45

841 50 7
                                    

The Possessive Husband

➿➿➿➿➿➿➿➿


Makahulugan ang ngiting mababanaag sa magandang mukha ni Mrs. Veronica Saavedra, habang pinag-aaralan ang sitwasyon na nasa kaniyang harapan. Marahil ay iisipin ng ibang sinisira niya ang relasyon ng sariling anak at ng Ger wife nito, dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa magandang dilag na si Tontawan. Subalit ito ang malaking pagkakamali sa isipan ng lahat. Bilang Ina ni Andrus at asawa ng isang Saavedra ay kinakailangan nitong masigurado sa kung paano magagawang panghawakan ni Alexis ang posisyon nito bilang asawa ni Andrus. At ito na rin ang tamang panahon upang masubok ang katatagan ng Ger.

Kagaya ng nalalaman ng karamihan patungkol Saavedra. Hindi madaling mamuhay o panghawakan ang maging parte kabiyak ng isang Saavedra, lalong-lalo na at maraming mga matang nakatutok sa posisyon na ito. Kung kaya ngayon palang ay kinakailangan ng mapatunayan ni Alexis sa kung gaano katibay ang puso't-isipan ng nito lalo pa't isang Saavedra ang kaniyang napakasalan.



At ngayon ang oras at tamang pagkakataon upang masubukan ni Mrs. Saavedra ang katatagan ni Alexis bilang kabiyak ni Andrus. Hindi lang si Miss Tontawan, William Jillian, at iba pa maaaring darating sa buhay ng mag-asawa. Naroroon din ang usapang Third Branch at Second Branch ng Saavedra Family na may posibilidad na humadlang lalo pa't nagmula sa isang hamak at maliit na pamilya ang Ger. Isama mo na sa listahan ng mga kadahilanan ang maliit na background na taglay nito.

"Andrus, sigi na, tikman mo itong niluto ko at sabihin mo sa akin kung nagustuhan mo pa rin ang timpla ng mga ito gaya nung dati. Marahil ay hindi mo alam ito pero namiss ko ang ipagluto ka Andrus. Parang dati-rati lang ay araw-araw kitang pinagluluto noon 'diba? Tandang-tanda ko pa na paboritong-paborito mo ang  especial Chicken curry na gawa ni Tita Veron noon kaya laking pasasalamat ko nung naituro sa akin iyon ni Tita." Aniya nng dalaga at may matamis ang ngiting habang masuyong pinapakatitigan ang guwapong mukha ng lalakeng ninanais.



Ngunit sa kabila ng mga naiibang pagpapahiwatig at kilos na pinapakita ng dalaga ay nanatiling tahimik at wala ni katiting na pagbabago sa expression ng mukha ni Andrus. Bagkus ay nanatiling nakatuon ang atensyon nito sa mukha ng katabi nitong kabiyak. At tila ba ay aliw na aliw pa ito sa maganda at maamong mukha ng nasabing kabiyak bagay na lubos na ikinairita ng dalaga.


"Andrus gusto mo bang..."





Hindi pa natatapos ng dalaga ang sasabihin ay mabilis na napalitan ng pagtataka ang magandang mukha nito nang mapansin na kinuha ni Alexis ang pagkain na isinangkutsa kapagkuwan ay nakangiting bumaling sa babae at nagsabing,


"Thank you, Miss Tontawan. Mukhang nalalaman mo ang mga paborito kong kainin."



"Hindi 'yan para sa'yo."ani ng babae na may pagpipigil sa tinig nito.

.

.

.

.

Katahimikan...


Pansamatalang nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Ang lahat ay napatuon ang atensyon sa nakangiting Ger bago marahang bumaling sa hindi maguhit na mukha ng dalagang si Tontawan. Pigil ang ngiting nagnanais sumibol sa mukha ni Butler Wu dahil sa nakikitang pagseselos ng Young Madam nila, maging ang mag-asawang Saavedra ay nabahiran ng interesanting kislap sa kanilang mga mata habang nagmamasid sa sitwasyon na nasa harapan nila. Ngayon palang nila naranasan ang ganitong kakaibang pananghalian.

Ito ang nararapat na kilos ng isang madam ng Saavedra. Ang ipaglaban ang karapatan niya.

"So, everyone, magsimula na tayong kumain." Nakangiti at kapansin-pansin ang hindi maitagong satisfaction sa mga mata mata na ani ni Mrs. Saavedra bago matamang inilahad ang kalapit na putahe sa tahimik na asawa nitong si Mr. Ambrose Saavedra na sinuklian naman nito ng marahang pagtango sa kabiyak.



The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now