48

321 30 8
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 48

Warning: May mga maling salita at grammar kaya read at your own risk.

           ➿➿➿➿➿➿➿➿

              ~Andrus Saavedra~

"Wait-- Ano'ng ipagagawa mo kay Sebastian? Andrus gusto ko itong makita." Mariin at nagmamadaling sabi ng wife ko sa akin ng akmang hihilahin ko na siya paalis.

Mataman kong pinakatitigan ang maamong mukha ng Ger wife kong si Alexis. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata nito habang mariing nakatitig sa akin. Gustuhin ko man na parusan ang babaeng dinala ng third branch pero hindi ko magagawa ito ng tama lalo na kung nasa harapan ang wife ko. Nakikilala akong taong-walang puso at Cold-blooded, katakot-takot din ang mga parusang ginagawa ko kung kaya ay nababahala ako sa maaaring maging reaction nitong wife ko. Isipin kaya nitong higit sa halimaw ang isang tulad ko kapag makita nito ang karumaldumal na gawain ko?

"Andrus. Nababatid ko ang iniisip mo. Nag-aalangan ka. Andrus, Isa akong Ger pero hindi ibigsabihin nun na mahina ako. Fine. Huwag na kayong makialam sa babaeng fiance mo 'kuno' ako na ang bahala sa kaniya. Wala kang gagawin. Wala kayong gagawin ni Sebastian okay?"

Katahimikan.

Ilang sandaling katahimikan muna ang nanatili sa aming dalawa. Hindi ko maintindihan pero may kung anong mainit na emosyon ang nagsimulang sumibol sa aking dibdib. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa sinasabi ni Alexis at sa determinasyon sa mga mata nito. Well, maybe ito na ang tamang oras. Gaya ng sinabi ng aking Ama ito na ang tamang pagkakataon upang mapakilala ko si Alexis sa mundong aking ginagalawan at kinabibilangan.

"Okay."

"Good. Dito lang kayo at huwag kayong papasok. Sandaling-sandali lang ako." Maikli at determinadong tugon nito na siyang naghatid ng ngiti sa aking labi. At ng masiguro ni Alexis na hindi ako kukunta sa pakiusap nito ay mabilis siyang naglakad pabalik ng silid sa kung saan naroroon ang babaeng dinala ng third branch.

Mabilis namang humarap sa aking harapan si Sebastian na may bahagyang pag-aalangan sa mukha nito.

"Sir... Ang babaeng iyon ay... "

Hindi man nito sabihin ng buo ang mga salitang iyon. Nababatid ko na kung anoman ang ninanais nitong ipahiwatig. Ang babaeng iyon ay hawak ng third branch ng Saavedra kung kaya ay hindi magiging madali ito. Sa pamilyang ito walang sinoman ang mangangahas sa buhay ko ngunit malaki ang kaibahan nito sa sitwasyon ng wife kong si Alexis. Isang illegitimate child at isang Gher ng mababang pamilyang Mendes. Paniguradong sa ngayon ay niluluto na ng mga ito ang plano upang mawala sa landas ko ang Gher na napili kong pakasalan. Sa isiping ito ay hindi ko mapigilan ang mapaismid.

Iniisip ba ng mga nilalang na iyon na pababayaan ko nalang saktan nila ang wife ko? Siyempre hindi. Sino ang mga taong iyon para pabayaan kong magawa nalang nila basta-basta ang anomang magustuhan nila? Magmula noong makilala ko si Alexis at nang tumibok ang puso ko rito. Inihanda ko na ang sarili ko para protektahan siya.

"Sir... gusto ko lang sabihin na mag-iingat kayo."pagpapatuloy nito.

"Alam ko Sebastian.Subukan nilang saktan siya. Hindi ako magdadalawang isip na ipakilala sila sa kaibigan kong si Luci. Ngayon nababatid kong alam mo na ang gagawin diba?"pagtatanong ko kapagkuwan ay sumulyap sa paligid.
"Hanapin mo ang taong nagbigay mensahe sa atin sa pangyayari. Gantimpalaan mo siya."

"Masusunod."

              ➿➿➿➿➿➿➿➿

                 ~ Alexis POV~

Pagkatapos ng pag-uusap naming ito ay mabilis kong iniwan si Andrus at ang taohan nitong si Sebastian at bumalik sa opisina nito. Sa totoo lang ngayon lang at nakadama na ako ng kaba at pag-aalinlangan taliwas sa nararamdaman kong inis kanina. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kukuti ko  at nagawa kong bigkasin ang pagnanais kong maghiganti sa babaeng iyon. Maybe selos? Right yes. Nagselos ako ng sinabi nitong fiance ito ni Andrus at siyang babaeng napili ng ikatlong-angkan ng Saavedra. Napili ng ikatlong-angkan ng Saavedra? Puwes ako mismo ang napili ng taong ninanais nila! Nang dahil sa inis at pagkaubos ng pasensiya ay  mabilis tuloy na nagdilim ang paningin ko na siyang dahilan upang bahagyang mawala ako sa kundisyon. Hindi naman ako ganito dati diba? Mabait akong tao pero ngayong may nagnanais na umagaw sa taong pag-aari ko. 'Yon ay No. No sa akin. Tsaka walang wife ang magnanais na maagawan ng asawa diba?

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now