ANDRUS, I LOVE YOU

898 50 6
                                    

THE. POSSESSIVE HUSBAND 40.1

Hello everyone, miss me? So this chapter is a bit longer. I didn't even realize that it had become this long. Enjoy reading.


          ➿➿➿➿➿➿➿➿

ALEXIS POV>

"Hindi ko, wala akong alam."
Natatarantang tugon ko pagkatapos ng mahabang pagkukuwento ni Andrus about the past. Nang dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. Isang nakatagong ala-ala ang muling nanumbalik sa utak ko. Hindi ko talaga maalala na ang lalakeng napakasalan ko ang taong tumulong sa akin noong araw na'yon. Basta't ang nalalaman ko ay duguan rin ako noong humandusay at kaagarang nawalan ng malay-tao. Dahil sa malaking pagtatalo namin ni Krystal at sa malaking galit sa akin ng Ama nito, kasama narin ng kawalang pag-aalala sa akin ng sarili kong Ina. Nabalot ng lungkot ang puso ko. Isa lang ang gustong-gusto ko noon. Ang maging isang Manunulat. Ngunit, hindi pa man nagsisimula ang lahat ng ito ay ninakaw na ang isa sa mga akda ko na siyang labis na ikinapanlumo ng buong pagkatao ko.

At ang lahat ng ito ay kagagawan ng kapatid kong si Krystal. Wala akong nagawa, bagkus pakiramdam ko ay lalong gumuho ang mga pinaghirapan ko. Sobrang kalungkotan naman ang bumaon sa kaibutuuran ng dibdib ko nang mas piniling panigan ni Vincent ang half-sister ko kaysa sa sariling boyfriend at fiance nito. Kitang-kita ko ang malaking tuwa sa mga mata ni Krystal noon bagay na naging dahilan para lalong mag-umigting ang sakit sa puso't isipan ko. Pakiramdam ko ay pinagtutulongan ako ng lahat. At ang taong inasahan kong magiging kakampi ko sa mga oras na'yon ay siya ring paulit-ulit na dumurog sa maliit na pag-asang nanalaytay sa puso ko, nang pinung-puno.

Sobrang saya ang naramdaman ko ng magawa kong taposin ang akdang ginagawa ko, pero sinong mag-aakala na nanakawin ang idea ko na siyang dahilan para muntik ng masira ang pangalan ko. Walang pag-ibsan ang sakit at pait nang makita ng mga mata ko ang kawalang pagtitiwala sa akin ng fiance kong si Vincent at ng mismong sarili kong Ina. Sa kanilang mga mata ay nagsinungaling ako, na si Krystal ang tama. At sa mga mata ni Vincent ay Inosente ang kapatid ko na siyang rason upang mabalot ng pait ang aking dibdib. Hindi pa nakatulong ang malaking ngiti sa labi ni Krystal nang makita ang kauna-unahan naming pagtatalo ng lalakeng mahal ko.

At sa araw na iyon, ay gustong-gusto kong magwala at tuluyang maglaho sa mundo. Ngunit hindi ko inaakalang isang aksidente ang mangyayari. Na hindi pa pala iyon ang huling kamalasang mangyayari. Wala sa sariling tinahak ko noon ang pinto at lumabas sa Mansion ng Mendes. Pero sinong mag-aakala na isang kamalasan ang bubungad sa akin sa araw na iyon. Isang pangyayari ang bumungad sa aking paningin at mula sa kinatatayoan ko ay kitang-kita ng mga mata ko sa kung paano pagtulungan ng Limang lalake ang isang binatang nasa 16–18 pataas at hindi ko nakikilala dahilan para mabalot ng takot ang puso ko.

Napakabilis ng pangyayari, mahusay sa pakikipaglaban ang binatang ito, pero nung makita ko ang mabilis na pagbunot ng isang matipunong lalake ng baril, mabilis at tila wala sa katinuan na kusang kumilos ang katawan ko. Mabilis na pinalo ko ang lalakeng ito ng bag na hawak ko na siyang dahilan naman para mabilis na ikinairita ng isa sa mga kasamahan nito na siyang dahilan para mabilis rin na kumilos ang mga paa nito sa direksiyon ko. Kasunod ko na lamang na naramdaman ay ang malakas at marahas na pagtilapon ng katawan ko saka tumama sa isang matigas na bagay at mula roon ay damang-dama ko ang mabilis na pagdilim ng paningin ko dahil sa malakas na impact nito. Doon rin ay naramdaman ko ang tila mainit na likidong dahan-dahang dumaloy sa mukha ko. Hindi ko na maalala ang kasunod na nangyari. Ni hindi ko man lang nasilayan ang mukha ng binatang tinulungan ko at sa kung anong nangyari rito dahil sa mismong pagtama ng katawan ko ilang sandali lang ay nawalan ako ng malay-tao.

Pero sinong mag-aakala na si Andrus ang binatang 'yon? Hindi pagkapaniwala ang bumalot sa buong pagkatao ko sa isiping ito. Hindi talaga Ako makapaniwala na ang lalakeng pinakasalan ko ay siyang binatang tinulungan ko noon.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now