THE POSSESSIVE HUSBAND
PAGPAPATULOY...
🏵️Alexis Mendes Saavedra~🏵️Tahimik.
Napakatahimik ng paligid. Hanggang ngayon ay hindi parin mawaksi sa aking isipan ang pangyayari kanina. Hanggang ngayon ay napakabilis parin ng pagtibok nitong aking dibdib. Ito ang kauna-unahang nasaksihan ko ang pagpatay ni Andrus sa mismong harapan ko. Hindi ko mawari sa kung ano bang nararamdaman ko sa ngayon. Takot? Pag-aalala? Or maybe pag-aalinlangan? Kung tatanongin ako kung may takot ba akong nadarama para sa husband ko. Mayroong kaunting takot, Oo. Pero hindi sa dahilan na maaaring isipin ng mga nasa sitwasyon ko. Natatakot ako sa isiping ganito ang buhay na kinasusuongan ng lalakeng mahal ko. Ganito ba ang buhay na palagi niyang nararanasan? Ang pakiramdam na parating nasa bingit ng kamatayan ng dahil sa mga taong nagnanais na pabagsakin ito? Marahil ay ito na ang katotohanan na ninanais ipahiwatig sa akin ng Ina ni Andrus. Kung paano ko mapatunayan ang katatagan ko bilang asawa ng anak nito o marahil ay kung paano ako mananatili sa tabi ni Andrus.
Nadirinig ko ang marahang pag-uusap ni Andrus at ng maaring isa sa mga kaibigan nito sa Cellphone habang tahimik naman na nagmamaneho ng sasakyan si Sebastian.
"Do it. Gusto kong matapos ito ngayong araw George."
....
"Salamat."
Pagkatapos ng sinabing ito ay mabilis na pinutol nito ang tawag habang ako naman ay nanatiling nakatitig sa labas ng sasakyan.
Walang may isa sa amin ang muling nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa Mansion ay nanatiling walang pag-uusap ang namamagitan sa amin ni Andrus. Nababatid kong may sariling iniisip rin ang husband ko base narin sa pananahimik nito.Pagod na pagod ako. Hindi lang ang katawan ko kundi pagod narin ang utak ko. Wala sa loob na mabilis kong tinahak ang aming silid sa pagnanais na makatulog at kalimotan ang lahat. Ngunit bago pa man ako makalayo ay isang mabilis na paghatak sa aking katawan ang marahas na gumulat sa akin saka rumehestro sa aking paningin ang nag-aalalang mukha ni Andrus.
"Alexis. Please, mag-usap tayo."
Kitang-kita ko sa kung paano magpabago-bago ang expression ng mukha bago binalot ng takot. Damang-dama ko rin ang panginginig ng mga kamay nitong nakahawak sa aking baywang sanhi upang mabilis na manumbalik ako sa kasalukuyan.
"Andrus... gusto ko muna ang magpahinga." Marahan kong tugon sa kaniya bago nag-iwas ng paningin. Totoong ninanais kong magpahinga at magtago sa lahat. Pero nang makita ko ang takot at pagkabahala sa mga mata nito, muling nanumbalik ang mabigat na emosyon sa dibdib ko.
"Alexis please... mag-usap muna tayo. Pagkatapos nito ay magpapahinga kana. Alam kong napagod ka sa araw na ito pero hindi ako papayag na matatapos ang araw na ito nang hindi pa natin napag-uusapan ang nangyari kanina."
Gusto kong sabihin na ayokong mapag-usapan pero nang makita ko ang pagmamakaawa sa mga mata at tinig ni Andrus. Wala sa loob na napatango ako na siyang mabilis naman nitong binuhat ang katawan ko at magtungo sa aming silid.
"Teka--"
"Shhhh... Lexie."
Dahan-dahan niya akong ilapag sa kama saka mataman na pinakatitigan. Ilang sandali rin ang lumipas bago magsalita si Andrus.
"Lexie...Na-natatakot ka ba sa akin?"
Huh?
Sa tanong na ito ay para bang may maliit na bagay ang tumunog sa kailalimang bahagi ng utak ko. At pakiramdam ko ay parang may napakabigat na bagay ang mabilis na bumalot sa aking puso, hindi ako makahinga.
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
Fiksi PenggemarTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...