Consequences 2 (42.3)

890 54 25
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND

Hello, I'm back!!

         

➿➿➿➿➿➿➿

Mababanaag ang mabigat at matinding tension sa loob ng hospital. Walang may nais na magpatalo o sumuko. Mata sa mata. Mga matang parehong nagbabaga ang ngayon ay nakatitig sa isa't-isa. Panggigil ang makikita sa mukha ni Mr. Mendes habang matinding kahihiyan at pagkabahala naman ang mababanaag sa mukha ni Mrs. Mendes. Tanging si Andrus at Alexis ang hindi makitaan ng pagbabago sa kanilang expression maliban sa tahimik na si Allen Logan na ngayon ay nakatitig sa bintana ng hospital.

"May lakas ng loob ka dahil sa kapangyarihan ng asawa mo? Tignan natin kung saan aabot ang katapangan mong bastardong animal ka!"

Sa sinabing ito ni Mr. Mendes, mabilis na nabalot ng tila itim na aura ang mukha ni Andrus kasabay ng taohan nitong si Sebastian, maging si Vincent ay nakitaan narin ng pagbabago sa kaniyang expression.

"Dad... Walang kasalanan si Alexis... nadala lang siguro ang half-brother ko ng dahil sa inis at galit nito sa akin. Hindi naman siguro—hindi naman siguro inaasahan ni Alexis na aabot ang lahat sa ganito, tama ba ako  Lexie?"

May pag-aalala sa tinig na tugon ni Krystal, nababalot ng kalungkotan ang mukha nito ngunit kung iyong pagmamasdan ay taliwas ang kalungkotan na makikita sa mukha sa mabigat at nag-aapoy na emosyon ng galit na pilit nitong tinatago sa mga mata nito. Ngunit sa mga mata ni Alexis, kitang-kita niya ang nag-uumapaw na poot, inggit, at iba pang hindi mawaring emosyon sa mga mata ng half-sister niya.

Nababalot ng lungkot ang mukha. Matamang pinakatitigan ni Krystal ang guwapo na mukha ni Andrus, mga matang hindi maitago ang pagnanais sa lalakeng nasa harapan niya. Sa isipan nito, kung sana ay una nitong nakilala ang lalakeng ito. Dapat sana ay nasa kaniyang mga palad na ang Andrus Saavedra na'to.

"Young Master Andrus. Alam kong walang kinalaman dito ang kapatid kong si Alexis at hindi ko rin masisisi kung may pagtatampo sa akin ang kapatid ko dahil sa mas pinili akong pakasalan ng husband ko. Marahil ay hindi mo nalalaman na, minahal ng lubos ni Alexis ang husband kong si Vincent. Wala naman talaga akong balak na kunin sa kapatid ko ang ex-fiance nito. Pero masisisi mo ba kung puso na ang nag-utos? Hanggang ngayon ay hindi ko parin maunawaan kung bakit galit na galit pa rin sa amin ang kapatid ko gayong kasal na sa'yo si Alexis--- wait, hindi ko talaga sinasabing hindi pa rin makamove-on ang half-brother ko pero-- parang ganun na nga, 'diba? I'm sorry Young Master Andrus pero hindi ko lang kasi talaga matanggap na pati ang isang walang muwang na sanggol ay... "

Ang kaninang mahinang paghikbi ni Krystal ngayon ay napalitan na ng pagtangis na pinupuno ng matinding kalungkotan. Isang kalungkotan ng isang tunay na Ina na nawalan ng kaniyang anak.

"Dad, please don't blame my brother. Pagkakamali kong lahat ng iyon. Kung naging maingat lang sana ako hindi na sana nangyari ang lahat ng ito. I wouldn't have taken the initiative to look for my half-brother. Or rather, when Alexis pulled his hand away, I should have stood more firmly."

"Dad, Vincent, Young Master Andrus, maaari bang huwag na nating pag-usapan ito? Lalong sumasakit itong puso ko sa tuwing naalala ko ang anak kong hindi ko man lang nagawang isilang dito... dito mundo."

Sa pagkasabi ng mga katagang ito ay higit naman na napahagulhol sa pagtangis si Krystal sanhi upang lalong mag-umapaw ang galit ni Mr. Mendes.

" Heh~"
Habang walang sawang bumubuhos ang luha sa mga mata ni Krystal ay isang maliit na pagtawa ang pinakawalan ni Alexis sanhi upang mapabaling ang atensyon ng lahat sa kaniya.

"Aba't--- animal ka talaga! Nagawa mo pang pagtawanan ang kapatid mo?!"
Pagkasabi na pagkasabi nito ni Mr. Mendes ay akmang hahakbang ito palapit sa kinatatayoan ni Alexis nang nakataas ang kanang braso at aktong sasampalin ang mukha ng stepson nitong si Alexis. Ngunit bago pa man ito makalapit sa kinaroroonan ng male conceiver ay mabilis rin naman na hinatak ni Andrus palapit sa kaniyang katawan ang male wife nito saka niyakap ng mahigpit si Alexis. At mabigat ang aurang nagsabing...

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now