39.1

725 51 10
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 39.1

Hello, here's the next chapter.

        ➿➿➿➿➿➿➿➿

Hindi maiguhit ang mukha ni Andrus nng pumasok siya sa silid nilang mag-asawa. Alam niyang walang katuturan ang pagseselos niya sa isang profile picture lang, pero ang isipin na mukha ng wife niya at ni Vincent Logan ang ex-fiance nito, ang nasa profile ng account nito, naghuhurumintado sa galit ang puso niya. Hindi siya nagagalit kay Alexis, pero galit siya sa sarili niya. Saan siya nagkulang? Pangit ba siya? Kapalit-palit ba siya? Hindi ba sapat ang ka-guwapohang taglay niya para maipagmamalaki ang mukha niya nitong Gher wife na pinakasalan niya? Isipin palang ay nagkukumawala na sa inis o pagkairita ang kaniyang puso. Bakit? Ano bang meron sa Vincent na'yon para pag-agawan ito ng magkapatid?

Nang makarating siya sa kanilang silid ay kitang-kita niya ang tulog na tulog na mukha ni Alexis. Ang maamong mukha nito at nakahahalinang labi na paulit-ulit na gumugulo sa utak niya. Isiping hindi parin ito makatakas sa karismang taglay ng ex-fiance nito, naghuhumindik na sa apoy ang galit niya.

'Alexis is mine! Walang sinoman ang makaaagaw sa kaniya sa mga kamay ko! '

Ito ang malakas na sigaw ng puso't isipan ni Andrus, habang pinagmamasdan ang tulog na Gher. Ngayon lang niya naranasan ang maging possessive ng ganito. Ni minsan ay hindi niya naranasan ito sa naunang Fiance niyang si Ms. Tontawan. Nang dahil sa utang na loob niya sa babae, sa utang niya kay Ms. Tontawan sa pagliligtas nito sa buhay niya ay tinanggap ni Andrus ang proposal ng Tontawan Family. Ang buong akala niya ay ang babae na ang mapapangasawa niya, hindi na mahalaga kung may pagmamahal o wala sa kasalang magaganap, ang mahalaga ay mabayaran niya ang utang na loob sa dalaga.

Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago dahil sa kaibigan niyang si Cleo Montefalco. Ang engagement niya kay Ms. Tontawan ang siyang rason upang masira at magwakas ang pagkakaibigan nila ng kababata niya. Naging sanhi rin ang maliit na gulo nila ni Cleo sa panimulang pagtatalo at pagkasira ng pagtutulungan ng dalawang pamilyang Tontawan at Saavedra. Ngunit ang hindi maunawaan ni Andrus ay kung ano ang kinalaman ng galit ni Cleo Montefalco sa kaniya ukol sa pagbagsak ng pamilya Montefalco. Sa pagkakaalala niya ay wala siyang ginawa sa pagbagsak ng Pamilyang ito. Bagkus ay binili pa ng Dad niya ang kumpanya ng pamilya nito upang mapigilan ang tuluyang pagkawala nito.

Habang naghuhumiyaw sa inis ang puso ng isang Andrus Saavedra. Mabilis na kinuha nito ang phone sa bulsa ng shorts niya bago tinawagan ang matandang Butler na si Wu at nag-utos ng isang bagay na labis na ikinagulat ng matanda dahilan para mapaangat ang labi nito habang pinakikinggan ang bawat utos na nagmumutawi sa labi ng boss niya sa kabilang linya. 

"Ngayon na ho' ba, Young Master?"
Maririnig ang pag-aalinlangan sa tinig na tugon ni Butler Wu, pero kalaunay walang nagawa kundi tahimik na tumugon ng, "Masusunod ho' Young Master Andrus."

Hindi rin naman masisisi si Butler Wu sa pagkagulat na tugon nito dahil narin sa kakaibang utos ng Young Master nila. Sinong may matinong pag-iisip ang pu-punuin ng larawan nito ang buong silid ng sariling mag-asawa? Isipin palang na sa paggising ng Young Madam Alexis nila at makikita nito ang iba't-ibang larawan ng husband nitong nakasabit sa dingding, paniguradong mapapasigaw sa pagkagulat ang Gher Young Madam ng Saavedra Family.

Isipin palang ay nakatayo na ang balahibo niya. Hindi maitatagong Guwapo ang mukha ni Andrus Saavedra, pero ang isipin na buong silid ay nakapalibot ang iba't-ibang anggulo ng mukha nito? Ayaw ng isipin ng Butler Wu ang magiging bunga ng lahat ng ito. Walang nagawa ang matanda kundi ang tahimik na sundin ang Young Master nila.

---------
Sa loob ng silid ay tahimik na sinunod ng mga taohan ng Saavedra Family ang gawain na itinalaga ng Young Master nila habang ang nasabing Boss naman ay paulit-ulit na kinukuhanan ang sariling larawan gamit ang phone ng Gher wife nito. Paiba-ibang anggulo, pero sinisigurado ng lalake kung kaakit-akit ba ang bawat kuha ng camera bago i-save ito sa Phone ni Alexis. At nang matapos ang pagsasabit sa dingding ng mga portrait ni Andrus Saavedra, magalang na yumukod ang mga ito kasama ni Butler Wu, at saka tahimik na lumabas ng silid.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now