sa mga kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi ang maliitin ang pagiging illegitimate child ng ex-fiance ko? Ito nga ba ang mga dahilan sa kung bakit unti-unting nakalimotan ko ang pagmamahal ko sa gher fiance ko?

"Sa totoo lang Krystal. Bakit nga ba galit na galit ka sa kapatid mo?"

Nagpalabi muli ito bago tumugon.
"Maybe dahil inagaw ni Alexis ang kung anong akin?"

Hindi ko mapigilan ang mapapikit nang mariin. Bakit ngayon ko lang napagtanto kung gaano kasama si Krystal. Bakit ngayon ko lang nakilala sa kung sino ang babaeng pinakasalan ko.

"Krystal. Ako na ang nakikiusap sa'yo. Pakiusap, tigilan mo na ang kapatid mo." Seryoso at walang emosyon na tugon ko sa kaniya bago mabilis na kinuha ang phone sa tabi ko at nagdial dito.

"Oh come on Vincent. Tatawagan mo na naman ba ang sekretarya mo para palabasin ako sa office mo? Marahil ay sinisisi mo ako ngayon sa pagkasira ng relationship ninyo ng kapatid kong si Alexis. Vincent--Vincent. Huwag ako. Alam mong kasalanan mo ang lahat ng iyon, kaya anong kinagagalit mo? Hindi kita pinilit na mapasaakin ni iwanan ang kapatid ko. Hindi ba't ikaw rin ang paulit-paulit na nagsabing ako na ang mahal mo at hindi na si Alexis? Kung kaya't bakit hindi mo subukan ang bumalik sa akin at pagsamahan nating pagsaluhan ang Karma. Mahal parin kita Vincent. Ako parin naman ito diba? Ang tala ng buhay mo?"

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now