The Possessive Husband
****--------****
Sari-saring komento ang ngayon ay bumabalot sa social media patungkol sa insidenteng ito. Hindi na tuloy malaman ng Mendes Family sa kung paano mapipigilan ang kahihiyan na na bumabalot sa kanilang Pamilya. Maging ang matandang Alfonso Mendes ay hindi narin magawang makausap ng sariling anak dahil narin sa malaking galit na nag-uumigting sa puso ng Grandpa Alfonso. Sinong mag-aakala na ang isang maamo at magandang Apo niyang babae na nasubaybayan niya mismong lumaki kasama ng half-brother nito ay magagawa ang mga bagay na ito. Ang saktan at naisin na sirain ang buhay at pangalang ng nasabing Gher. Sa puso't-isipan ng Grandpa Alfonso para siyang pinagsukluban ng langit at lupa sa kahihiyan na ibinibigay ng mismong pamilyang pinangangalagaan niya. Gaano na ba siya katanda para hindi mapagtanto ang pag-iisip ng mga taong nasa loob ng kaniyang pamilya? Pakiramdam ng matandang Alfonso ay para siyang nawalan ng lakas at pagtitiwala sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. At bakit ganoon na lamang ang galit ng granddaughter niya sa sariling half-brother nito? Hindi pa ba sapat ang paghihirap na naranasan ni Alexis sa pamilyang kinamulatan nito? Nagawa ng babaeng agawin ang fiance ng Gher, pero hindi pa rin pala sapat ito kay Krystal? Gustong-gusto ba ng babae ang mismong mamatay sa harapan ang sariling half-brother nito?
Isang bagay lamang ang nag-uumigting sa isipan ni Mr. Alfonso Mendes, sirang-sira na ang pangalan ng Apo niyang si Krystal! At sirang-sira narin ang dangal at karangalang taglay ng kanilang pamilya!
Robert Mendes: "Dad..."
"Tumigil ka! Sobrang kahihiyan ang ibinigay niyo sa akin sa pagkakataon na'to! Hindi mo ba talaga nalalaman ang mga bagay na tumatakbo sa kukute ng anak mong si Krystal? O, hinayaan mo lang na tuluyang mapariwara ang buhay nito? Roberto! Hindi kita pinalaki ng maayos para makaligtaan mo lang ang tatlong batas sa pamilyang ito! Ni hindi mo lang pinabayaan na masira ang buhay ng anak mo, nagawa mo pang ipikit ang mga mata mo sa katotohanan at yakapin ang kabaliwan na'to!"
Robert Mendes: "Dad, Hindi ito ang inaasahan kong mangyari! Anak ko si Krystal at bilang Ama nito ay hindi ko magagawang pabayaan ang anak ko sa maaring."
"Useless! Hindi ko matatanggap na nagpalaki ako ng walang kuwentang nilalang na tulad mo!"
Sa sinabing ito ni Mr. Alfonso Mendes. Tuluyang nabalot ng galit ang mga mata ni Mr. Robert Mendes. Hindi pagkapaniwala ang bumalot sa buong mukha nito. Si Krystal ang tunay na parte ng Mendes at hindi ang bastardong iyon, pero bakit ganoon nalang ang pagtatanggol ng matandang ito sa walang kuwentang Gher na iyon?"Dad! Huwag mong kalimotan na si Krystal ang tunay na Apo mo!" Nanlilisik ang mga matang tugon nito sa matanda na siyang dahilan para higit na mag-umapaw ang halo-halong emosyon sa puso't-isipan ng matandang Alfonso.
"At ikanakahiya ko ang katotohanan na iyon! Sinong mag-aakala na ang isang mala-anghel na mukha ng Krystal mo ay magagawang ipahamak ang sariling kapatid nito? Hindi man tunay na parte ng Mendes si Alexis pero nanalaytay pa rin sa katawan nito ang dugo ng kanilang Ina na nag-uugnay sa kanilang dalawa!"
Darn it! Galit na galit na talaga si Robert Mendes. Habang paulit-paulit niyang naririnig ang pangalan ng bastardong anak ng wife niya, nagbabaga ang poot sa puso niya. Hindi pa nakakatulong na ang mismong Ama pa niya ang paulit-paulit na nagpapaalala sa kaniya sa katotohanan na'to!
"Dad!"
"Tumigil ka na! Ayokong makarinig ng mga salitang magmumula sa bibig mo. Kung gusto mo pang maisalba ang kinabukasan ng anak mong si Krystal at ang karangalan ng pamilyang ito, sasabihin ko sa'yong tumigil ka na ngayon din! Gagawin ko ang lahat-lahat ng magagawa ko para maisalba ang anomang maliit na pag-asa para sa anak mo. Magtutungo ako kay Alexis at kakausapin ko siya. Sisiguraduhin kong naroroon mismo sa harapan ko ang Pamilyang Saavedra para maisalba ang meron tayo! Hindi mo lang pinatay ang kinabukasan ng anak mo, nagawa mo pang putolin ang pag-asa sa pamilyang ito! Ngayon ay naging Isa na tayong malaking katatawanan sa mga mata ng lahat!"
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...