10.1

1.4K 71 18
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND CHAPTER 10.1

➿➿➿➿➿➿

SOMEONE'S POV

"Such an oscar worthy performance" walang emosyon sa mukhang turan ni Andrus sa harapan mismo ng Mag-Amang Krystal at Robert Mendes. Sa mga palabas sa Television na kaniyang (Andrus )minsan ay napanood. Ito ang kauna-unahang may umagaw sa kaniyang atensyon.

Kahanga-hanga naman talaga ang mag-ama. A perfectly pair of bad apples, they were truly father and daughter.
At dahil hindi na matiis ni Andrus ang panoorin ang pag-arte ng dalawa. Minabuti nitong talikoran ang mga ito at walang alinlangan na umismid, kapagkuwan ay tumawa ng pagak.

Nagtataka namang napatitig sa kanya (Andrus) ang tatlong binatang kaibigan nito. Sa isipan ng tatlo ay naglalaro ang isang malaking katanongan. Si Andrus pa rin ba ang lalaking nasa harapan nila o isang impostor na?
Kahit si Alexis ay nagtataka naring napatuon ang atensyon sa direksyon ng fiance. Matamis lang na ngiti ang isinukli ni Andrus sa gher na tila nagsasabing 'Ako ang bahala sa'yo' bago marahang bumaling sa Mendes family.

'Binabalak ninyong sirain ang wife ko? Kung gayon ay tanggapin ninyo ang magagawa ko.'

"Mr. Saavedra? Pinagtatawanan mo ba kami?" Napupuno ng hindi pagkapaniwalang tanong ni Robert Mendes sa gawing pinapakita ngayon ng binatang tinaguriang Cold blooded prince ng Saavedra. Kung tunay mong siyang tatanongin. Talagang nababalot ng pagtataka at pagkagulat ang puso ni Robert Mendes dahil taliwas ang pagkakakilanlan nito sa taong ngayon ay kaharap na niya. Ayon kasi sa mga balitang kaniyang nakalap patungkol sa Young Master ng Saavedra Empire, tunay ngang katakot-takot at walang puso ang nilalang na nasa harapan niya ngunit bakit tila ba hindi ito ang nakikita ngayon ng kaniyang mga mata? Nagkamali ba ang mga taong inutusan niya upang mangalap ng impormasyon patungkol sa fiance ng bastardong si Alexis?

Ito rin ang nag-uumapaw na katanongan sa mga isipan ng ilang saksi na naroroon. Sa kanilang mga mata ay hindi nila mahagilap ang katakot-takot na mukha ng isang Andrus Saavedra bagkus ay nasilayan ng kanilang mga mata ang maingat na pag-aaruga nito sa gher na si Alexis Mendes at sa kung paano ito kumilos sa harapan ng nasabing fiance.

Subalit, lingid sa kaalaman ng karamihan. Kung gaano katahimik si Andrus at kung gaano kalapad ang ngiting masisilayan mo sa guwapong mukha nito. Ganoon rin kalalim ang galit na nagbabadyang kumawala sa katawan nito. Kung paano mo masisilayan ang nagniningning at nagniningas sa pagkatuwa ang mga mata nito ay ganoon din kalalim ang panganib na nanunuot sa kaibutuuran ng puso nito. At sa nakikita ngayon ng mga taong higit na nakakikilala kay Andrus Saavedra. Tunay ngang masasabi ng mga ito na lubhang mapanganib na ngayon ang dragon na nasa harapan nila. Sa mga oras na iyon ay lubos ng inihanda ng mga taohan ni Andrus ang mga Sarili nito at animo'y nakahanda ng sumuong sa giyera na maaring kaharapin ng mga ito. Isang nakalulukong ngiti naman ang sumilay sa labi ng dalawang binatang nagngangalang Edward Montenegro at Enzo Amore bago walang emosyon na siniko ang dalawa ng katabing binatang nagngangalang naman na George Amore. Ang tatlong binatang ito ang higit na nakababatid sa kung gaano na ngayon ang galit na bumabalot sa katawan ng kaibigan na si Andrus Saavedra.

"Alam kong nakahihigit sa aming Pamilya ang inyong pamilyang Saavedra. Ngunit hindi naman nararapat na pagtatawanan mo nalang ng ganito ang pamilyang pinagmulan ng gher na pakakasalan mo! Tandaan mo, Mendes ang apelyedong taglay-taglay ng male conceiver na fiance mo!"

Isang malalim na pagbuntong-hininga ang pinakawalan ni Andrus bago muling sumibol ang ngayon ay nakalulukong ngiti sa labi nito at tumugon,
"Mr. Mendes. Ano ba ang pagkakamali kong nagawa? Ang nagawa ko lamang ay purihin ka at ang anak mong si Mrs. Krystal Logan sa angking taglay ninyong galing sa pag-arte. Ngunit, kinukunsidera ninyo pala itong isang uri ng pangungutya at pangmamaliit ko sa angkan ng Mendes?"

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now