CHAPTER 14.1

1.1K 61 15
                                    


THE POSSESSIVE HUSBAND 14.1

A/N: HAPPY BIRTHDAY NGA PALA SA SINOMANG MAY BIRTHDAY TODAY! 💕💕 Wala lang guys, wag kayong magtataka dahil gusto ko lang talagang mag happy birthday!! 😊😊

Here's the Chapter.

Enjoy Reading...

             ➿➿➿➿➿➿➿➿

              THIRD PERSON'S POV

MATAMANG PINAKATITIGAN ni Alexis ang maliit na box na nasa kaniyang mga kamay. At dahil sa utos ni Andrus na buksan ito ay marahan niyang binuksan ito at mula roon ay bumungad sa kaniyang paningin ang hindi isang maganda, mamahalin at makislap na bagay.

Isang necklace!

Halos magkakasabay na napasinghap ang ilang naroroon sanhi upang bahagyang manginig ang mga palad ni Alexis.

"Ano 'yan?"
Magkasabay na sabi ng kambal na sina Stephanie at Tanya. Hindi pagkapaniwala ang makikita sa kanilang mga mata.
Isang bagay ang tanging tumatakbo sa kanilang isipan.

Aba't palaban parin pala ang babaeng hipokreta.

Nagsimula sa pagkagulat ang emosyong maaninag sa mga mata ng dalawang babae bago nagngingitngit sa galit na bumaling sa babaeng kinaiinisan nila.

"Tu--"

Naputol ang sasabihin ni Stephanie nang makita ang marahang pag-iling ng kambal bago nagtatanong na napaangat ang kilay.

'Maghintay ka, nasa kalagitnaan palang tayo ng eksena. Magtiwala ka sa fiance ng cousin natin ' Ito ang mga salitang nais ipahiwatig ng mga mata ni Thanya na siyang mabilis rin namang naunawaan ng sariling kapatid.

Sa kabilang Banda.

Mabilis rin namang napatitig si Andrus sa box na hawak ni Alexis ngunit hindi ito makikitaan ng kung anomang emosyon bago ibinaling ang paningin sa fiance . Tila ba wala itong ibang nakikitang mahalaga sa kanyang harapan kundi ang maamong mukha ng Male conceiver na nasa tabi niya.

However, Alexis heart skipped a beat. Nag-aalalangang napatuon ang kanyang atensyon sa necklace na nasa nakasabit sa leeg ng dalaga. It was the same design as this necklace.

Could it be a couple's design?

Sa pagkakataong iyon ay hindi na mapigilan ang mapasinghap ni Alexis bago nanginginig ang mga matang napatitig sa direksiyon ng Fiance niya.

Couple necklace?

Tu ignored Alexis expression, then gently said to Andrus, "Andrus, this is the gift I bought for you from overseas. Hindi ba't gustong-gusto mo noon ang mga ibinibigay ko sa'yo?"

Alexis expression froze, kapagkuwan ay mabilis niyang ibinibigay kay Andrus ang hawak na box at  nanginginig ang tinig na nagsalita. "Ah, favorite mo pala 'to e, kuhanin mo na."

Nagsimulang bumilis ang takbo ng kanyang dibdib. Walang sinoman ang magnanais na makita mula sa kanyang harapan ang sitwasyong ito. Mula sa kanyang kanan ay nakaupo ang lalaking kanyang pakakasalan at nasa harapan naman niya ang ex-fiance nito. Sinong hindi mag-alala sa maaring mangyari 'diba? Iisa lang ang nasa tumatakbo sa utak niya. Kapag tinanggap ni Andrus ang kuwentas. Isang bagay ang tanging magagawa niya. Iwanan ang dalawa at putulin ang engagement.

Darn it!

Walang kasal na magaganap!

Hindi siya tanga, okay? Minsan na siyang nagpakatanga at sapat na ang 'minsan' na'yon.

If Andrus Saavedra dared to wear the couple necklace along with Tu then bahala na ang bukas sa buhay niya.

Magkalimotan nalang sa lahat!

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now