TONTAWAN'S MOVE 44

721 45 10
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 44

A/N: Walang internet! Kaya now lang naka-update. So, enjoy reading.

             

            ➿➿➿➿➿➿➿➿➿

Isang buwan ang lumipas pagkatapos ng matinding tension na naranasan ni Alexis. Nakulong si Krystal ng Tatlong Linggo at dahil narin sa pakiusap ng Lolo Alfonso niya ay minabuting i-atras ni Alexis ang mga iniisip niyang paghihigante sa half-sister niya.

(Note: hindi ako abogado kaya please huwag Sana akong makabasa ng kung anong komento rito about sa Part na ito)

At sa malaking pagtataka at pagkatuwa narin ay kitang-kita niya ang tunay na pananahimik nga ng babae. Hindi siya nito kinausap or ginulo man lang ng makalabas ito, para bang nanahimik bigla ang kaniyang mundo.

Pero---

Ang inaakalang katahimikan na nararanasan ni Alexis ay nagbago ng bumungad sa kaniyang harapan ang isang magandang dilag na nagngangalang Tu Tontawan. Ang minsan rin niyang naging karibal kay Andrus; Ang ex-fiance nito.

Umaga palang ay tumawag na sa kanila ang Ina ni Andrus para magtungo sa Mansion ng Saavedra. Ninanais daw kasi ni Mrs. Veronica ang makausap ang anak para narin sa nalalapit na kaarawan ng munting Ger ng Saavedra Family at sa kaunting pagsalo-salo narin. Dahil dito ay natatarantang kinausap ni Alexis ang asawang si Andrus sa kung anong magandang bagay ang madadala niya para sa Ina nito bagay na ikinatawa ng lalake.

"Wife, hindi mo kailangan ang mataranta kay Momma. Hindi gusto ng aking Ina ang mga mamahaling bagay or anoman. Ang mahalaga sa kaniya ang dumating tayo ayon sa pakiusap niya."

"Pero..."

"Pero kung ikagagaan ng loob mo ang magbigay ng gift kay Momma. Ako na mismo ang mag-iisip ng dadalhin natin para doon. Huwag ka ng mag-aalala pa, kinakailangan mo lang ihanda ang sarili mo dahil paniguradong mapapasubo ka ng kain sa Mansion. Gustong-gusto ng aking Ina ang pagluluto bagay na magkakasundo kayo." Napupuno ng paglalambing na tugon ni Andrus dahilan upang mag-iwas ng paningin at namumula ang mukha ng kaawa-awang si Alexis. Binubully na naman siya ng husband niya!

Sinasabi ba nitong masubo siya sa pagkain or...

"Teka-- sinasabi mo bang masiba akong kumain or dahil marunong akong magluto kaya magugustuhan ako ng Ina mo?"

Mataginting na pagtawa ang pinakawalan ni Andrus bago mabilis na humalik sa pisnge nito bagay na lalong ikinainis ni Alexis.
"Puweding both?"

Both? Anong both?! Fck. Sinasabi ba ni Andrus na ang isang Ger na tulad niya ay masiba kumain?

Walang sinoman ang matutuwa kapag sinabihan kang masiba ka sa pagkain!
"You--- Sinong masiba sa pagkain? Ano'ng both? Hoy ayos-ayosin mo ang buhay mo Andrus..."

Ngunit, bago pa man matapos ang sinasabi niya. Mabilis niyang nahagip ang mga mata nitong nakatitig sa dibdib niya, nang may malagkit na mga mata.

"We're you looking at?"

"Sa dibdib mo? Puwedi ko bang masubo ito ngayon... parang iniimbita kasi ako nito..." Sabay na kurot nito sa dibdib ni Alexis na siyang ikinagulat niya ng husto.

"Haha, tignan mo umaalog pa oh? Ibig bang sabihin nito ay tumatango siya sa sinabi ko? Gustong-gusto rin nitong masubo ko?"

What the heck?

Oh gaw! Oh gawd! Sa sobrang lagkit ng pagkakatitig ni Andrus sa kaniyang dibdib pakiramdam ni Alexis ay mabilis na namula sa kahihiyan ang buong mukha niya.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now